Chapter 19 - Argue

63 39 2
                                    

Chapter 19 - Must have been the wind





Solene




Ilang araw na ang nakalipas mag-mula noong nangyari ang insidente. Dalawang araw akong nag-kulong sa kwarto kaya napilitan sina Ethienne at si Cheolea na matulog ng dalawang gabi sa apartment ko dahil sa pag-aalala.


Galit na galit ang dalawa habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari 'nung araw na iyon.  Ayaw ko na sanang pag-usapan para hindi ko na maalala pero sinabi ko na lang sa kanila para matigil na ang pag-aalala nila sa 'kin. Dalawang araw rin akong hindi pumasok at mabuti na lang dahil pinakiusapan ni Cheolea si Sir Gaius.


"Pasensya na talaga Sir. Babawi ako, promise."  Natatawang umiling-iling naman siya. Pang limang beses na akong humihingi ng paumanhin at limang beses na rin niyang sinasabi na ayos lang.


"Salamat ho talaga."  Napakamot ako sa batok dahil sa kahihiyan. Ano ba naman 'to, mukha naman akong tanga.


"You're very much welcome, Solene."



"Sige, alis na ako. Tapos na ang trabaho ko ngayon."  Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinatak. Napalunok ako ng mag-tama ang tingin namin. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya hindi na ako mapakali.


H-hahalikan niya ba ako?


Sa oras na pinikit ko ang mata ko, bumulong siya sa tainga ko. Nag-dala iyon ng kakaibang kiliti sa 'kin. Ay, akala ko pa naman hahalikan niya ako. Masyado naman ata akong ambisyosa.


"Please stop calling me 'sir' "  Napamulat ako ng mata at namula. Nahihiyang tumango ako bago lumabas.


Hala nakakahiya.


Muntik na... pero teka nga, hindi naman pala ako hahalikan. Ang assuming ko naman mabuti na lang at nasa loob kami ng opisina niya at walang nakakita. Kung nakita kami nina Arche, aba maiissue na naman ako.


Pag-labas ko ng Third Fractio nakita ko si Hyde na nakapamulsa habang nakatayo at diretsong nakatingin sa 'kin na para bang hinihintay niya 'ko. Sinenyasan niya akong lumapit.



"T-teka ako ba?"  Tinuro ko ang sarili ko at napalingon sa likod.  Nang makumpirma ko ngang hindi ako nag-aassume, lumapit na ako sa kanya. Mas maganda nang sigurado 'no.



"Bakit?" tanong ko. Nag-taas siya ng dalawang kilay at nilandas ang kamay sa buhok niya. Bigla na lang siyang tumalikod kaya nag-taka ako. Pinag-titripan niya ba 'ko?



"Fuck. Goddamn it," saad niya kaya kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya.


"H-ha?" tanging nasabi ko na lang. Bigla namang nag-salubong ang kilay niya.


"Come with me."  Tumalikod siyang muli at pumasok sa kotse niya.


"H-ha? saan?"


"Ang dami mong tanong. Sumakay ka na lang."  Hiindi na ako nag-dalawang isip na sumakay dahil baka magalit pa siya. Mukhang may dalaw siya ngayon eh.



Walang imikan ang naganap sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa mall.  Ano namang gagawin namin dito?  ba't dito niya ako dinala? Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang nag-salita.  Doon ko lang napag-tanto na hindi nga paka nakakabit ang seatbelt ko.


"You didn't put on your seatbelt."


"Nakalimutan ko."


"Whatever. " Umiling-iling pa siya na parang walang pakialam.  Ba't nga naman siya mag-kakaroon ng pake sa 'kin? sino ba naman ako 'di ba?


Must have been the windWhere stories live. Discover now