Naaalala Niyo Pa Ba?

11 3 0
                                    

Sa tuwing maaalala ko ang mga ginagawang pangmamaliit sa akin noon ay napapangiti na lang ako.

Naaalala niyo pa ba?

Nung sinabihan niyo ako na baka mauna pa akong mabuntis kaysa sa anak niyo. Ano na? Nasaan na ‘yang anak niyo? Ah, ‘yun nabuntis at di na nag-aral dahil nag-asawa na. Tuwing babalikan ko ang ala-ala na ‘yon ay natatawa ako. Ilang taon nga uli ako ng sinabihan niyo ako ng ganyan? Sa edad kong labing-dalawa, sasabihan niyo ako ng ganyan? Pambihira.

Naaalala niyo pa ba?

Nung sinabihan niyo ako na hindi ako makakapag-tapos ng pag-aaral dahil maaga lang akong lalandi. Ano na? Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang naging reaksiyon niyo nang ipakita ko sa inyo ang diploma ng pagtatapos ko. Hindi ba kayo makapaniwala? Nang dahil sa inyo, nakamit ko ‘yan. Ang mga masasakit na salita niyo ang naging kalakasan ko.

Naaalala niyo pa ba?

Nung sinabihan niyo ako na puro lang ako salita at hindi ko rin makakamit ang pangarap kong buhay dahil tamad ako? Ano na? Eto na ako ngayon. Marami nang branch ang coffee shop na matagal ko nang ipinangarap. Kilala na ang pangalan ko dahil sa timpla ng kape ko. Lahat ng hirap pinagdaanan ko. Dahil eto ang gusto ko. At gusto ko na ipa-mukha sa inyo na hindi ako kagaya ng sinasabi ninyo. Gusto kong ipa-mukha sa inyo na kaya ko. Gusto kong ipa-mukha sa inyo na hindi ako tatamad-tamad kapag pangarap ko na ang pag-uusapan.

Naaalala niyo pa ba?

Nung masaya akong nagkekwento sa inyo tungkol sa pangarap na mansion ko? Pero, ano nga ulit ang sinabi niyo? Wag na akong umasa pa dahil kahit kailan ay hindi ‘yon mangyayari. Ano na? Saan kayo tumitira ngayon? Ah, sa pangarap na bahay ko. Akala ko ba hindi mangyayari ‘to? Eh bakit nandito kayo ngayon sa mansion na pinangarap ko? ‘Wag niyo kasi akong susubukan, dahil kapag ang pangarap ko na ang pinag-uusapan, itinatatak ko lahat ng sinasabi ninyo dito sa isip ko.

Naaalala niyo pa ba?

Nung sinabihan niyo ako na kung mag-aasawa ako ay ‘yung mayaman ang asawahin ko dahil ang taong kagaya ko ay kailangan ng katulong? Ano na? Eto ako ngayon. Eto kami ngayon. Coffee shop ang business na mina-manage ko, habang ang asawa ko naman ay CEO ng isang sikat na kumpanya. Sabagay, mayaman nga ang napangasawa ko. Salamat sa payo niyo ah? Dahil doon, maganda na ang buhay ko ngayon. Pero, hindi dahil sa pagiging mayaman ko siya nagustuhan. Dahil kayo mismo, nang makilala niyo siya ay wala rin kayong masabi sa ugaling mayroon siya. Ibang-iba siya sa lahat ng lalaki, ‘di ba?






Ano na? Hoy, ano na?!






Tanginang ‘yan. Kung sino pa ‘yung pamilya mo, sila pa ‘yung gumagawa ng paraan para lumiit ang tingin mo sa sarili mo.

made up lives.Onde histórias criam vida. Descubra agora