My Reflection

19 11 0
                                    



Maghuhubad na dapat ako ng sapatos nang may makita ako sa rooftop, babaeng nakatirintas ang buhok. Di ko napigilang magsalita,

"Hey, don't do it please."

Gulat na napatingin siya sa akin, ako din ay nagulat sa sinabi ko. Teka, ano ba 'tong sinasabi ko? Di ko naman problema 'yan. Medyo nainis lang naman ako dahil nauna siya sa akin dito.

Pero imbis na umalis ay hinarap ko siya at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng rooftop at mukhang may balak na tumalon bago pa man ako dumating. Tahimik lang akong naghihintay at nagbabakasakaling ikwento niya sa akin ang problema kung bakit gusto niyang tapusin ang buhay niya.

"Siguro naman ay alam mo na 'to," Panimula niya at yumuko. "Akala ko ay siya na ang para sa akin, pero hindi niya ako minahal." Nangingilid ang luhang bigkas niya at humarap sa akin.

"Seryoso ka ba? Di ako makapaniwala. Nauna ka sakin dito dahil sa rason na yan?" Walang emosiyon ang mukhang tumingin ako sa kanya bago tuluyang nag-iwas ng tingin nang makitang umiiyak siya. "Are you upset cause you can't have what you wanted?" Mariing ipinikit ko ang mga mata ko tsaka dinama ang sariwang simoy ng hangin. "Maswerte ka pa nga eh, hindi mo naranasang maagawan ng taong mahal mo."

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at hinarap ako ng may ngiti sa mga labi niya.

"I'm feeling better, thank you for listening." Ang sabi ng babaeng nakatirintas ang buhok bago tuluyang naglaho.

Alright today's the day or so I thought.

Nahubad ko na ang parehong sapatos ko nang makita ang babaeng maliit ang pangangatawan na naunahan muli ako. Bago pa man niya tuluyang magawa ang balak niya ay sumigaw na ako para pigilan sya.

Nakaupo kaming dalawa ngayon sa gilid ng rooftop. Walang bahid ng kasiyahan ang mukha ng babaeng kasama ko ngayon. Ganon na ba kalungkot ang problema niya?

"Siguro naman ay alam mo na 'to," Malamig ang boses na bigkas niya. "Walang pumapansin sa akin, kung meron man ay may gusto lang itong gawing masama." Yumuko at kumuyom ang palad nito bago dahan-dahang tumulo ang mumunti nitong luha. "I don't fit in with anyone here."

"Seryoso ka ba? Di ako makapaniwala. Nauna ka sa akin dito dahil sa rason na yan." Malungkot na pinanood ko lang siya na tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha. "But even so, you're still loved by everyone at home. There's always dinner waiting at the table, you know."

"I'm hungry," said the girl as she shed a tear.

The girl short as can be then disappeared.

And like that, there was someone everyday. I listened to their tales. I made them turn away. And yet, there was no one who would do this for me. There's no way I could let out all this pain.

Napahinto ako sa paglalakad tsaka tinanaw ang daan patungong rooftop. Namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papunta doon. At habang tinatahak ko ang daan papunta doon ay may mga pangyayaring naglantad muli sa isip ko.

Habang naglalakad ako pauwi galing sa paaralan ay nakita ko sila.

Pano nila nagawa sakin to?

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paanong nakapalibot ang braso ng boyfriend ko sa baywang ng bestfriend ko.

"Nage-exist ka pala noh? Di nga lang halata." Nagtawanan pa silang tatlo sa harapan ko.

"Ano bang nagawa kong masama sa inyo? Bakit kailangang gawin niyo sakin to!" Pagpupumiglas ko sa dalawang babaeng hawak ang magkabilaang braso ko.

"How dare you shout at us!" Sinampal niya ko bago nila ginupit-gupit ang suot kong uniform.

"Nagugutom ako." Mahinang usal ko habang nakatingin sa blankong lamesa namin.

At ganon na lang ang takot na naramdaman ko nang marinig ko si mama na sumigaw at hinagis sa mukha ko ang uniform na sinira ng tatlong babae kanina.

"Dapat lang talaga sayo yang mga ginagawa sayo! Wala kang kwenta! Bakit ba kasi nabuhay ka pa!" Sigaw nito bago ako pagbabatuhin ng kung ano ano.

"Ano ba yan?!" May hawak na bote ng alak na lumapit sa amin si papa.

"Yang pesteng anak mo! Bakit ba hindi mo na lang palayasin yan!" Sigaw ni mama tsaka padabog na umalis sa harapan namin.

Ako naman ay pilit na pinipigilan ang pag-iyak. Ang sakit. Napaka-sakit.

"Ikaw naman!" Idinuro niya sa sentido ko ang bote ng alak. "Wala ka na ngang naitutulong dito sa bahay, dagdag problema ka pa!" Hindi ko na napigilang umiyak. "Wag mo akong iniiyak iyakan! Lumayas ka sa harapan ko!"

For the very first time, there I see. Someone with the same pains as me. Having done this time and time again. She wore a yellow cardigan.

"I just wanna stop the scars that grow everytime that I go home, that's why I came up here instead." That's what the girl in the cardigan said.

Anong sasabihin ko para pigilan siya sa balak niya? yan ang paulit ulit na tinatanong ko sa isip ko. Gusto ko siyang pigilan sa balak niya pero wala akong mahanap na salita na maaring makapagpa-bago sa isip niya. Teka, ano ba tong sinasabi ko? Di ko naman problema yan.

But in the moment I just screamed something that I did not believe,

"Hey, don't do it please."

Hindi manlang siya umatras gaya ng ginawa ng mga nauna. Nanatili siya sa pwesto niya at walang kaemo- emosyong nakatingin sa akin. Mukhang wala siyang balak na itigil ang gusto niyang gawin.

Napaluhod ako at tuluyan nang bumagsak ang luha ng hinanakit ko.

Ano ba to?! Hindi ko siya mapigilan, paano 'to?! Hindi ko alam, ano bang dapat na sasabihin ko?!

"Please just go away so I can't see. Your pitiful expression is just too much for me." Walang tigil ang pag-iyak na bigkas ko.

"I guess today is just not my day." She looked away from me and then she disappeard.

There's no one here today, I guess it's time. It's just me myself and I. There's no one who can interfere. No one to get in my way here.

Taking off my yellow cardigan,
Watching my braids all come undone,
This petite girl short as can be,
Is gonna jump now and be free.

A/N: Okay, for you to fully understand, have time to read this.

If you hadn’t notice, those people she met at the rooftop were pieces of herself trying to convince herself to not commit suicide. The words that she used to describe the people she helped, also described herself.

made up lives.Kde žijí příběhy. Začni objevovat