Mahal

6 11 0
                                    



Mahal, laging na sa'yo ang tingin ko.

Hindi mo ba ito maramdaman?

O presensiya ko para sa'yo ay wala lang?

Lagi na lang malayo ang tingin mo,

Sino naman kaya ang nasa isip mo.

Ako ba ito?

Imposible.

Dahil ako'y hindi mo manlang magawaran ng tingin.

Nais kong malaman mo sinisigaw ng aking dibdib,

Pero paano ngayong ika'y lumalayo sa akin.

May mali ba sa aking nagawa?

Kilos ko ba'y hindi kaaya-aya?

Tuwing ika'y ngingitian,

Mukha mo'y hindi maipinta.

Ano ba iyong ikinatatakot sa akin, aking mahal?

Dahil ba mga babaeng umaaligid sa iyo'y aking pinapatay?

Wala kang dapat ikatakot,

Dahil pag-ibig ko sa'yo'y totoo.

made up lives.Where stories live. Discover now