Sabi Niya

6 11 0
                                    



Sabi niya, alam niya na marami nang naging dahilan ng paulit-ulit na pagka-durog ng nag-iisa lang na puso ko.

Kaya ang sabi niya, hindi na niya ito dadagdagan pa at purong pagmamahal lang ang ipaparamdam niya sa akin.

Sabi niya, tanungin ko man daw ang mga bituin na nasa kalangitan na tinatanaw namin ay siguradong sasabihin daw nito na 'wag akong magdududa sa kung anumang salita na nanggagaling sa bibig niya.

Sabi niya, araw-araw niya daw ipaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Sabi niya, araw-araw daw ay gusto niya akong makita para daw makita ang mga ngiti at madinig ang mga tawa ko.

Sabi niya, araw-araw daw ay namimiss niya ako kaya ayaw niya na mawalay ako sa piling niya.

Pero, sabi niya lang pala 'yon.

Tanga lang ang maniniwala sa lahat ng iyon.

At oo, tanga ako.

Alam naman niya na ilang ulit na akong nasaktan pero bakit hindi siya naawa sa akin at muli na namang ginalusan ang puno na ng galos na puso ko?

Hindi ko na kailangan pang tanungin ang mga bituin dahil sapat na ang mga pinapakita niya para mapatunayan ko na dapat na akong magduda sa mga salitang sinasabi niya sa akin.

Imbis na pagmamahal ang ibigay niya sa akin ay puro lamang iyon dahilan para na namang lumuha ang mga mata ko.

Ngayon, mag-isa 'kong tinitiis ang pangungulila sa kanya.

Ngayon, gusto ko mang makita ang mukha niya ay hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon para mangyari 'yon.

Nasaan na ang mga ipinangako mo sa akin? Tuluyan mo na lang ba 'yung hahayaan na liparin na lang ng hangin palayo kung nasaan tayo? Sa muling pagkakataon, nasira na naman ang pinilit kong mabuo na tiwala.

Ngayon, ayaw ko nang mag-tiwala pa.

made up lives.Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum