I'm Pregnant?

6 3 0
                                    


Naiirita ako.

Naiinis ako.

Nandidiri ako.

Ewan ko kung bakit pero sobrang moody ko ngayon. Tapos kaninang umaga, nasuka ako at sobrang sakit ng ulo ko.

Habang naglalakad ako papuntang room ay alam kong busangot na busangot ang mukha ko.

Nang marating ko ang room ay padabog akong naupo kaya agad na napatingin sa akin ang dalawang kaibigan ko. Nagtatanong ang mga mata nila pero sinamaan ko lang sila ng tingin at yumuko.

“Anong nangyari diyan?”

“Baka meron.” tapos nagtawanan pa silang dalawa.

Mga gago.

Nang dumating ang lecturer ay umayos ako ng upo pero ang mukha ko, hindi ko magawang maayos. Tapos maya-maya lang nararamdaman kong mayroong gustong lumabas sa bibig ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa bibig ko. Alam ko na ang kung anong mangyayari kaya bago pa ‘yon mangyari ay tumayo na ako at walang ano-anong lumabas ng kwarto habang ang kamay ay nakatakip sa bibig.

“Okay lang ba ‘yon?”

“Buntis ata ‘yon e,”

Rinig ko pang bulong ng iilan bago ako tuluyang makalabas sa room.

Buntis my ass.

Pagkarating na pagkarating ko sa comfort room ay agad ko nang pinakawalan ang mga ‘yon. Narinig kong may pumasok at rinig ko rin ang pag-uusap nila habang sumusuka ako.

“Ba’t sumusuka ‘yon?” rinig kong tanong niya sa kasama niya.

“Baka buntis,” tapos ay nagtawanan sila.

Ba’t puro buntis ang sinasabi nila?

Tapos bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.

Uminom ako ng uminom kaya lasing na lasing ako. Matapos non ay may nag-aya sa akin at dahil nga sa kalasingan ay napasama ako, tapos..

Nanlalaki ang mga matang natigilan ako.

“Am I pregnant?” tanong ko sa sarili.

Matapos kong i-flash ang toilet ay lumabas na ako. Wala na doon ang dalawang nag-uusap kanina. Nanatili akong nakayuko habang natitigilan pa rin.

“Buntis nga ba ako?” kunot-noong tanong ko sa sarili.

Pero nang tumingala ako at makita ang repleksiyon ko sa salamin ay nakahinga ako ng maluwag.

“Gago, lalaki nga pala ako.”

made up lives.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora