Mobile Legends

10 11 0
                                    



"Zymon!"

Napaangat ako ng tingin kahit na hindi naman ako yung tinawag. Tumingin ako sakanya na siya namang nag-angat din ng tingin mula sa hawak nitong cellphone.

"Bakit?" tanong niya tsaka muling ibinalik ang atensyon sa nilalaro.

"Laro tayo mamayang uwian," wika ni Ben na tinanguan lang ni Zymon

Ako naman ay tumingin nalang sa labas ng bintana. Zymon ang pangalan ng taong gusto ko. Wala pang isang buwan nang magustuhan ko siya. Noong unang linggo ng klase ay hindi ko siya napapansin, tinatanong ko pa ang kaibigan ko kung saan siya naka-pwesto tuwing babanggitin ang pangalan niya dahil hindi ko talaga alam ang itsura niya.

Ngunit dahil sa isang groupings, doon ko unang nakita ang mukha niya. Nung una, hindi ko pa alam ang itsura niya kaya hindi ko alam na ang lalaking katabi ko ng mga oras na yon ay siya na pala, dagdag pa na nakayuko siya. Nalaman ko lang nang isulat naming isa-isa ang mga pangalan namin sa listahan ng mga miyembro.

At sa unang beses na nakita ko ang itsura niya ay nakaramdam na agad ako ng pagka-gusto sakanya. At dahil sa madaldal ako, kinwento ko yon kay Ari na agad ko ding pinagsisihan dahil napaka-ingay ng bunganga niya.

"Lili, sali ka mamaya?" Nabalik lang ako sa huwisyo ng tawagin ako ni Dexter na nasa harapan ng classroom namin, kasama niya sina Limuel at Paul.

"Tara nga dito!" Pagpapa-lapit sa akin ni Limuel.

Walang ganang tumayo ako papalapit sa kanila, nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Zymon sa akin. Assuming. Isininawalang bahala ko nalang yon at lumapit na sa mga lecheng to.

"ML?" Walang ganang tanong ko.

"Oum!" Sabay-sabay namang sagot nila. Bumuntong hininga pa muna ako bago tumango, "Nice! Sige, chat na lang kita." Bahagyang ginulo niya pa ang buhok ko bago sila umalis. Hilig niya talagang gawin sakin yan, hmp.

Wala pa ring ganang pumasok ako sa room atsaka pabagsak na umupo. "Wala ka yata sa mood ngayon?" Tanong sa akin ni Ari tsaka ako inalok ng kinakain niyang gummy, kinuha ko yon at kinain.

"Ewan ko ba, tinatamad ako," Nakapangalumbabang sagot ko tsaka muling kumuha ng gummy na hawak niya.


"Liliana, nagmml ka din diba?" Napatingin naman ako kay Ben, ngunit ganon na lang ang gulat ko ng lahat sila ng mga kaibigan niya ay nakatingin sa akin, pati na din si Zymon!

"H-ha?" Nauutal na tanong ko uli kahit narinig ko naman kung ano yung sinabi niya.

"Naglalaro ka din?" si Ben ang inaasahan kong sasagot pero si Zymon ang nagsalita.

"Oum," Imbis na mautal ulit ay inayos ko ang sagot ko. Bakit naman ako kakabahan diba?

"Sali ka samin mamaya?" Tanong niya ulit.

"Sige ba," Mabilis na pag-payag ko.

"Eh diba, inaya ka na nila Dexter?" Tanong naman sa akin ni Jane.

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon