Noon At Ngayon

10 11 0
                                    



Hindi ko alam kung kailan nag-simula, basta ang alam ko lang wala ka nang nararamdaman pa sa akin.

Sandali, bago ang lahat. Muli nating balikan mga salitang sinabi mo sa akin nung mga oras na nililigawan mo pa lamang ako,

“Mahal kita at hinding-hindi ako gagawa ng kahit anong dahilan na siyang maglalayo sa‘yo sa akin,”

“Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba, okay?”

“Kapag talaga sinagot mo ‘ko, ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, ano pa kaya kapag araw-araw na kitang makakasama?”

Ano ‘yung mga ‘yon? Nasaan na ang mga ‘yon? At higit sa lahat, nasaan na ang taong nagsabi sa akin ng mga ‘yan? Ayun at mayroon nang ibang kasama.

Akala ko ba ako lang? Akala ko ba hinding-hindi mo ako kayang saktan? Akala ko ba mayroong tayo hanggang dulo? Pero, ano na? Nasaan ka na? Tuluyan mo na akong iniwan.

Hindi ba sabi mo dati sa akin, ayaw mo sa kanya? Kasi naiinis ka na lagi ko siyang kasama. Ang gusto mo pa nga ay ikaw lang ang laging kasama ko. Hindi ba ang sabi mo sa akin dati, hindi kagaya niya ang tipo mo? Ang sabi mo pa ay kahit kailan hindi ka magkakagusto sa mga taong kagaya niya. Ang sabi mo, ako lang talaga ang naiiba. Ang sabi mo, ako lang ang mamahalin mo.

Pero, minahal mo siya. Naninibago pa nga ako sa‘yo kasi parang masaya ka na kapag nakita mong kasama ko siya. Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Pero bakit tuwing aalis muna ako ng saglit ay maaabutan ko kayong masayang nag-uusap? Akala ko ba ayaw mo sa kagaya niya? Pero bakit ganiyan ka na kung tumingin sa kanya ngayon?

Kung gaano kalaki ‘yung ipinagbago mo, ganoon din kalaki ang pinagbago ng relasiyon natin. Kung dati, masayang-masaya tayo—lalo na ako, ngayon hindi na. Nasaan na ‘yung dating tayo? Nasaan na ‘yung dating ikaw? Nasaan na din ‘yung dating ako?

Magmula kasi ng iniwan mo ako at siya ang pinili mo, hindi ko na makilala pa ang sarili ko. Mayroong kung anong kulang sa akin, at alam kong ikaw ‘yun. Ikaw ang hinahanap ng puso’t-isip ko. Pero paano na ngayon? May mahal ka ng iba.

At ang masama pa doon, first cousin ko pa.

made up lives.Where stories live. Discover now