Ano Bang Gusto Mo?

8 11 0
                                    



“Wag ‘yan!” Mabilis na reaksiyon ko nang maling cake ang itinuro niya sa babae.

Nakasimangot naman siyang humarap sa akin, “Ano bang gusto mo?” iritableng tanong nito.

“Ikaw.”

Mabilis na nag-iwas siya ng tingin, “Bahala ka diyan,” Eto talaga hindi mabiro.

“‘Yung chocolate kasi, duh.” inikutan ko pa ‘to ng mata at nangalumbaba.

Nang tuluyan na siyang lumapit sa table namin ay nginitian ko ‘to. “Anong flavor ‘yung sa‘yo?” tanong ko dito. Sasagot na sana siya pero agad ko itong pinigilan, “Alam ko! Strawberry.” confident na sagot ko.

“Nagtanong ka pa kung ikaw din naman ‘yung sasagot,” tinitigan niya ang mukha ko. “Abnormal ka talaga e ‘no?” agad na sumimangot ang mukha ko dahil sa sinabi nito.

“Tse!” nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “Gusto ko ng frappe,” lumabas na lang ‘yon sa bibig ko nang may makita akong umiinom ng frappe.

“Chocolate flavor?” napatingin ako sa kanya dahil doon. Mabilis na umiling-iling ako, “Ano bang gusto mo?” dahil sa tanong niyang ‘yon ay kumurba ang pagkatamis-tamis na ngiti sa labi ko. “At wag mong sasabihing ako dahil hindi ako flavor.” nakakunot ang noong dugtong nito.

“Eh ikaw nga ‘yung gusto ko!” At dahil sa napalakas ang pag-sabi ko non ay napunta sa gawi namin ang atensiyon ng halos lahat ng nandito sa cafeteria.

Napatampal na lang siya sa mukha at iiling-iling na tumingin sa akin. “Abnormal talaga,” hindi mawala ang ngiti sa labing bigkas niya.

Napayuko ako dahil sa hiya at nang tawagin niya ang pangalan ko ay nakangusong nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiting hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nahaharangan ang mukha ko.

Hindi naalis ang tingin ko sa gwapo niyang mukha na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labing nakatitig sa mukha ko,

“Matagal naman na akong sa‘yo.” dahil sa sinabi niyang ‘yon ay ramdam kong nag-init ang magkabilang pisngi ko.

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon