Chapter 50 - I love you

48 24 0
                                    

Chapter 50 - Must have been the wind





Solene






"The jury is thanked and excused. The court is adjourned."



Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paano ito ipoproseso sa utak ko. Matapos ang ilang araw na pabalik-balik namin dito ay nangyari na ang dapat mangyari, nakuha ko na ang hustisya sa pag-kamatay ni Astria, Ethienne at para na rin sa sarili ko pero hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon na nakamit ko na ang hustisya. Parang hindi ko pa magawang maging masaya. 



"Justice has been served. You're free now, you finally tasted the freedom,"  saad ni Cross na nakangiti at niyakap ak, yakap ng isang katapid. Siguro nga ito na ang katarungan.



Nang tumayo ako para umalis na sana, huminto sa harap namin ni Cross ang mag-asawa. Pareho nang lubog at nangingitim ang mga mata nila, maitim na ang labi ni auntie dahil sa kakainom niya at kakasigarilyo, si uncle naman, nangayayat na. Pinag-masdan ko ang mukha nila, napakalungkot nito. Marunong 'din pala silang malungkot. 



"S-solene..." sambit ni auntie na nakayuko. 



"P-patawarin mo k-kami."  Napalunok ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ipinatong ni Cross ang kamay niya sa balikat ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. 



"P-pinatay ninyo si Astria." Napaiyak sila ng dahil sa sinabi ko. Gumagaral na 'din ang boses ko pero pilit na itinago ko iyon. 



"O-oo alam namin at habambuhay namin iyon pag-sisisihan. P-patawad kung pinahirapan ka namin... sa kahit anong anggulo, nakikita ko kasi ang mama mo sa 'yo. Wala akong ibang magawa kundi ang magalit dahil bumabalik ang alaala ng lahat ng mga pag-hihirap ko. Namuhay ako sa impyerno mag-mula noon hanggang ngayon." Hindi ako muling nakapag-salita.



"Nakikiusap ako sa 'yo... Patawarin mo kami bilang isang kadugo."  Natigilan akong saglit at namuo ang luha sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko. 



"Auntie siguro hindi muna ngayon, hindi bukas o sa makawala. Masyadong mahirap at masakit ang pinag-daanan ko sa kamay ninyo. Matagal kong dinala ang lahat ng hirap at kahit na lumayo na ako sainyo noon, nandoon pa 'din 'yung hirap at sakit. Hindi ko magawang kalimutan ang lahat dahil sobra-sobra iyon," sambit ko at tuluyan nang tumulo ang mga luhang galing sa mga mata ko.



"Alam ko auntie na mahirap 'din para sa 'yo dahil naaalala ninyo sa 'kin si mama pero wala ho akong naging kasalanan sainyo. Sinunod ko at ginawa ang lahat ng gusto ninyo kahit na pinag-bubuhatan pa ninyo ako ng kamay minsan, hindi ako nag-reklamo. Natuto akong mag-tiis. Tiniis ko ang lahat ng hirap at nag-baka sakali ako na mag-babago kayo pero hindi nangyari. Napaka hirap ho... dumating sa puntong ginusto ko na lang mawala sa mundong ito."

Must have been the windWhere stories live. Discover now