Chapter 21 - Twin's birthday

50 35 0
                                    

Chapter 21 - Must have been the wind






Solene



Ilang araw na ang nakalipas mula noong nangyari iyon, noong dumating si Hyde at niligtas ako mula sa mag-nanakaw na iyon. Hindi ko alam kung paano iyon nakapasok. Ang alam ko nilock ko ang pinto bago ako matulog pero ang ipinag-tataka ko lang ay bakit naman siya mag-hahalungkat sa mga papel doon sa aparador na katabi lang ng maliit na sofa sa sala? maliban na lang kung may hinahanap siya.



Napansin ko rin na parang hindi talaga pera ang pakay niya. Eh kung ganon, ano?



Pag-dating namin sa presinto, humingi siya ng tawad sa 'kin at kay Hyde. Napag-utusan lang 'daw siya pero ayaw niyang sabihin kung sino ang nag-utos sa kanya. Nabura ang mga iniisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa hawak kong cellphone. Ang ginagamit kong cellphone ay iyon pang binili ni Hyde na masyadong masakit sa bulsa ang presyo.



Pinilit niya kasi akong kunin iyon kahit ayaw ko nang ganoong ka mahal na cellphone. Palagi niya iyon pinapadala sa apartment ko at binabalik ko naman lagi hanggang sa mapagod na ako kakabalik-balik sa hotel niya. Hindi sa choosy ako pero ayaw ko talaga ng mamahalin. 



"Hello? sino 'to?" Muli kong tinignan ang screen pero unregistered number iyon. Sino naman kaya 'to?



["Hello Solene? si Sienna 'to. Pasensya na sa istorbo pero si Ethienne kasi eh, walang mag-hahatid sa kanya pauwi, lasing pa naman."]  Napa buntonghininga ako. 'Yun talagang babaeng 'yon.


"Ah ganun ba? sige papunta na ako."



["Sige, hihintayin na lang kita dito sa South Trussyde." ]



"Sige, salamat ulit." 



Mabilis lang akong nag-bihis at nag-tungo kung na'san ang babaeng iyon. Siguro, kung kasama ko lang si Cheolea na sumundo doon, maiinis lang siya sa kadaldalan ng isang 'yon. Mas maingay kasi ang loka lalo na kapag lasing siya.



Ni hindi nga sa 'kin nabanggit na iinom pala siya. Dis oras na ng gabi, hindi pa niya naisipan umuwi, palibhasa nag-pakalasing. Wow broken-hearted ba siya?


Pag-tapak na pag-tapak pa lang ng paa ko sa Makati, agad kong hinanap ang South Trussyde. Sa labas pa lang ay pinamumugaran na ng mga mamahaling kotse, mga babae at lalaking naninigarilyo. Meron 'ding nag-hahalikan doon at kulang na lang ay mag-hubaran na sila. Pag-pasok ko, halo-halong amoy at ingay ang bumungad sa 'kin pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang kumpol-kumpol na mga tao sa dance floor. Tinawagan ko muna saglit si Sienna para tanungin kung saang parte sila.



["Hello? nasaan ka na?"]



"Nandito na ako sa loob, na'san kayo?"


Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon