Wala

12 11 0
                                    



Puro patungkol sa Omegle ang laman ng newsfeed ko sa facebook pati na rin sa twitter at instagram. At kadalasan din sa mga vlogger ngayon, Omegle ang content.

Sign na ba 'to na dapat ko nang i-try 'tong Omegle na 'to? Kasi kung oo, edi okay, I'll give it a shot.

Bumangon ako sa kama ko para kunin ang cellphone ko na nakapatong sa right side drawer ko. Agad kong isinearch ang Omegle at sinubukan ito.

"You're now chatting with a random stranger. Say hi! You both like Jowa."

Jowa kasi ang inilagay ko sa interested.

'Stranger is typing...'

Stranger: M

Mabilis na kumunot ang noo ko. Anong dapat kong sabihin? Inalala ko pa kung ano 'yung nakita kong inilagay nila kapag ganitong nagkakatanungan pa lang. Mabuti na lang at hindi siya nag-disconnect.

You: F

Stranger: Where are you from?

Englishero pa nga.

You: Navotas.

Stranger: Uy pareho tayo

Nagta-tagalog naman pala, jusko.

You: Ah

Stranger: Anong ah? Hindi ka ba masaya na malapit lang ako sayo? Pwede tayong magkita. Don't worry, di ako masamang tao.

Take it easy. Napailing-iling nalang ako at nag-iba ng usapan,

You: Saan ka nag-aaral?

Stranger: Ang galing mo naman mag-iba ng usapan, HAHAHAHA.

You: Saan nga?

Stranger: STI, ikaw ba?

Wow, pareho kami?

You: Same.

Stranger: Woah, talaga?! Anong year ka na?

You: 1st year, eh ikaw?

Stranger: 2nd year. Ang galing naman. Pareho na nga tayo ng lugar kung saan nakatira, pareho pa tayo ng school. Pwede ko bang malaman 'yung name mo?

Name ko? At dahil nga sa ayaw kong sabihin 'yung totoong pangalan ko. Ibinigay ko nalang 'yung pangalan na gustong-gusto ko.

You: Sakura Villaruz.

Stranger: Wait lang ah

Napangiti ako. Masaya naman palang mag-Omegle eh. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang bumukas 'yon,

"Hoy, may kilala ka bang Sakura Villaruz? 1st year college din kagaya mo." ngiting-ngiting tanong ni Kuya habang hawak-hawak ang cellphone niya.

"Wala." mabilis na sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Okay, what the fuck?

made up lives.Where stories live. Discover now