Ay Hala

9 11 0
                                    



Ang gwapo-gwapo talaga ni Maximo! Sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos, pa-gwapo siya ng pa-gwapo. Sa tuwing makikita ko siya ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na kiligin. Pa’no ba naman, tindig niya pa lang nakakapanlambot na ng mga tuhod! Paano pa kaya kapag nakita mo na ‘yung mukha niya?

Pero, kahit na anong pagpapapansin ang gawin ko sa harap niya ay walang kwenta. Hmp! Palibhasa maraming nagkaka-gusto sa kanya kaya sine-set aside niya na lang ako.

Hindi naman sa pagmamaganda pero maganda naman talaga ako, noh! Kahit tanong ko pa ‘tong kaibigan kong si Era.

“Era, ‘di ba maganda ako?” tanong ko sa kanya.

Nakasimangot naman siyang tumingin sa akin, “Asa ka?” tugon niya at muling ibinalik ang atensiyon sa kinakain nito.

Nakakainis ‘tong si Era, pinahiya pa ako. Oo na! Hindi na ako maganda! Pero, maganda naman ang kalooban ko. Kahit tanong pa natin ‘tong si Aliyah.

Kailangan ko pa siyang kalabitin para makuha ang atensiyon niya, “Liyah, ‘di ba mabait ako?” ipinikit-pikit ko pa ang mga mata ko.

“Wow ah? Tigas din ng mukha mo,” inikutan niya pa ako ng mata bago muling ibinalik ang atensiyon sa nilalaro nito.

Hays. Sino kaya ‘tong masama ang ugali sa aming dalawa? Ang ganda kaya ng kalooban ko. Isang beses nga non sa bus, inalok ko ng upuan ‘yung babae na malaki ‘yung tiyan kasi akala ko buntis, kaso hindi naman pala, kaya pinatayo ko ulit siya.

Tahimik nalang akong tumitig sa mukha ni Maximo. Mapansin lang ako ng isang ‘to, okay na okay na ako. Kaso paano? Eh masyadong sikat dito sa university ‘tong lalaking ‘to. Pero hindi rin naman imposible, ‘di ba? Malay mo mapansin niya rin ako.

Humahanap nga ko ng chance na kaming dalawa lang para masabi ko sa kanya ‘tong nararamdaman ko, kaso kailan pa? Eh oras-oras may kasama ‘tong lalaking ‘to.

Maghihintay na lang ako ng tamang oras.

Nauna silang tumayo ng mga kasama niya kaya walang ganang kumain na lang ako. Inilipat ko na lang ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan.

“Hindi niyo talaga ako papansi——”

“Manahimik ka! Busy ako, okay?!” pag-putol ni Aliyah sa akin.

“Alam mo letse ka!” inis na sigaw ko sa kanya tsaka tiningnan ng masama si Era na tinatawanan lang ako. “Isa ka pa!” tsaka ko siya inikutan ng mata. “May kukunin lang ako!” tsaka ako padabog na tumayo.

Napatingin pa sa akin ‘yung iba pero wala akong paki sa kanila. Kung si Maximo ang titingin ay okay pa, pero wala na siya dito.

Nakasimangot akong naglalakad sa hallway na walang katao-tao dahil lunch break. Pero agad akong napa-ayos ng tayo ng matanaw kitang nakasandal sa pintuan ng room niyo, at mag-isa ka lang! Omo, eto na ‘yung matagal ko nang hinihintay. Aamin na ako ng nararamdaman ko sa kanya. Eto na ‘yun.

“M-maximo,” pag-tawag ko sa pangalan mo, ikaw naman ay nagtatakang tiningnan lang ako. “Ah eh, hehehe.” ang awkward, letse.

“Ano ‘yon?” nakangiting tanong mo.

Oh my freaking god! Ang gwapo niya pa lalo sa malapitan! Kaya mo ‘to. Wag mo na hayaang kumawala pa sa kamay mo ‘tong chance na ‘to.

“May gusto ako sayo,” diretso ang tinging pag-amin ko. “Gusto nga lang ba? Hindi ko alam, basta ‘yon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwang pero sa madaling salita, gusto kita. Alam kong maganda ako pero hindi masyadong maganda kaya hindi malabong magustuhan mo din——” napahinto ako sa pagsasalita nang tumawa ka.

Tinatawanan mo ‘ko?

Pero ganon na lang ang gulat ko dahil sa mga salitang binitawan mo,







“Funny ka ah. Pero, lalaki din ang hanap ko sis!” mahinang bigkas mo pero sapat lang ‘yon para marinig ng dalawang tainga ko.

Ay hala,” ang tanging naitugon ko habang nakaawang ang mga labing nakatingin sayo.

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon