Liham

10 11 0
                                    



Kung sino ka mang nagbabasa ngayon ng liham na ito, nasaan ka kaya at nasaang baitang ka na kaya ng buhay mo?

Kasi ako ngayon, isa lamang akong hamak na kinse-anyos. Marami akong bagay na pinoproblema at kinakaharap na hindi ko kayang ibahagi sa ibang tao.

Kung bakit ko isinusulat ito ay dahil gusto kong sabihin sa iyo na ako sa hinaharap ang mga bagay na pinili kong ikubli sa kalooban ko.

Ngayon, pakiramdam ko hindi ko na kaya pang lagpasan ang lahat ng problemang ‘to. Wala na akong iba pang magawa kung hindi ang umiyak na lang. At para bang gusto ko na lang na tuluyan nang maglaho.

Sino ba dapat ang paniwalaan ko? Mayroon bang makakatulong sa akin para makawala ako dito sa kulungan ng kalungkutan? Iisa na nga lang ang puso ko, paulit-ulit pa itong dinudurog. Namumuhay ako sa isang mapait na kasalukuyan.

Saan ba ako patungo? May patutunguhan nga kaya itong mapait na buhay ko?






Ngumiti ako. Kinuha ang gamit panulat at isang piraso ng papel.









Masayang pagbati, kinse-anyos na ako. Maraming salamat sa pagsusulat. Mayroong mga bagay na gusto kong malaman mo.

Kung tinatanong mo ang sarili mo kung ano ba ang pilit na inaabot ng iyong sarili at kung saan ba papunta ang buhay na sinasakyan mo, sinasabi ko sa iyo na malalaman mo rin ang lahat ng ‘yon.

Mahirap ang daang tinatahak ng mga taong nasa ganitong edad. Pero, gusto ko na lumiko ka patungo kung nasaan nandoon at naghihintay sa‘yo ang mga pangarap mo. Gusto ko ring sabihin sa‘yo na ‘wag kang matatakot na harapin ang kung anumang dala ng kinabukasan.

Sa mga oras na ‘to, ‘wag kang susuko. ‘Wag kang umiyak. Kung pakiramdam mo tuluyan ka nang maglalaho, pakinggan mo lang ang sariling boses mo at patuloy na harapin ang mga pagsubok.

Ngayon nga na nasa ganitong edad na ako, may mga bagay pa rin talaga na nakakapagparamdam sa akin ng sakit at lungkot. May mga oras din na hindi ako makatulog sa gabi. Namumuhay ako sa isang mapait at matamis na kasalukuyan.

Lahat ng bagay na nangyayari sa mundong ito, may kasamang dahilan. ‘Wag kang matakot na sundan ang pangarap na pinakahinihiling mo.

Patuloy kang maniwala.








Sa kung sino mang nagbabasa ng liham na ito, makuha mo sana ang hinahangad mong kasiyahan sa mapait na mundong ito.

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon