Alam Mo Ba

8 11 0
                                    



Ang alam ko nagsimula na ang buhay ko ng ipinanganak ako. Pero, nagsisimula pala ang buhay ng tao kapag talagang kilala mo na ang sarili mo.

Nasa sekondarya ako noon nang maramdaman kong naiiba ako sa mga babaeng nakakasama ko. Hindi ako kagaya nila na kinikilig sa mga lalaki at hindi ako kagaya nila na sa lalaki nagkakagusto. Doon pa lang, alam ko na. Alam ko na hindi magiging madali sa akin ang buhay, at hindi magiging madali sa akin ang mag-mahal.

Hindi ko kasi kayang diktahan ang kung anong iisipin ng mga taong nasa paligid ko, at alam ko na mayroon at mayroon silang masasabi sa akin.

Pero, wala naman akong pakialam sa kanila eh. Hindi ako natatakot sa kung anumang iisipin sa akin ng mga taong nasa paligid ko. Alam mo ba kung ano ang ikinatatakot ko? ‘Yun ay ang mawala ka sa piling ko.

Una kitang nakilala noon sa rooftop, mahilig kasi akong tumambay doon kapag free time. Umiiyak ka non, hindi ko pa nga alam kung kakausapin ba kita o ano. Pero, sa huli ay kinausap pa din kita. Nalaman ko na kaya ka umiiyak ay dahil wala na kayo ng kasintahan mo. Nakayuko ka lang habang nag-ke-kwento sa akin kaya hindi ko pa alam kung ano ang itsura mo.

At nang mag-angat ka na ng tingin sa akin ay nahulog na agad ang loob ko sa‘yo.

Sinubukan kong pagaanin ang bigat diyan sa dibdib mo, at nag-tagumpay naman ako. Ang akala ko ay aalis ka na, pero hindi. Tinuloy-tuloy mo ang usapan at nang oras na para mag-hiwalay tayo ay sinabi mo sa akin na talagang ayos na ang pakiramdam mo. Nagpa-salamat ka pa nga sa akin na siya namang ikina-ngiti ko ng sobra. Ang cute mo kasi eh.

Hindi lang doon nag-tapos ang pagkikita natin. Dahil magmula noon ay naging mabuting mag-kaibigan tayo. At alam mo ba, sa halos araw-araw na magkasama tayo ay mas lalong lumalalim ‘yung nararamdaman ko para sa‘yo.

Nang malaman kong may nagugustuhan ka na lalaki at nais mo siyang sulatan ay ako ang pina-sulat mo. Hindi mo kasi alam kung paano mo sasabihin ang nararamdaman mo. At ang bawat salitang isinusulat ko doon ay ang mga salitang nais kong sabihin sa‘yo.

Pero sa tuwing makikita ko kayo na mag-kasama ay parang tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko.

Marami ka nang naging ka-relasiyon, samantalang ako ay heto’t umaasa sa‘yo. Sa tuwing sasaktan ka ng lalaking minamahal mo ay nandito ako para sa‘yo. Alam mo ba, kapag umiiyak ka sa harapan ko ay nasasaktan ako. Hindi ko na kaya ‘yung ganito. Ang gusto ko lang naman ay makita kang masaya, pero paano ko magagawa ‘yon? Eh best friend mo lang naman ako. Gusto ko na malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Tumingin ka lang sa mga mata ko at makikita mo.

Malinaw pa rin sa ala-ala ko ‘yung araw na umamin ako ng totoong nararamdaman ko para sa‘yo. Hindi ko makakalimutan ang naging reaksiyon mo nung araw na ‘yon. Akala ko ang naging dahilan ng pagtulo ng luha mo nung araw na ‘yon ay dahil dismayado ka sa akin. Pero, mali ako. Ang mga salitang itinugon mo sa akin ang siyang naging dahilan ng sobrang kasiyahan ko,

“Mahal din kita, simula pa lang nung una kitang makita.”

‘Yun ang pinaka-masayang araw sa buhay ko. Tanggap ng parehong pamilya natin ang relasiyong mayroon tayo. Bawat araw na lumilipas ay ginugugol natin ng mag-kasama. Mahal kita at mahal mo din ako ng totoo, sinabi mo pa nga sa akin na tayo na ang para sa isa’t-isa.

Ang relasiyong mayroon tayo ay punong-puno ng perpektong masasayang ala-ala. Hindi ka naglilihim ng kahit ano sa akin, at ganoon din ako sa‘yo. Totoo at tapat tayo sa isa’t-isa na ‘yun ding naging dahilan ng pagtatagal ng relasiyon natin. Sa totoo lang, ikaw ang pinaka-mabuting taong nakilala ko.

made up lives.Where stories live. Discover now