Chapter 43 - Assuring

52 22 0
                                    

Chapter 43 - Must have been the wind





WARNING! : Some of the scenes contain some mature themes. Feel free to skip it if you feel uncomfortable. Read at your own risk ; )

This time hindi na talaga ako mambibitin HAHAHAHAHA dis is it mga kababayan, enjoy!



Solene




Nakaupo ako sa damuhan habang tinatanaw ang kagandahan ng kulay kahel na langit. Palubog na ang araw ng ayain ako ni Hyde sa ancestral house nila dito sa Batangas. Kitang-kita mula dito ang bulkang taal na humahalik sa kulay kahel na langit.



Napangiti ako ng sumagi sa isip ko ang imahe ni Mama na pinapatulog ako. Hindi ko maiwasang malungkot dahil maaga siyang nawala. Ano kayang mangyayari kung buhay pa siya? Siguro hindi ko mararanasan ang lahat ng pinag-daanan ko kung nandito pa sana sa siya pero kung hindi ko naman iyon naranasan, hindi ko makikilala si Hyde. 



"What's with the smile? It's so fake, " saad ni Hyde na kararating lang na may dalang tubig. Binuksan niya ito at inabot sa 'kin kaya tinungga ko ang laman 'nun.



"Nalulungkot lang akong isipin na wala na si mama. Iniwan niya ako ng maaga. " Pansin kong nakatingin siya sa 'kin. Bigla siyang lumapit at ipwinesto ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya ako at hinalikan ang noo ko.



"Don't worry I'm here, don't be sad. I will fulfill those promises she left. " Napangiti na lang ako at hinawakan ang kamay niyang naka akbay sa 'kin. 



Kung ganon lang sana kadali.



"I love you, " biglaang sambit niya.



"Mahal 'din kita, " saad ko at niyakap siya. 



Sa pag-kakataong iyon, muling nag-lapat ang aming mga labi.



_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 



"Eat up baby, " saad niya na nakapangalumbaba sa harap ko. 



"Kakain ka, o ikaw ang kakainin ko?" Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ang kamay niya. Natawa naman siya at pumangalumbaba.



"Tumigil ka, Hyde. Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ko. Kanina pa kasi akong nag-mamasid sa paligid kaya nakalimutan ko nang may pag-kain na pala sa hapag at etong si Hyde naman, hindi pa 'din kumakain kasi hinihintay akong sumubo. 

Must have been the windWhere stories live. Discover now