Chapter 03 - Gray eyes

135 63 3
                                    

Chapter 03 - Must have been the wind






Solene






Nakuha ko na ngayon ang sahod ko kaya sumugod na kami ni Ethienne sa supermarket para naman may makain pa ako at hindi mamatay sa gutom. Matipid na matipid ako pag-dating sa mga bagay-bagay. Tuwing nakukuha ko ang sahod, lagi kong inuuna ang mga kailangan. Hindi ako basta-basta nag-wawaldas ng pera lalong-lalo sa mga hindi naman kailangan. Ang hirap kaya mag-trabaho 'no.




Gusto kong makapag-pundar ng sariling bahay at mag-karoon ng sariling negosyo na mag-tataguyod sa sarili ko. Sa panahon ngayon, mahirap makakuha ng pera kaya todo kayod ako maitaguyod lamang ang sarili sa sariling sikap. Nag-alok kanina na kumain si Ethienne sa isang fast food. Hindi naman ako nakatanggi dahil bihira lang naman kami mag-kita, madalas pa kaming abala sa trabaho.




"Eto pa teh oh. Kunin mo na to masarap 'to," saad niya habang nakangisi. Ang takaw niya talaga eh 'no? puro pag-kain ang nasa utak. Nag-tataka nga ako kung pano nakapag-traaho 'tong isang 'to, mukhang pag-kain na ata ang brain cells nito.



Napakamot ako sa batok dahil kung makapag-turo siya ay parang siya ang mag gogrocery. napailing na lang ako. Hay, hayaan mo na siya solene ganyan talaga kapag patay-gutom. Bukod sa minsang pagiging gastusera niya, mahilig 'din siyang kumain kaya pag-nasa apartment ko siya, lagi yang nag-babaon ng pagkain. Kung minsan kapag nababagot, pag-kain lang ang katapat niya. Oo, ganoon siya katakaw.



Nag-tataka nga ako dahil sa lakas niyang kumain, hindi siya lumulobo. Para pa din siyang tangkay hanggang ngayon, pareho kami. ako kasi, hindi sanay na madami ang kinakain.



"Tama na ito baka makulangan ako ng pera. Nakabudget na kasi ang pera ko. Sapat lang ang dala ko ngayon para sa pang grocery,"  mahinang sambit ko habang nakatingin sa listahan ng mga bibilhin ko.



Napansin ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. Alam kong aangal na naman ang isang 'to.



"Tignan mo nga ang laman ng cart mo. Wow, ang dami teh, ang dami! kaya ang payat-payat mo dahil tinitipid mo ang sarili mo. Hindi 'yan sasapat sa 'yo sigurado ako."  Nag-salubong ang kilay niya.



Natigilan ako saglit at napatingin sa laman ng cart ko. Tama nga siya, mukhang hindi ata ito sasapat sa 'kin pero mas nanaig pa rin talaga ang pagiging matipidin ko.



"Jusko, pwede na 'yan. Ang mahalaga nakakakain pa naman ako." hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko.



"Alam mo Solene, hindi masama ang mag-laan ng pera para sa sarili mo. Huwag mo naman sanang tipidin ang sarili mo okay? Ayaw kong mag-kasakit ka dahil lang sa kaunti ang mga kinakain mo," Sabi niya.



Sinalubong ko ang seryosong mga tingin niya at tila kinain na ako ng kaba. Grabe pa naman 'to magalit mukhang tigreng mangangain ng buhay na tao kahit anong oras. Masama ba ang mag-tipid? gusto ko lang mag-ipon eh. Ayos lang ako kahit hindi makakain ng masarap basta ang mahalaga nakakakain ako ng tatlo o dalawang beses sa isang araw at isa pa, sanay na akong magutom.




"Dagdagan mo lang nitong slice bread. Eto pa, isa pa ito oh, lagay mo na d'yan. Huwag nang tumanggi ako na mag-babayad niyan. Uupakan kita d'yan sige!"



Nag-alinlangan pa akong tanggapin iyon dahil kahit na kaibigan ko siya, nakakahiya pa 'din. Ano na lang sasabihin sa 'kin ng mga magulang niya, ni Nanay Emer? na pera lang ang habol ko sa anak niya?



Must have been the windWhere stories live. Discover now