Chapter 07 - The macario

105 53 5
                                    

Chapter 07 - Must have been the wind




Solene



Dahan-dahan akong nag-unat at nag-tungo sa kusina matapos mag-ayos ng higaan. Naabutan ko si Ethienne na nag-luluto habang kumakanta pa. Wala sa sariling napangiti ako.


Mukha siyang tanga.


"Ang aga na 'tin ah? hindi ka ba nabitin sa tulog mo? laki ng eyebags mo eh," pabirong saad ko. Kumuha ako ng baso at nag-salin ng tubig. Hawak-hawak ko ang baso at binalingan siya ng tingin na enjoy na enjoy sa ginagawa.


Feel na feel niya eh.


"Duhh fyi nahiya pa nga pumwesto sa muka ko yung eyebags." Tumango ako at natawa na lang. Gaga talaga.



Kumuha na rin ako ng mga kubyertos at nilapag na sa hapag.


"Oh masarap 'to, baka laitin mo na naman 'yan. Marunong din ako mag-luto 'no. Kala mo naman pang all around the world ang luto mo, che! Sardinas na ginisa lang naman ang specialty mo eh." Natawa na alng ako sa mga pinag-sasasabi niya.


"Papasok ka ba sa lunes?" Marahan siyang tumango sa tanong ko.


"Kababalik pa lang ng boss na 'min, bongga naman kasi yung kasalan na dinaluhan eh, sa Greece pa teh! naloka na ang brain cells ko. Jusko sana all na lang," natatawang sambit niya. Alam ko na naman kung saan papunta 'tong usapan na 'to.



"Pag-kinasal kami ng jowa ko gusto ko beach wedding para sosyal." Pinigilan ko ang sarili kong tumawa kaya pinanliitan niya ako ng tingin.



"Wala kang jowa, loka. Mag-hanap ka muna bago ka mag-pantasya ng mga kasal-kasal na 'yan." Sumimagot siya habang ngumunguya at umaktong nasaktan sa sinabi ko.


"Tignan mo 'to. Attitude ka ah? hintayin mo lang makakahanap rin ako ng gwapo at mayaman para bongga." Hinampas niya ang braso ko. Kababaeng tao, kung makahampas para siyang kargador.


"Gaga ka talaga. Sabihin na nga na 'ting gwapo at mayaman pero, pano kung masama naman ang ugali? oh diba?" Ngumisi lang siya bago tumayo at nilagay ang plato sa lababo.


"Ayos na 'yon 'noh. Keri ko 'yan basta maka score lang." Sinapak ko ang braso niya dahil kung ano-anong pinag-sasasabi ng loka. Mamaya niyan makarating pa kami sa hindi dapat pag-usapan.


"Ako na mag-huhugas niyan." Iniwan niya na ang plato at dumiretso siya sa sala. Binuksan niya ang tv at mas piniling manood na lamang kaysa daldalin ako.


"Uuwi ka na ba mamaya?" Napatingin siya sa 'kin habang kunot ang noo.


"Bakit? pinapaalis mo na ba ako?" Muli na naman siyang umaktong nasaktan. Kahit kailan baliw talaga 'to.


"Siraa, nag-tatanong lang." Umiling siya at tumawa. 'Yung tawa niya parang tawa ng bumbay.


"Sa linggo na lang ako uuwi. Nakakabagot naman kasi sa apartment ko eh." Napa kibit-balikat na lang ako at tinapos na ang mga hugasan.


"May trabaho ako ngayon sa Macario hanggang alas singko ng hapon." Nag- ok sign lang siya at parang baliw na tumatawa mag-isa sa pinapanood.


"Manonood na lang ako ng tv. Nga pala may dala akong mga kakanin, pinadala ni nanay para sa 'yo." Napangiti ako at sinilip ang plastic bag na madami ang laman. Sa tingin ko mukhang nag-nining-ning na ang mga mata ko sa dami ng pag-kain na ito.


Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon