Kate And Casey

17 11 0
                                    




Nakasimangot akong naglalakad pauwi ng bahay at habang tinatahak ang daan ay napatingin ako sa bahay kung saan doon nakatira ang bagong kapit-bahay namin na kinaiinisan ko!

Paano ba naman ay simula nang lumipat sila dito ay biglang nagsiwalaan ang manliligaw ko! Tapos nandiyan pa ang sasabihin ng mga bakla na, "Wala ka pala sa bagong lipat eh", edi natapakan ang beauty ko!

Tanaw mula sa labas ng bintana nila ang babaitang 'yon at ang lalaking kausap nito. "Ano bang meron dito sa babaeng 'to?" Medyo yumuko ako para hindi nila ako makita sa loob. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero mababakas mo sa mukha ng babaeng 'yon ang saya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na tinitignan bawat parte ng mukha niya.

Ang hahaba ng pilik-mata niya at talagang purong itim ang kulay ng mata niya. Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. At mapupulang labi. Sa tingin pa lang ay mahahalata mo nang malambot 'yon----

Kate, ano bang pinagsasabi-sabi mo?! Napatampal ako sa mukha at nag-angat uli ng tingin pero ganon na lang ang gulat ko nang nakatingin na sa direksyon ko yung babaeng 'yon. Agad na napa-ayos ako ng tayo at ipinitik ang buhok ko tsaka mataray na tumingin sa kanya, pero nginitian niya lang ako.

Nginitian.

Agad akong nag-iwas ng tingin at magsisimula na dapat maglakad nang, "Kate!" Eh?! Nagtatanong ang mukhang tumingin ako sa kanya at itinuro ang sarili ko,

"A-ako?" Tumingin pa ako sa paligid dahil baka hindi ako tinawag niya, kahit pa alam ko na ako lang ang nag-iisang Kate dito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang nasa harap ko na siya. Anak ng! Bakit hindi matahimik 'tong doki doki ko?! Calm down, kokoro! Nakatingin lang siya sa mukha ko, ako naman ay hindi malaman kung saan ba ako dapat tumingin. Bakit ganto na lang mag-react 'tong puso ko?! Hoy, nababaliw ka na ba?!

"B-bakit?" Maging ang pagsasalita ng maayos ay hindi ko magawa sa mga oras na 'to. Napansin kong sumunod ang lalaking kausap niya sa kanya. "A-ah mukhang busy kayo ng manliligaw mo k-kaya mauuna na ko." Utal pa 'ring usal ko. Umayos ka, Kate! Para saan pa ang pagiging mataray mo kani-kanina lang?!

"Manliligaw?" Bahagyang tumagilid pa ang ulo nito. Bakit ang cute ng dating! Nginuso ko ang lalaki na ngayon ay nasa tabi niya na. "Ah! Anong manliligaw ka diyan? Pinsan ko nga pala, si Jerome." Ngumiti pa siya ng pagkalaki-laki sa akin matapos niyang ipakilala sa akin ang lalaking kausap niya na akala ko ay manliligaw niya.

Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko habang nakatingin sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin?!

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala ang mukhang hinawakan niya ang pisngi ko. "Namumula ka, may lagnat ka ba?" Kinapa niya pa ang noo at leeg ko kung mainit ba ito.

"A-ah wala!" Inalis ko ang kamay niyang nasa leeg ko, "Sige mauuna na ako!" Bago pa man ako makapasok ng bahay namin ay may isinigaw pa siya.

"Magkita ulit tayo bukas!"

Magkita?! Ulit?! Eh nadaanan ko lang naman 'yang bahay niyo!

Simula non,

lagi na kaming magkasama.

At sa araw-araw na magkasama kami ay hindi pumalya ang ngiti niya na pabilisin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Bakit ganito? Nung una ay inis na inis ako sakanya na kahit pangalan niya ay ayaw kong marinig, pero ngayon, sa labi ko na mismo naririnig ang pangalan niya.

Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako na araw-araw kaming magkasama. Nararamdaman ko lang 'to dahil kaibigan ko siya diba? Pero bakit ganto 'yung puso ko? Bakit iba 'yung nararamdaman nito? Bakit higit pa sa pagkakaibigan 'yung nararamdaman nito?

Bakit?

"Oh! Tulala ka na naman," Ngiti lang ang naitugon ko sa kanya. "'Yang nararamdaman mo na naman ba iniisip mo?"

"Ewan ko ba, Jerome. Bakit ganito?!" Napanguso pa ako tsaka nakapangalumbabang pinanood si Casey na nilalaro 'yung alagang aso ni Jerome.

"Bakit ba hindi mo na lang aminin sa sarili mo na may gusto ka sa kanya?" Dalawa na kami ngayong pinapanood si Casey na masayang nilalaro ang aso.

Ang ganda talaga ng ngiti niya.

"Sa bawat sinasabi mo sa akin, kumpirmado na talaga na meron kang nararamdaman para sa kanya, kaya wag mo nang itanggi pa."

Ako? May gusto sa babae? Natampal ko ang mukha ko. Wala na akong maisip na dahilan para itanggi pa 'yon.

"Malay mo, may gusto din siya sayo?" Napatingin ako kay Jerome na nginitian pa muli ako bago lumabas upang samahan si Casey na pansin ang agad na pamumula ng pisngi.

Si Casey may gusto din sa akin?

"Jerome! Ano ba!" Tumatawang suway niya kay Jerome dahil kinikiliti siya nito, ang saya nila tignan, kaya maging ako ay napapangiti din.

Habang nakatingin kay Casey ay muling pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni Jerome. Mula nang sabihin sa akin niya yon pakiramdam ko lahat ng kilos ni Casey, may kinalaman doon. Mas lalo siyang naging malapit sa akin. Pakiramdam ko lahat ng kilos niya may kahulugan.

May gusto nga din kaya siya sa akin?

"Kate!" tawag sa akin ni Casey tsaka nakangiting kumaway pero agad din siyang tumakbo dahil hinahabol siya ni Jerome na may hawak na kung ano.

Meron kaya?

"Napagod ka ba?" tanong ko sa kanya tsaka siya inabutan ng tubig.

"Oum," maikling tugon niya at marahang ipinikit ang mata upang salubungin ang malamig na simoy ng hangin, ako naman ay napatitig sa mukha niya.

"Kate," tawag nito sa pangalan ko bago ako hinarap, "Meron sana akong sasabihin sayo," seryoso at may bahid ng lungkot ang mukha niya.

"A-ano ba 'yon?" Napatingin pa ako sa kamay niya na hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong hindi tama tong nararamdaman ko pero," tinitigan niya ko sa mga mata. Hindi ako tumugon at naghintay lang ng mga susunod niya pang sasabihin.

Eto na ba yon?! Aamin na ba siya na gusto niyan din ako?! Kung oo man, sobrang saya ko! Dahil kung totoo nga ang sinabi ni Jerome----Hindi ko na natapos ang sinasabi ko sa isip ko matapos kong marinig ang susunod niya pang sinabi.



"May gusto ako kay Jerome."

made up lives.Onde histórias criam vida. Descubra agora