Chapter 33 - Abalsutea falls

42 27 0
                                    

Chapter 33 - Must have been the wind






Solene






Sa kasagsagan ng pag-uusap namin ni Pableo, biglang lumitaw ang hindi ko inaasahang dadating. Mabuti at nakaabot pa siya. Akala ko nga ay hindi na siya pupunta eh.



"Who are you? " tanong niya kay Pableo. Napakunot naman ang noo ni Pableo dahil sa tanong sa kanya ni Hyde. 



"Pableo, kaibigan ni Solene,"  tipid na pakilala niya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila dahil sa pag-susukatan nila ng tingin. Hinigit ko ang kamay niya at tinignan siya.



"Kaibigan ko siya Hyde," pag-didiin ko. Umigiting ang panga niya at muling binalik ang tingin kay Pableo.



"I don't care if you we're named Pableo or whatsoever. Just leave us alone." Nag-iba 'din ang timpla ng mukha niya sa sinabi ni Hyde kaya humingi ako ng dispensa.



"Mukhang kailangan ko nang umalis, mauna na 'ko Solene." Dinampot niya ang dala niyang sako at tinapunan muna ng tingin si Hyde.



"Pasensya na Pableo," saad ko. Ngumiti siya at umalis na. Binalingan ko naman ng tingin si Hyde na nanatiling nakatingin sa papalayong si Pableo.



"Ano ba, Hyde? wala naman ginagawang masama 'yung tao."  Mariin niya akong tinitigan at muling umigting ang panga.



"Sa ngayon wala pa, pano kung meron na mamaya? anong gagawin mo? you're gonna scream 'help' until you lose your breath? is that what you want? you easily trust people, Solene. "



Nag-taas baba ang dibdib ko, heto na naman kami. Bakit sa tuwing mag-kikita kami palagi na lang may hindi pag-kakaintindihan?



"Bakit? masama na bang mag-tiwala? ganyan ba ang tingin mo sa lahat ng tao? masama?" Natigilan siya ng dahil doon.



"That's not my point. What I mean is you easily trust people. "



Masama na pala ang mag-tiwala. Ilang beses na akong nabigo dahil nag-tiwala ako pero heto ako't patuloy paring nag-titiwala. At isa pa hindi naman basta-basta ang mga pinag-kakatiwalaan kong tao. 



"Pasensya na kung ganyan ako ha? "  aad ko. Tinalikuran ko siya at sumulong sa tubig. Wala sina Ethienne, kinuha nila 'yung pag-kain na niluto ni nanay Emer kaya kami lang ang tao dito ngayon.



Kaya pala ayaw nila akong isama dahil may dadating pa pala. Doon ko lamang napag-tanto na wala pala si Amaranth. Bakit hindi niya kasama? Nilubog ko ang ulo ko at sumisid sa kumikinang na tubig ng talon ng Abalsutea. Nang malapit na akong maubusan ng hininga sumisid na ako pataas at laking gulat ko nang masalubong ko ang ma mata niya. 

Must have been the windWhere stories live. Discover now