Chapter 17 - Party

63 40 0
                                    

Chapter 17 - Must have been the wind




Solene






"Cheo, Ethienne. May kailangan akong sabihin sainyo." Ilang araw na akong hindi mapakali dahil dito. Kailangan ko nang sabihin sa kanila.



Hindi na mag-babago ang desisyon ko at kahit na mag-alok pa sila ng tulong, wala pa 'ding mangyayari. Sigurado na ako sa desisyon ko.



"Bongga, ilang araw na 'yang sasabihin mo. Kasingahaba ba 'yang sasabihin mo ang buhok ni Rapunzel? sabihin mo na ngang bruha ka pa special ka pa eh."



Pinaputok niya ang bubble gum mula sa bibig niya kasabay ng pag-ikot ng mata niya.



"Mygod Solene. Can't you just... uhh spill it out?" Naiinip na sabi ni Cheolea habang inaayos ang niya ang pag-kakaupo.


"Hindi ko na tatapusin ang pag-kokolehiyo ko. Mag-tatrabaho na lang ako." Natigilan sila at parehong napatingin sa 'kin.


"What?!" Muntik pang maibuga ni Cheolea ang iniinom na frappe. Mabuti na lang at wala pa ang prof. namin.


"Taena. Ano?!" gulat na tanong nila. Kaya napatingin sa 'min ang ibang kaklase namin. Inasahan ko na ganito ang magiging reaksyon nilang dalawa.


"Teka bakit?" Agad na tinapon niya ang nginunguyang bubble gum at mas lumapit pa sa 'kin.


"Sorry. Kailangan kong gawin 'to." Bumagsak ang balikat ko. Gusto kong maiyak dahil hindi ko masabi ang tunay na dahilan, ayokong madamay pa sila. Gustuhin ko mang hindi isipin iyon pero hindi ko magawa.


"No. Continue your studies. We will help you. We'll graduate together remember that," may diin ang bawat pag-bigkas niya ng mga katagang iyon na parang gusto niyang itatak sa utak ko.



"Ayokong umasa sa iba, pasensya na. Hindi na mag-babago ang isip ko, mag-tatrabaho na lang ako Ethienne, Cheolea."



Ilang araw nila akong hindi kinausap at pinansin. Gustong-gusto kong tumakbo sa kanila at mag-makaawa na pansinin na nila ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka bawiin ko ang sinabi ko.


Hindi na kinakaya ng katawan ko ang maparami pa ang mga gawain pang-araw-araw. Mas mabuti na 'din ata na tumigil na ako sa pag-aaral dahil hindi ko na kayang paaralin pa ang sarili ko.


Alam kong handang tumulong sina Cheolea at Ethienne pero may hangganan lang ang lahat ng tulong nila dahil hindi lahat ng oras ay kaya nila akong tulungan. Ayokong abusuhin ang kabaitan nila dahil ang pag-papahalaga pa lang nila sa 'kin ay sobra-sobra na.


Nasa punto na parang ayaw ko nang mahiwalay sa kanila pero hindi pwedeng nakadikit na lang ako sa kanila habang-buhay. May sari-sarili rin kaming mundo na kami lang nag-nakakabisado. Pero ba't gan'un? ang daya. Ako kasi hindi ko alam eh... kahit ang sarili kong mundo ay hindi ko alam. Hindi ko kilala.



"Putangina mo talaga eh 'no? sinabi ko nang tumigil kana sa pag-aaral dahil walang kwenta ka naman kahit maka graduate ka pa." Nanlilisik ang mata ni Auntie habang nakatingin sa 'kin pero heto ako at nakikinig sa bawat pag-bato ng mga katagang iyon.



"Tinatapos ko lang ho ang mga kailangang gawin gayon ay mas mapadali na lang ang pag-alis ko doon." Hinampas niya ang mesa, dahilan para mahulog at mabasag ang plato sa sahig. Lumikha iyon ng nakakabinging ingay.


Must have been the windWhere stories live. Discover now