Chapter 40 - Leave my son

37 22 0
                                    

Chapter 40 - Must have been the wind






Solene



"Hindi ko alam, pero hindi ko naman sinasadyang marinig iyon eh. Napadaan lang ako, " saad ng nakapangalumbabang si Arche.





Lunch break namin ngayon kaya 'yung iba ang pumalit sa 'min para mag-trabaho. Pag-natapos ang lunch break, saka kami kakayod ulit. Napapagitnaan ako ni Arche at ni Maerchie. Sa lahat ng nag-tatrabaho dito silang dalawa ang pinaka close ko.





"Kailan lang 'yun?" tanong ni Maerchie at muling sumubo.





"'Nung isang araw pa ata. Nag-kataon kasing napadaan ako tapos ayon 'dun ko narinig lahat."





Napakunot ang noo ko habang pinoproseso ang mga sinabi ni Arche. Napadaan 'daw kasi siya sa opisina ni Gaius, nandoon si Cross nung oras na 'yon, nakikipag usap kay Gaius at hindi sinasadyang narinig ni Arche ang pinag-uusapan nila.





Ang tatay daw ni Cross may ibang babae at 'yung anak ng naging kabit ng tatay niya ay siya palang hinahanap ni Cross, ang half sister niya. Hindi niya pa ito nakikita ni isang beses kaya pala ginagawa niya ang lahat mahanap lang siya. Nawindang ang utak ko kanina. Hindi ko inasahan iyon kasi palagi namang hindi nag-sasalita si Cross eh. Wala akong masyadong alam sa kanya.





"Oy tawag ka ni Sir, " bulong ni Arche. Napalingon ako at nadatnan ko si Gaius na mukhang namomroblema.





"Solene, we have a problem. " Napakunot ang noo ko.





"Bakit? " Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya at ga 'nun na nga ang ginawa ko.





"Anong problema?" Nag-pakawala siya ng malalim na hininga at napahawak sa batok niya.





"Tita Fawn is here and she's looking for you. " Nanigas ang buong katawan ko.





Anong kailangan niya sa 'kin?





"Should I call Hyde?" Mabilis akong umiling at nginitian lang siya.





"Huwag na. Madaming pinag-kakaabalahan ngayon si Hyde at ayokong makadagdag pa sa problema niya."





"Alright, go. But if you feel uncomfortable or if she said something wrong, just look at me. Kilala ko si Tita Fawn. I'll be watching you from here. " Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at lumabas na.





Kaya mo 'to, Solene. Ito pa kaya? Matatag ka tandaan mo.





Humugot ako ng malalim na hininga at naupo sa harap niya. Nakalapag ang mamahaling bag niya sa ibabaw ng mesa. Nakasuot siya ng puting blouse, ang mga mamahaling alahas ay nakapulupot sa leeg at palapulsuhan niya.





"Magandang tanghali po. Ano pong kailangan niyo?" Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Ngiti pa lang, halatang ayaw na niya sa 'kin. Ano pa kaya kapag nag-salita na siya?





"I see, you work here huh? Such a good choice. I heard na ayos daw ang pasweldo ni Gaius dito." Tumango ako at pinag-laruan ang mga daliri ng kamay ko.





Hindi siya mag-aabalang pumunta dito kung wala siyang kailangan. Kilos niya pa lang, halatang-halata nang may kailangan siya.





"When did you start working here?"





"Matagal na ho, " tipid na sagot ko.





"I see. Dito ba kayo nag-kakilala ng anak ko?" Tumango ako at muling ngumiti. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Ang plastic naman ng ngiti ko.





Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon