Chapter 48 - Escape

38 23 0
                                    

Chapter 48 - Must have been the wind


(A/N:  play nyo yung music sa taas kapag nasa may part na tumatakbo na sina astria, ethienne at solene hehehe) spoiler ako -_-





Solene






Hinga, lunok, kagat labi, 'yan ang eksenahan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nararamdaman ko, halo-halo ang takot, pangamba, at iba pang hindi ko maipaliwanag. Sumulyap ako sa orasan, ilang minuto na lang mag-aalas dies na.



Mag-tatagumpay kaya kami sa plano ni Astria?



'Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang tumanggi dahil kalayaan ang katas ng kaunting sakripisyo. Muli akong sumulyap sa orasan, dalawang minuto na lang at kikilos na kami. Tahimik akong nag-dasal na sana walang mangyari sa 'min. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ngayon, hindi namin alam kung anong posibleng mangyayari sa 'min. Kailangan kong mag-ingat dahil kapag nag-kataon, dalawang buhay ang masasawi. Ako at ang anak ko na nasa loob ng tiyan ko. 



Pinagtuunan ko ng pansin ang mga ingay sa paligid, pinilit kong huwag maagaw ng atensyon ko ng mga ingay mula sa labas. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng katok at medyo kiinabahan ako.



Isa... dalawa.



Kapag hindi umabot sa bilang na tatlo ang katok na iyon, hindi iyon si Astria pero agad 'ding nabawasan ang pangamba ko ng muli itong kumatok. Bumukas ang pinto at iniluwa nga 'nun si Astria. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang damit na pula dahil mas lalong lumitaw ang pagka puti niya. 



"Handa ka na ba?" tanong niya. Huminga ako ng malalamim at tumango.



Oras na.



Siya muna ang naunang lumabas. Sisiguruhin niya munang wala ang mga magulang niya. Paniguradong bibili iyon ng sigarilyo at alak, iyon ata ang noche buena nila ngayong pasko. Akala ko tumigil na sila sa mga bisyo nila pero hindi pa rin pala, maas lalo lang palang lumala. Sinilip ko si Astria sa baba at sinenyasan niya ako na bumaba na. Ga 'nun na nga ang ginawa ko, saglit akong natigilan ng makita ang kalat sa baba. Siguro iyon na ang perang laman ng wallet ko na kinumpiska nila. 



Ang daming bote ng alak ang nag-kalat sa sahig, mga abo ng sigarilyo sa ash tray, pero ang nakakuha ng buong atensyon ko ay ang limang pakete ng parang asin o tawas.



Drugs.



"Pasensya na kung kailangan mo pa itong makita,"  nahihiyang sambit niya at tinago ang bagay na iyon.



"Kakailanganin natin ang tulong ng iba."

Must have been the windWhere stories live. Discover now