I Love You

10 11 0
                                    



“I love you,” pilit itinatago ang nararamdamang sakit na sinabi ko sa‘yo.

“I love you too,” malaki naman na ngiting tugon mo na siya ring naging dahilan ng pangingilid ng mga luha ko, kaya naman mabilis na isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib mo para itago ‘yon. “Palagi mo ‘yang sinasabi sa akin nitong mga nakaraang araw, boo ah.” natatawa pang dagdag mo. Matinding pagpipigil sa mga luha ang ginagawa ko ng mga oras na ‘to.

“B-bakit ayaw mo ba?” Kahit na anong pigil ang gawin ko ay gumaralgal pa rin ang boses ko.

“Gusto! Gustong-gusto ko, sa totoo lang. Pero, nakakapanibago lang.” itinagilid ko ang mukha ko para pakinggan ang tibok ng puso mo.

Sana ganito rin ang paraan ng pag-tibok ng puso ko.

“Bakit naman?” tanong ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa‘yo.

“Kasi lagi mong sinasabi na corny ‘di ba? Kaya naninibago lang ako na lagi mo na ‘yung sinasabi sa akin. Pero, masaya ako.” tugon mo.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin ka na din sa akin. Ilang minuto rin ang lumipas na nakatingin lang tayo sa mga mata ng isa’t-isa. At nang maramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko ay muli akong nag-salita, “Mahal na mahal kita.” Nakita ng dalawang mata ko kung paanong kumurba ang ngiti sa labi mo at kung paano ring namula ang tainga mo.

“Come on!” he chuckled and pulled me closer to him.

Ipinikit ko ang dalawang mata ko at dinama ang masarap na pakiramdam na ‘to. Nararamdaman ko sa dibdib ko ang mabilis na pag-tibok ng puso niya, at hindi ko maiwasang pakiramdaman din ang mabagal na pag-tibok ng akin.

Sana kagaya na lang ng puso mo ang puso ko.

Alam mo ba kung bakit lagi kong sinasabi na mahal kita? Tuwing sasakit kasi ang dibdib ko ay natatakot ako na baka ‘yun na ang huling sandali ko, kaya naman kung totoong ‘yun na nga.. at least alam mo na mahal kita, hindi ba?

“Ma, pasensiya na pero wala pa kong nakukuhang part-time job——” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.

“Wala ka talagang kwentang babae ka!”

Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinapahinahon ang sarili ko at ang puso ko. Nakatingin lang ako kay mama habang patuloy niyang ipinapamukha sa akin na wala akong kwenta.

“Bakit hindi mo gayahin ang ate mo?! Hindi kagaya niya, nagagawa niya akong bigyan ng pera. Eh ikaw?! Puro ka aral pero anong naitulong mo sa akin ha?!”

“Ma naman, naghahanap po kasi ako ng trabaho na babagay sa schedule ng pasok ko——” napa-hawak ako sa dibdib ko nang biglang bumilis ang pag-tibok nito at ramdam ko ang sakit sa bawat pag-tibok na gagawin nito.

Please, ‘wag muna..

“At talagang nag-iinarte ka pa sa akin ngayon?! Hoy! Saan ka pupunta, ha?!” Nakahawak pa rin sa dibdib na umalis ako doon at nagtungo sa kwarto ko.

Anong gagawin ko?

Halos maluha na ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapa-kalma ang puso ko dahil hindi ko kinakaya ang sakit na naidudulot noon. Mabilis na hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan ka,

“Boo, bakit——”

“I love you.” pigil ang mga hikbing pag-putol ko sa mga sasabihin mo. “Sobrang mahal kita, Ter——” Hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko nang tumibok ng pagka-lakas-lakas ang puso ko na siyang naging dahilan ng pagbitaw sa hawak kong cellphone.

‘Wag muna..

“Boo? Boo, nandiyan ka pa ba? Mae!” ‘yan ang mga huling narinig kong sinabi mo bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.













HIS POV

Ang daya mo. Ang daya daya mo. Bakit kailangang ilihim mo sa aming lahat ang sakit na dinaramdam mo? Hindi mo ba ako naisip? Paano naman ako? Paano na ako ngayon, Mae? Paano na ako ngayong iniwan mo na ako.

END.

Padagdag salita ng Paepal na Author,

Oo, alam ko. Alam ko na bitin at hindi ko masyadong nai-paliwanag ‘yung kwento. Pero, sadyang ‘yun na ‘yon. Btw, thank you. Wala lang, salamat lang.

made up lives.Where stories live. Discover now