Bakit Sa Kanya Pa?

9 11 0
                                    



“Totoo ba, Bryan?” pigil ang emosiyong tanong ko sa‘yo.

Pero imbis na sagutin mo ang tanong ko ay nag-iwas ka ng tingin sa akin.

“Totoo ba? Sagutin mo ‘ko.” may diin nang tanong ko.

“I'm sorry,” ‘yun lang tanging naisagot mo.

“So, totoo nga.” mahina pa akong tumawa pero kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko. “Ang galing mo din eh noh? Ginamit mo ako para mapalapit ka sa kanya.” lumuluhang nag-angat ako ng tingin sa‘yo.

“No, hindi sa ganon, Zyll.”

“Anong hindi sa ganon? ‘Yun ‘yung totoo. Kasi bakit kailangang mag-stay ka pa sa tabi ko kahit na alam mong wala ka nang nararamdaman pa para sa akin? At ang mas masakit pa don, may nararamdaman ka na pala sa kanya.” hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko.

Hindi ka ba naawa sa itsura ko ngayon? Hindi na ba talaga magbabago pa ‘yang nararamdaman mo? Wala na ba talaga akong pag-asa?

“I'm sorry,” tanginang sorry ‘yan. Nakatulong ba ‘yan para alisin ‘tong sakit na nararamdaman ko ngayon?

“Ganon mo ba talaga siya ka-mahal?”

Tumango ka at hinarap ako, “I’m sorry for hurting you, pero mahal ko talaga siya Zyll eh.” at dahil sa tugon mong ‘yan, gumuho na ng tuluyan ang mundo ko.

Narinig na ng parehong tainga mo ang katotohanan, Zyll. Wala ka nang magagawa pa para baguhin ‘yon.

Tahimik ko lang kayong pinapanood na masayang nagkukulitan. Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha mo, talaga ngang mahal na mahal mo siya. Lumipat ang tingin ko sa kanya, makikita mo ang sayang nararamdaman niya sa bawat ngiti at tawang naibibigay mo sa kanya.

Kahit talaga gaano pa tayo katagal na mag-kasama, hindi malabo na magka-gusto ka sa taong kailan mo lang nakilala. At saka, hindi mo naman kasi kayang diktahan ang puso ng isang tao eh. Kahit pa na ako ang laging nandiyan para sa‘yo, iba pa rin talaga ang hinahanap ng puso mo.



Pero, bakit sa kanya pa?






Bakit sa kapatid ko pa?

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon