KABANATA XXXVI

1.5K 87 16
                                    

"Ganito kasi baby, suportahan mo sa isa mo pang kamay ang paghawak, kasi kapag kinalabit mo ang gatilyo, may kaunting impak ang mangyayari dahil sa paglabas ng bala." muestra ni Enrique at paggabay nito kay Timothy, kung paano ang tamang paghawak ng baril.

Habang abala sa pagtuturo sa kanya si Enrique, lalo pang humanga si Timothy sa galing nang lalaki, na 'di parin niya mapaniwalaan na isa palang magaling na pulis at hindi hamak na hardinero lamang.

"Oh sa baril ang tingin baby, baka ibang baril ang ipahawak ko, kapag hindi mo tinigilan ang kakatitig sa'kin." biro ni Enrique, nang mapansin nitong kanina pa napako ang tingin sa kanya ng heredero.

"Puro ka talaga kalokohan Ric, sige na, ganito ba?" naiiling na saad ni Timothy, na sumunod naman kaagad at muling pinagtuunan ng pansin ang paghawak ng baril.

"Hindi ako nagbibiro baby, pagkatapos mo sa pagbaril, itong baril sa loob ng pantalon ko ang susunod mong bibigyan ng atensyon." bulong ni Enrique sa tenga ni Timothy, bago nito ipasuot ang earmuffs sa mga tenga ng heredero, para hindi ito mabingi sa gagawing pagbaril.

Pinamulahan naman kaagad ng mukha si Timothy, sa bulong na iyon ng barakong pulis na nakayakap sa kanyang likod, kasabay ng paggabay sa kanya nito sa paghawak ng baril.

Matapos nga ang nangyari sa kanila kahapon, pansin ng heredero na lalo pang naging malambing sa kanya si Enrique. At batid man ni Timothy na pareho ang kanilang nararamdaman ng binatang pulis, may kaunting takot ang binata na ipagtapat ang tunay na nararamdaman at sabihin ang salitang mahal, pati na ang itanong sa lalaki, kung anong relasyon na ba ang mayroon sila ngayon.

Iwinaksi na lamang ni Timothy ang kanyang mga naisip, at nagpokus na lamang sa ginagawa, ilang galaw pa sa hawak nitong baril kasama ng paggabay rin sa kanya ng mga kamay ni Enrique, kinalabit na ng heredero ang gatilyo, at kasabay nito ang maingay na pagputok ng bala papunta sa target.

"Tinamaan ko Ric!" masayang reaksyon ni Timothy, pagkakita nito sa nabasag na babasaging bote na target.

"Syempre, magaling ang nagturo sa'yo baby, para saan pa at isang magaling na sniper ang boyfriend mo." yabang na saad ni Enrique.

"Ang yabang mo naman, oo na, naniniwala naman ako na magaling ang boyfriend..." natigilang sagot ng heredero, nang mapagtanto nito ang narinig nito kay Enrique.

"Bakit natigilan ang baby ko? Ayaw mo ba na maging boyfriend ako?" ngiting tanong ni Enrique sa natigilang heredero.

"Gu-gusto ko Ric." pinamulahan ng mukhang sagot ni Timothy, na pigil rin ang sariling maluha sa labis na saya, sapagkat nais rin ng lalaking mahal ang kanina lang ay nasa isip niya.

"Mabuti naman baby, akala ko ay mababasted ako, ibig ba niyang sabihin bukod sa tayo na ay patitigilan mo na rin sa panliligaw sa'yo yung totoy na bisita mo sa party?" nakahinga ng maluwag na saad ni Enrique at paglilinaw nito sa gagawin ng heredero.

"Oo Ric, patitigilan ko na sa panliligaw si Eduard. At ikaw naman, 'wag kong makikitang magkadikit kayo ni Violet." sagot pabalik ni Timothy.

"Hindi na muling mangyayari iyon baby, dahil sa'yo lang ako didikit at sa akin ka na rin magmula ngayon." maagap na sagot ni Enrique, na maagap ring hinagkan ang mga labi ng heredero.

Malugod na tinugon ni Timothy ang ginawang paghalik na iyon sa kanya ni Enrique, sa mga sandaling iyon, sobrang kaligayahan ang nasa puso ng heredero at hiniling nito na sana ay hindi na matapos pa ang nararamdaman sa piling ng lalaking pinakamamahal.

Pagkahiwalay sa ginawa nilang halikan, pinunasan ni Enrique ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Timothy.

"Sana baby, dulot ng kaligayahan ang pinunasan kong luha sa mga mata mo, dahil ang makitang masaktan ka ang tanging pinakaayaw kong mangyari." matamang tinititigan ni Enrique ang maamong mukha ng pinaka-importanteng tao ngayon sa kanya.

"Don't worry Ric, dahil tama ka at dulot ito ng sobrang saya ko na kasama kita ngayon." ngiting sagot ni Timothy.

"At masaya rin ako baby, pero mas masaya kung gagawa tayo ulit mamaya ng baby." pilyong saad ng napangisi rin na barakong pulis.

"Ano ba naman Ric, nagsisimula pa naman na akong kiligin, 'di mo talaga makakalimutang isingit ang pagiging manyak mo." naiiling na sagot ni Timothy, na kaagad tinalikuran ang barakong pulis.

"Syempre kasama iyon baby, base sa pag-aaral ng mga eksperto, dapat daw kailangan ng kahit tatlong rounds lang ng sex araw-araw, para manatiling matatag ang relasyong mayroon ang mag-asawa o magkasintahan." ayaw paawat na biro ng pilyong barakong pulis.

"Ah base sa eksperto ba kamo? O base lang ito sa katulad mong mahilig? Titigil-tigilan mo nga ako Ric, hindi ka pa makaka-score ngayong araw, mabuti pa ay ituloy na natin ang pagtuturo mo sa aking bumaril." masungit na sagot ni Timothy at matapos muli nitong hawakan ang baril, itinutok nito ang nasabing armas sa barakong pulis.

"Baby! Baka makalabit mo ang gatilyo, ayoko pang mamatay, hindi ko pa nakikita ang magiging mga anak ko sa'yo." kunwaring takot na bulalas ni Enrique, na kaagad nagtaas ng dalawang kamay.

"Mabuti at may kinatatakutan ka rin pala Ric, te-teka lang anong sabi mo?" nakangising saad ni Timothy na nasiyahan sa nakitang takot sa mukha ng barakong pulis, pero kaagad rin nitong naisip ang huling narinig nito sa lalaki.

Bago sagutin ang herederong tinutukan siya ng baril, maingat at mabilis na naagaw ni Enrique ang armas na hawak na iyon ni Timothy. Kasunod nun ang pagbuhat ng barakong pulis, sa magaang katawan ng heredero pabalik sa kubo.

"Bad ang ginawa mong iyon baby, kaya bilang parusa, ibang baril ang ipuputok ko sa'yo." bulong ni Enrique sa tenga ng buhat nitong heredero.

"Ric!" tangkang panlalaban ni Timothy sa plano ng barakong pulis.

"Pak!" isang palo sa puwet ang ibinigay ni Enrique sa nagpupumiglas na heredero.

Imbes na magalit, tila lalo pang nag-init ang nararamdamang pagnanasa ni Timothy, inaamin niya na kanina pa ito nadadala sa ginagawang panunukso ng barakong pulis.

"Damn baby, kung alam mo lang kanina pa ako sabik sa'yo." bulong ni Enrique na batid nang nadadala na rin ang namumulang heredero, na mabilis nitong naihiga sa kama.

"Sabik na rin ako daddy, gusto ko ng makita ang malaking baril mo." patol ng kagat-labi ring sa oras na iyon na heredero.

"Damn baby, alam mo talaga kung paano pa ako pasasabikin, 'wag kang mag-alala, iyong-iyong lang ang malaking armas ko." ngising sagot ni Enrique na sa isang iglap lang ay mabilis na pinunit ang lahat ng suot ni Timothy.

"R-Ric!" medyo gulat na reaksyon ng heredero, sa tila mabangis na hayop na binuhay nito sa katauhan ng barakong pulis.

"Damn baby, hindi ako magsasawang asawahin ka." sagot lang ng barakong pulis, na inumpisahan ng papakin ang maputi at makinis na leeg ng heredero.

At sa umagang iyon, tila bagong kasal ang dalawang nag-iibigan, na walang-sawang ipinalasap ang sarap ng kanilang pagniniig, saksi ang kubo na ginawa nilang pugad ng kanilang pagmamahalan.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon