Chapter 26 - Expecting a kiss

53 31 0
                                    

Chapter 26 - Must have been the wind





Solene



Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa 'kin at napapayag nilang dalawa akong sumama sa kanila. Wala akong kaide-ideya kung nasaan ba kami at kulang na lang ay isipin kong nangidnap sina Cheo at Ethienne ng kotse at ibibenta ang mga nakaparadang mga mamahaling mga kotseng ito. Siguro ang halaga ng bawat isang sasakyan ay kulang pa sa sweldo ko sa dalawang taon.



"Ano ba, kumalma ka nga, para kang timang d'yan. "  Napairap ako sa hangin dahil sa mga pinag-sasasabi niya, samantalang si Cheo ay abala naman sa cellphone niya.



"Sino katext mo 'te? "  Kumunot ang noo ni Cheo at binigyan ng nag-tatakang tingin si Ethienne. Chismosa kasi siya kaya alam kong hindi mabubuo ang araw na hindi niya nalalaman kung sino ang katext ni Cheolea. 



"Phoenix. "  Nang banggitin niya ang pangngalan ni Phoenix, pansin ko ang pag-iba ng mood ni Ethienne, parang mas lalong umaliwalas ang mukha niya.



"Pupunta siya dito? "  Tinanguan niya si Cheo at tinapunan ako ng tingin.



"Are you okay? "  Ngumiti ako sa tanong niya. 



"Oo naman. Pero ano ba talagang gagawin na 'tin dito? "  Humagikhik siya at ngumiti sa sinabi ko.



"You'll see, " masiglang tugon niya at tila sabik na siya sa mangyayari mamaya.



Napatingin ako sa mga babaeng nag-siupuan sa kabila. Napangiwi ako ng mapag-tanto ko kung anong mga suot nila. Halos lumuwa na mga dibdib dahil sa hapit na hapit na damit pang-itaas ang suot nila at mukhang masisilipan sila sa ikli ng shorts nila. Inaalagan pa ba nila ang dignidad nila bilang isang babae?



Umiling ako. Hindi dapat ako nag-iispin ng ga'nun at mag-husga ng basta basta lalo na't hindi ko alam ang tunay na pag-katao nila. Dinampot ko ang nag-iingay na cellphone ko sa bag. binuksan ko iyon at si Arche lang naman pala ang nag-text.



[From: Arche]

[Sama ka mamaya sa birthday celebration ko :)]


[To: Arche]

[Pasensya na nakalimutan ko na birthday mo pala ngayon. Happy birthday Arche! saan ba gaganapin?]


[From: Arche]

[Sa bahay lang namin kasi nag-titipid haha. Asahan ko ang presensya mo ah? kitakits na lang mamaya <3]


[To: Arche]

[Sige susubukan kong pumunta. Umalis kasi kami ng mga kaibigan ko eh.]

Must have been the windWhere stories live. Discover now