Chapter 14 - Calling a friend

65 43 0
                                    

Chapter 14 - Must have been the wind




Solene



"Teh tara na! dali malilate na tayo!"


Nag-over the bakod kami ni Ethienne dahil huli na kami sa klase at hindi na kami pinapasok ng guard. Nakahinga kami ng maluwag nang makarating kami sa room. Napatingin silang lahat sa 'min samantalang literal na nakanganga naman si Cheolea habang naka tingin 'din sa 'min.


"Omg what happened? ba't now lang kayo?" Umirap lang sa hangin si Ethienne sa tanong ni Cheo kaya ngitian ko siya saka nag-peace sign.


May toyo ang loka eh.


"Cheo penge nga liptint mo saka 'yung pabango mo. Nakakbwisit, hindi na ako fresh. Tangina kasing kalbong guard 'yun, hindi kami pinapasok agad." Halos maputol na ang suklay na hawak niya sa sobrang inis sa gwardiyang bantay sa may gate.


Kawawa naman si manong guard, ginawa lang naman niya ang tungkulin bilang isang gwardya.


"Oy bibig mo." Pero hinairflip lang ako ng loka.


"Wala akong pake. Lampasuhin ko pa 'yung ulo niya para lalong kumintab." Umirap na naman siya sa hangin. Kawawang hangin, napag-butungan ng inis ng loka.


Lumapit sa 'min si Cole, isa sa mga kablockmate namin na lalaki at alam ko kung ano ang ipinunta niya dito sa gawi namin.


"Uy Cheo patingin nga 'nung take home quiz ni Prof. nakalimutan ko hehehe." Napailing-iling naman si Cheo at napasapo sa ulo. Titignan lang daw kasi pero ang totoo n'yan, kokopyahin niya lang naman.


"No."


"Damot naman." Binelatan siya ni Ethienne at ayon hanggang sa nag-asaran ang dalawa. Kaya kung mag-klatuluyan man sila, hindi na ako mag-gugulat pa. Para silang mga bata eh.


"Kala mo naman kung sinong maganda. Mayaman lang naman," saad ng isa sa mga nandoon.


Uminit ang tainga ni Ethienne kahit na si Cheo naman ang pinaparinggan. Ayaw na ayaw niya kasing ginaga'non kami.


"Gago! eh ikaw nga mayaman pero ba't kamukha mo 'tong talampakan ko?" Umugong ang samu't-saring tawa ng mga tao doon hanggang sa mag-tama ang tingin namin ni Kordien.


Inirapan niya ako kaya napakunot ang noo ko. Teka nga! ba't pati ako kasali sa iniirapan niya? hindi naman ako kasali eh.


_ _ _ _ _ _ _ _ _


Matapos ang ilang oras na pag-susunog ng kilay, nag-ring na ang bell, hudyat na lunch break na namin.


"Uy tara, sa cafe tayo." Nag-unahan pa kaming kunin ang mga bag namin. 'Di sinasadyang napatingin ako sa bag ni Cheo.


Hermes.


"Waw nemen sana all," 'Yun ang mga nasasabi ng ilan sa mga napapatingin sa bag niya. Halatang pang-mayaman. Pero kahit na ganoon, hindi naging hadlang iyon para maging mag-kakaibigan kami.


"Ano sainyo? dali na my treat!" Hindi na kami tumanggi dahil medyo mahal rin ang pag-kain dito sa cafe kaya kadalasan sa karinderya kami kumakain.


"Mag-hanap ka ng upuan. Baka maubusan pa tayo eh." Nag-paiwan si Ethienne at si Cheolea sa counter dahil sila na mismo ang mag-oorder daw ng kakainin namin.


Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon