Secret Nga Kasi!

12 11 0
                                    




"Sino nga kasi?" Nakarating na lang kami sa canteen, tanong pa din siya ng tanong. Bwisit kasi si Dia eh, sinabi niya pa dito sa lalaking 'to, eh alam naman niyang makulit 'to. Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi niya nalalaman kung sino 'yung kinwento kong gusto ko kay Dia.

"Secret nga kasi! Ang kulit mo naman!" Inunahan ko pa siyang maglakad para sana manahimik na siya pero sa kulit netong lalaking 'to? Hindi ko nalang siya pinansin at dire-diretsong naglakad pabalik sa room.

"Sino nga kasi?" Ilang beses ko nang narinig 'yang tanong niya na 'yan. At sa ilang beses na 'yon, iisa lang rin ang tinutugon ko,

"Secret nga kasi!"

"Ang damot mo naman," ngumuso pa siya nang makabalik ako sa upuan ko, siya naman ay pinihit paharap ang bakanteng upuan na katapat ng lamesa ko.

"Eh ayoko nga, bat ba ang kulit mo?" Nakasimangot na tugon ko sa kanya tsaka ako kumain ng isa sa mga binili ko.

"Sabihin mo na kasi kung sino," nakanguso pa ring pagpupumilit niya.

Ramdam ko ang agad na pamumula ng makabilang-pisngi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napakakulit ng letseng to! Kumain na lang ako ng kumain. Siya naman ay nakapangalumbabang nakatingin sa akin, pero maya-maya ay tumayo na din at bumalik sa upuan niya.

Paulit-ulit nalang siyang nagtatanong kung sino ba 'yung gusto ko, eh hindi ko nga alam kung paano ko ba sasabihin na siya 'yon. Dahil kay Dia, nakilala ko siya. Matagal na kasi silang magkakilala at talaga namang malapit na 'yung loob nila sa isa't-isa. Samantalang ako, nitong nakaraang buwan lang dahil magkakaklase kaming tatlo.

At sa ikli lang na panahon na 'yon, nagka-gusto ako sa kanya. Panong hindi ako magkakagusto sa kanya, eh lahat ng katangiang hahanapin mo sa lalaki, na sa kanya na. Nasobrahan nga lang sa kakulitan. Nang matapos ang buong klase ay niligpit ko na 'yung mga gamit ko na nasa ibabaw ng lamesa.

Nang matapos ay sabay-sabay kaming lumabas ng room nila Dia. Nauuna silang dalawa na maglakad at tila may pinag-uusapan na ayaw nila iparinig sa akin kaya naman agad akong sumabay sa kanila. Pero agad din silang tumigil sa pag-uusap.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Nagpasalit-salit pa ang tingin ko sa dalawa.

"Wala 'yon," si Dia ang tumugon sa akin. Agad naman kaming inakbayan ng makulit na 'to tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Wala sa itsura nila na wala lang 'yung pinag-uusapan nila.

Inalis ko nalang 'yon sa isip ko.

SA TAPAT pa lang ng pintuan ay silang dalawa agad ang tumawag sa atensiyon ko. Ang saya nilang nag-uusap. Kung hindi ko lang alam na mag-kaibigan lang sila ay baka inakala ko nang may relasyon sila na higit pa don. Pero.. hindi din naman imposible na magka-gusto sila sa isa't-isa diba? Kung sakaling mangyari man 'yon, anong gagawin ko?

Kung totoo nga na may nararamdaman sila sa isa't-isa at inamin nila 'yon, anong gagawin ko? Paano naman ako? Masyado nang malalim 'yung nararamdaman ko sa kanya.

Kaya ba ganon na lang 'yung gulat ni Dia nang sinabi ko sa kanya na may gusto ako sa lalaking 'yon? Kasi may nararamdaman din siya sa kaibigan niya? Kung totoo nga 'yon, handa akong kalimutan 'yung nararamdaman ko. Pero gusto ko munang ilabas 'to bago ko 'yon bitawan. Gusto ko munang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko bago ako bumitaw. Pero paano? Hindi ganon kalakas 'yung loob ko para umamin sa taong gusto ko.

Maybe some other time? Napabuntong hininga pa ako bago lumapit sa upuan ko. Pansin ko ang agad na pananahimik ng dalawa. Siguro nga totoo.

"BAT KAILANGANG dito pa tayo mag-usap? Dapat ba ako lang makakarinig? Sasabihin mo na kung sino?" tuloy-tuloy na tanong niya.

"Oum, pero.." Hindi siya tumugon at naghintay lang sa mga susunod pang sasabihin ko. "Sasabihin mo din sakin kung sino 'yung gusto mo." Diretso ang tingin sa mga mata niyang pagpatuloy ko.

Gusto ko rin na aminin niya sa akin na may gusto siya kay Dia para itigil ko na 'tong nararamdaman ko.

Inaasahan ko na tatawanan niya lang ako pero hindi, seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. So, aaminin mo na talaga? Natatakot ako. Natatakot akong pangalan ni Dia ang sabihin mo. Ang tanga ko din eh noh? Ako 'yung may gusto nito, pero ako rin 'yung may gusto na itigil na lang to. Gusto kong sabihin sa kanya na biro lang at umalis na kami doon pero, eto na eh. Nandito na kami. Kaming dalawa na lang. Mas okay na din siguro 'to. At least hindi na ako aasa pa diba?

"Sige," Seryosong pagbasag mo sa katahimikan. "Pag-bilang ko ng tatlo, sabay nating sasabihin kung sino." tango lang ang naitugon ko sayo. Natatakot ako. Natatakot ako. "Isa, dalawa.." Mariing ipinikit ko ang mga mata ko.

It's okay. Kaya mo naman diba? Alam kong kaya mo. So please, say it.

"Tatlo," Dumilat ako at nagtama ang paningin naming dalawa. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nasapok niya ang mukha niya at tumawa, "Sesenyas na nga lang ako," kitang-kita ang pamumula ng magkabilang pisngi niya habang sinasabi niya 'yon.

"O-oum," Yun lang ang nagawa kong itugon.

Nagsimula na siyang magbilang gamit ang daliri niya, at nang mag-tatlo na 'yon ay nag-lakas loob na akong magsalita.

"Ikaw."

"Ikaw."

Agad na nanlaki ang mga mata ko tsaka gulat na napatingin sa kanya, pati siya ay nagulat dahil sa pag-amin ko. Pero agad na nabaling kay Dia na pumapalakpak ang atensiyon naming dalawa.

"Magaling, magaling. Nagka-aminan din kayong dalawa," Iiling-iling na sabi ni Dia.

"T-teka, paano mo nalaman na nandito kami?" nagtatakang tanong ko.

"Syempre, sumunod ako!" Nagpasalit-salit ang tingin niya sa aming dalawa.

"Anong ibig mong sabihin sa nagka-aminan din kaming dalawa?" naguguluhang tanong ng katabi ko.

"Well," ngumiti pa siya. "Naalala mo pa ba nung nagsabi ka sakin na may gusto ka dito sa babaeng 'to?" tango lang ang itinugon niya. "Wala pang ilang araw, nagulat ako dahil sa pag-amin din netong babaeng 'to na may gusto siya sayo." Pumikit at ngumiti pa siya na animo'y may inaalala. "Kada titingin ako sa inyong dalawa, naalala ko 'yung mga itsura ninyo nang umamin kayo sa akin ng nararamdaman niyo sa isa't-isa." Tumawa pa siya at itinuro ang mga mukha namin. "Ganyan na ganyan kapula 'yung mga pisngi niyo non!"

Tumikhim 'tong katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. At ganon na lang ang gulat ko nang hawakan niya ang kamay ko at hinigit ako palapit sa kanya.

Ngumiti pa siya nang napaka-tamis bago nagsalita, "Why not make it official?" kinindatan niya pa ako.

made up lives.Where stories live. Discover now