Bakit Ganito?

9 11 0
                                    



“Maaga yata kayo ngayon?” tanong mo sa akin nang makalabas na ako ng room.

“Madami namang ipinagawa sa amin,” nanlulumong tugon ko.

Nginitian mo ako ng pagka-tamis tamis, pero bakit hindi na bumibilis pa ang tibok ng puso ko sa tuwing ngingitian mo ako ng ganyan? “Nandito naman ako eh, I got you.” hinalikan mo pa ang noo ko. Bakit?

“Sa harap pa talaga ng classrom? Paawat naman kayo ‘oy!” iiling-iling na sita sa atin ni Levi, bestfriend mo.

Nang makita ko ang mukha niya ay may pamilyar na pakiramdam akong naramdaman. Bakit ganito? Ganitong-ganito ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang mukha mo noon. Bakit ganito? Kaya sa halip na tingnan si Levi ay sa‘yo ko na lang itinuon ang atensiyon ko. Bakit ganito, Eren? tanong ko pa sa‘yo sa isip ko.

Halos kumawala ang puso ko nang pumagitna si Levi sa aming dalawa at umakbay. “Ria, baka naman pwede kong hiramin ‘tong si Eren sa‘yo?” tanong sa akin ni Levi, at sobrang lapit ng mukha niya.

“H-ha?” utal na tugon ko.

Pansin ko naman ang pag-tingin mo sa akin bago mo ibinaling ang tingin kay Levi, “Ihahatid ko si Historia,” tugon mo.

Ngumuso naman si Levi atsaka umalis sa pagkaka-akbay sa aming dalawa. “Next time na lang ‘dre,” tinanguan mo lang siya. “See you, Historia!” ngumiti pa siya bago tuluyang nag-lakad palayo sa amin.

Hindi ko magawang tumugon kagaya ng ginagawa kong pag-tugon noon sa kanya. Bakit ganito? Napayuko ako. Nakakapanghina ‘tong nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko.

“Let’s go, love?” bumalik ang tingin ko sa‘yo nang mag-salita ka.

“Oum,” hinawakan mo ng mahigpit ang kamay ko at iginaya papunta sa parking lot.

Habang nasa biyahe tayo ay hindi pa rin mawala sa isip ko ‘tong nararamdaman ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak mo pa rin ng mahigpit, nag-angat ako ng tingin sa‘yo na seryosong nagmamaneho. Natatakot ako, Eren. Itinuon ko ang tingin ko sa labas.

Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Hindi na ako kagaya ng dati na masayang-masaya kapag nakikita ka. Hindi na ako kagaya ng dati na kinikilig sa lahat ng ginagawa mo. Hindi na ako kagaya ng dati na agad na nanlalambot ang mga tuhod makita lang ang ngiti mo. Bakit ganito? Hindi ko alam kung kailan ‘to naglaho pero ang alam ko lang, wala na. Wala na akong nararamdaman para sa‘yo. Natatakot ako.

Natatakot ako kasi iba na rin ang nararamdaman ko sa bestfriend mo. Bakit ganito? Pati ako ay hindi na maintindihan pa ang nararamdaman ko. Lahat ng nararamdaman ko noon sa‘yo, sa kanya ko na nararamdaman. Bakit ganito, Eren? Bakit kailangang mahulog ang loob ko sa bestfriend mo?

Wala na akong hahanapin pa sa iba dahil lahat na sa‘yo na. Pero, bakit ganito? Hindi ka nag-kulang na ipadama ang pagmamahal mo sa akin, sobra-sobra pa nga eh. Pero, bakit ganito? Sa lahat ng oras, nandiyan ka. Kapag kailangan ko ng kausap tuwing nalulungkot ako, nandiyan ka. Pati na rin sa oras ng saya, nandiyan ka at ikaw pa minsan ang dahilan non. Pero, bakit ganito? Tuwing may katanungan at problema ako, ikaw ang agad na nilalapitan ko. Pero paano na ngayon? Kanino ako lalapit?

Hindi ko kayang sabihin sa‘yo ‘tong pesteng nararamdaman ko. Natatakot ako eh. Ayokong mawala ka. Pero at the same time, ayoko na. Pakiramdam ko kasi niloloko na lang kita. At ayoko ng ganito. Ayoko. Parehong sarili ko at ang nararamdam ko para sa‘yo ang niloloko ko.

Malungkot ang mga matang tumingin muli ako sa‘yo. Mapapatawad mo kaya ako? Matinding pagpipigil ng emosiyon ang ginagawa ko ngayon. Hindi ko kaya. Hindi ko na kinakaya pa ‘tong nararamdaman ko. Nahihirapan ako.

“Hey, are you okay? Masama ba pakiramdam mo?” makikita ang pag-aalala sa mukha mo.

Nahihirapan ako, Eren.

“O-okay lang ako,” garalgal ang boses na tugon ko.

Wag kang iiyak, please.

“Are you sure?” iginilid mo ang sasakyan tsaka ako tiningnan. “Tell me what’s bothering you,” di pa ‘rin nawawala ang pag-aalalang tanong mo.

Natatakot akong sabihin. Hindi ko kayang sabihin.

“Hey, why are you crying?” nagulat ako dahil sa sinabi mo. Hinawakan ko ang pisngi ko at napatulala sa palad kong mamasa-masa. Umiiyak ako?

“A-ano ba ‘to,” tumawa pa ako ng mahina. “W-wala ‘to——”

“Tell me. Tell me everything.” napatitig ako sa mukha mo.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at umiyak na ng tuluyan sa harapan mo. “N-natatakot ako,” ramdam ko ang dalawang braso mo at ikinulong ako sa mga bisig mo.

“Everything, love. No secrets.” umiling-iling ako. “Go on. Tell me.”

”N-no,” iiling-iling na tugon ko. “A-ayoko, d-di ko kaya.” patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

“Tell me, please?”

Hindi ako sumagot sa sinabi mo. Hindi ko kaya, Eren. Bumitaw ka sa pagkaka-yakap at hinarap ako. “Gusto kong malaman ‘yung totoo, love.”

“P-pero——” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.

“Alam ko naman na, gusto ko lang marinig mula sa‘yo.”

“E-eren——”

“Tell me. Now.” may diing pag-putol mo sa akin.

“I-I think I like him,” hindi ko magawang tumingin sa‘yo.

Wala akong narinig na tugon mula sa‘yo. Tahimik mo lang akong pinagbuksan ng pinto. At walang salitang nag-maneho paalis.

Eto na ‘yung matagal ko nang nahihinuhang mangyayari kapag sinabi ko na sa‘yo ‘yung totoo. Galit na lang ang nararamdaman mo ngayon sa akin, ‘di ba? Kamumuhian mo na ako. Pero dapat lang naman ‘yon, eh. Dapat lang na kamuhian mo ako. At dapat lang na maramdaman ko ‘tong sakit na ‘to.

Dalawang araw ka nang hindi nagpa-paramdam sa akin. Dalawang araw na din kitang hindi nakikita sa campus. Tinatanong na din ako ni Levi kung ano ba ang nangyari sa ating dalawa, at kung bakit daw hindi ka sumasagot sa mga tawag niya.

Sinubukan kitang tawagan pero nakapatay ang cellphone mo. Nahihiya akong tawagan ang mommy mo. Alam niya na ba ang tungkol sa kagagahan ko, Eren? Pero dahil nga sa hindi kita matawagan, nag-lakas loob na akong tawagan ang mommy mo.

Nang sagutin ito ay hikbi lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya.

“T-tita?” Ang kapal nga naman talaga ng mukha kong tawagin pang tita ang mommy mo.

“H-historia,” hindi niya magawang ituloy pa ang sasabihin dahil sa matinding pag-hikbi.

Nagsisimula na akong makaramdam ng kung anong matinding kaba sa dibdib ko.

“Tita? Bakit po kayo umiiyak? Nandiyan po ba si Eren? Hindi niya po kasi——” napa-upo ako sa kama ko dahil sa panghihina nang marinig ko ang sinabi ng mommy mo.

“Wala na siya, hija. W-wala na ang anak ko,” pilit niyang sinabi ang mga salitang ‘yon.

Hindi ko nagawang tumugon. Walang salita ang nais na kumawala sa bibig ko. Marami pang sinabi ang mommy mo pero kahit isa wala akong maintindihan.






Pauwi ka daw noon galing sa isang bar nang bumangga ang sinasakyan mong kotse.

Dahil sa akin ‘yon, ‘di ba? Dahil sa kagagahan ko. Dahil sa katangahan ko. Dahil dito sa punyetang puso na ‘to. Dahil sa akin, nawala ka.

Lahat ng ‘to, kasalanan ko.

made up lives.Where stories live. Discover now