Chapter 16 - Cheolea Iona Creed

65 42 0
                                    

Chapter 16 - Must have been the wind





Solene






"Parang gusto ko nang umatras girl," saad ni Ethienne at napakapit pa siya sa braso ko nang mahigpit na para bang may kinakatakutan.



Ang abnormal talaga nito.



Siya ang nag-pumilit na makipag-kita kay Cheolea tapos ngayon aatras siya? akala ko ba, lahat ay hindi inaatrasan ng babaeng 'to? anyare ngayon?



"Hay na 'ko. Wala nang atrasan 'to. Ikaw may sabi na gawin na natin 'to." Inirapan niya 'ko pero napalunok siya nang matanaw namin mula sa dingding na gawa sa salamin ang bulto ni Cheolea na nag-papalinga-linga pa. Mukhang hinahanap na niya kami.


Kapansin-pansin na hindi siya mapakali sa inuupuan niya kahit na pinag-titinginan na siya ng mga tao. Nakasuot siya ng aviator, sumbrero at nakaputi siyang tshirt. Kulang na lang mag- tago na siya sa itsura niya.


Madami ata siyang fans kasi nga 'di ba sikat siya? Kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit ganoon ang suot niya. Nang makita niya kaming dalawa ni Ethienne, napatayo agad siya at sinalubong kami.



"Hi! take a seat." Iginiya niya kami sa bakanteng upuan sa harap niya. Halata ang pinag-halong kaba at saya sa mukha niya. Ilang taon 'din kasi kaming hindi nag-kita kaya gan'on na lang ang ekspresyon niya.



"Hi Cheo." Nabigla ako pati na rin si Cheo nang mag-salita si Ethienne. Nag-pabebe pa ang loka.



"Kamusta buhay?" tanong ko para hindi naman ako mag-mukhang bastos dito. Pinag-lalaruan niya ang kamay niya, mukhang hindi mapakali.



"Fine but not really fine." Nag-katinginan kami ni Ethienne dahil na guluhan kami sa kanya.



"Eh kayong dalawa? how are you?" Nakangiting tanong niya. 'Etong si Ethienne naman, nakangisi na parang kahit sa anong oras ay mapupunit na ang bibig niya kakangiti.



Mahina akong napadaing ng sipain niya ang paa ko mula sa ilalim ng mesa kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Sipain ba naman ako?



"Gaga umayos ka nga. Nakakahiya kay Cheo," mahinang bulong niya sa 'kin at binalik ang tingin kay Cheolea na nakangiti ng malapad.



Napatingin ako sa kamay niyang nanginginig at mukhang hindi iyon napansin ng katabi kong manghang nakatingin sa kanya. Nabigla kami pareho ni Ethienne nang biglang namuo ang luha niya.



"I-i'm really sorry," sambit niya. Hinawakan niya ang nakapatong na kamay namin sa mesa kaya nag-katinginan kami ni Ethienne.



"I-i-m sorry for leaving you two. I-i'm still hoping that I'm still w-welcome though." Napangiti kami pareho ni Ethienne.



Hindi naman kami masama para hindi siya pag-bigyan ng isa pang pag-kakataon. Kahit na paulit-ulit pa siyang umalis, tatanggapin pa rin namin siya dahil kaibigan namin siya. Kahit na umalis rin ako o si Ethienne kung sakali, alam kong tatanggapin pa rin niya kami. Para saan pa ba ang pag-kakaibigan?



"Tumigil ka na nga d'yan Cheolea. Nakakairita ka." Mas lalong humikbi si Cheo kaya tinampal ko ang braso ng loka. Alam kong binibiro niya lang si Cheo.



"Huwag kang makinig diyan sa lokang iyan. Alam mo na, may sayad." Inangat niya ang tingin at marahang pinunasan ang luha.


Pasimple namang kinurot ng loka ang braso ko at plastik na ngumiti. Alam kong mabuti akong kaibigan kaya hindi ko na pinatulan pa.


Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon