KABANATA LXII

939 71 13
                                    

"Papa, dada, excited na po akong makilala si granddad." masayang sabi ni Ethan.

Ang tuwang nararamdaman ng walang muwang na bata'y, kabaligtaran naman ng nararamdaman nila Enrique at Timothy na nasa harapang bahagi ng sasakyan. Sandali pang nagtama ang mata ng magkasintahan, at kapwa batid nila ang kaba at alinlangan ng bawat-isa, habang tinatahak nila ang daan papunta ng mansyon.

"Hindi lang si granddad ang makilala mo mamaya son, nandoon rin si lola Myrna at marami pang iba na alam kong magiging kalaro mo habang nandoon tayo sa mansyon." sagot na lamang ni Timothy sa anak, na nasa likurang bahagi ng sasakyan, matapos nun ay muli nitong sinulyapan ang seryoso paring mukha ng nagmamanehong si Enrique.

...

"Nandito na sila senorito, nay!" masayang anunsyo ni Laura sa mga kasama, pagkakita nito sa pamilyar na sasakyan ni Enrique.

Dali-dali ngang nagpunta sa labas ang lahat, para salubungin ang mga dumating.

"Tim anak!" naluha sa labis na sayang salubong ni Myrna sa namiss nitong alaga.

"Namiss ko rin kayo nay." ganting mahigpit na yakap ni Timothy sa pinakamamahal nitong babae, sumunod sa namayapa na nitong ina.

Abala naman sa mga sandaling iyon ang mga mata ng batang si Ethan sa pagtingin sa mga taong unang beses palang nitong makita, habang buhat-buhat siya ng kanyang amang pulis.

"Kegwapong bata, iyan na ba ang apo ko." kumpirma ni Myrna nang mahagip ng kanyang mga mata ang kasamang bata nila Enrique at Timothy.

"Opo nay, say hello to lola Myrna, son." sagot ni Enrique at baling nito sa anak.

"Hello po lola, ako po si Ethan." ngiting sabi at pakilala ng bibong bata.

"Ang cute!!!" tili nila Sonya at Laura.

At sa ilang minutong lumipas, pinagkaguluhan ng mga tauhan sa mansyon, ang bibong si Ethan na napuno rin ng halik ang buong mukha.

"O siya tama na muna 'yan, mabuti pa'y pumasok na tayo sa loob, Laura, Sonya, samahan ninyo ako sa kusina." putol ni Myrna sa lahat.

"Akin na si Ethan, senorito." ngiting abot ni Vilma sa batang buhat ni Timothy.

"Sige po tita." pagpayag ng heredero at bigay nito sa bata.

"Ready ka na ba?" baling ni Timothy sa nobyo, nang sila na lamang ni Enrique ang maiwan sa labas.

"Ready na baby, siguro naman buo pa akong makakalabas, pagkatapos naming mag-usap ng dad mo." pilit na ngiting sagot ng kinakabahang pulis.

"Magiging maayos lang ang lahat Ric, nagawa mo ngang itakas ako dito sa mansyon." pagpapalakas-loob at biro ni Timothy sa nobyong pulis.

"At gagawin ko 'yon ng paulit-ulit baby." maagap na sagot ni Enrique, na maagap ring nahagkan ang mapupulang labi ng heredero.

At sa isang iglap lang, nawala na ang anumang kabang mayroon si Enrique kanina, at magkahawak kamay na rin silang pumasok ni Timothy sa loob ng mansyon.

...

"Dada, masungit ba si granddad?" tanong ng batang si Ethan kay Timothy, na bumasag sa kanina pang katahimikang namamayani sa hapag.

Nababahala namang napatingin sina Enrique at Timothy sa kabisera ng mahabang mesa sa hapag na iyon, kung saan nakaupo si Sergio.

Pigil naman ni Sergio ang paglabas ng ngiti sa kanyang mga labi, at nanatili lamang ang seryosong ayos ng kanyang mukha habang patuloy ito sa pagkain ng tanghalian.

"Son, hindi ba paborito mo ang mga ito, gusto mo bang subuan ka ni dada?" lihis na lamang ni Timothy sa tanong kanina ng anak.

"Yes po dada." masayang sang-ayon ng bibong bata, na nakalimutan na ang naging tanong nito sa ama.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon