Chapter 04 - Scar

107 63 1
                                    

Chapter 04 - Must have been the wind





Solene






"Ito ang ipapakain mo sa 'min? pag-kain ng aso?!" Napaigtad ako ng sigawan ako ni Auntie.



Sardinas na ginisa sa bawang at sibuyas ang tanging naiisip kong lutuin at iyon ang naka hain sa mesa. Wala nang stock dito sa bahay at wala na kong pera na pwedeng ipambili ng ulam. Kinuha na nila ang lahat ng pera ko at pinambisyo lang nila iyon.



Napatingin ako sa niluto ko. Pag-kain din naman ng tao 'yan, hindi pag-kain ng aso. Nabigla ako ng binuhos ni Auntie ang niluto ko sa mismong ulo ko. May kung anong bumara sa lalamunan ko at pilit ko iyong nilunok at huwag mag-paapekto sa mga sinasabi nila pero hindi eh.



Masakit talaga...



"Wala kang utang na loob!" Bigla naman akong sinabuyan ng kanin ni Astria. Napako na lang ang paningin ko mga paa ko.



"Pareho kayong walang kwenta ng nanay mo!" Nag-babadya nang tumulo ang luha ko at hindi ko na napigilang sagutin si Auntie.



Ayoko sa lahat ang dinadamay ang nanay ko. Hindi niya alam kung gaano siya kabait at hindi niya alam kung gaano siya nag-hirap mabayaran lang ang utang niya sa sugal. ayokong nadadawit sa usapan si mama na nanahimik na dahil wala naman siyang ginawang kasalanan kahit noong nabubuhay pa siya. Ang tanging kasalanan niya lang ay ang mabuhay sa magulong mundo. Naipit lang siya sa gulo ng mundong ito.



"Huwag ninyong idamay si Mama dito. Wala kayong karapatang pag-sabihan siya ng ganyan, hindi mo alam Auntie kung gaano kahirap ang pinag daanan niya noon." Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko.



Sumusobra na sila! tatanggapin ko pa ang lahat ng pananakit at panlalait nila sa 'kin pero ang pag-salitaan ng ganun si mama? hindi eh. Wala silang alam sa lahat ng sakripisyo niya. Ayos nga lang sa kanya na lait-laitin siya at saktan pero hindi niya hahayaan noon na saktan ako ninuman. Noon 'yon ng nabubuhay pa siya pero ngayon? wala na siya. Sarili ko na lang ang inaasahan ko.



Wala nang mag-tatanggol sa 'kin kundi ang sarili ko na lamang.



"Aba sumasagot ka pa ah!"  Bigla akong tinulak ni Astria. Tumama ang likod ko sa pinapatungan ng lutuan at nahulog mula doon ang mainit na kawali. Nabagsakan nito ang taas na parte ng braso ko at napahiyaw ako sa sakit.



Sobrang hapdi pero wala nang mas sasakit pa sa pag-trato nila sa 'kin at mga masasakit na salitang ibinabato nila.Iniwan nila ako sa kusinang umiiyak. Hinayaan nila akong mag-dusa sa natamo kong paso sa braso.

Must have been the windΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα