Chapter 06 - Riotte Strovinstell

96 58 7
                                    

Chapter 06 - Must have been the wind




Solene





Nanatili akong nakatayo habang hinahayaan siyang batuhin ako ng mga masasakit na salita. Sanay na sanay na ako na ba tila parte na ito ng pag-katao ko. Mag-mula ng tumira ako sa pamamahay nila, ibang-iba na ang buhay ko kung ikukumpara noong buhay pa si Mama.


"Nasaan ang pera? kailangan ko bumili ng bagong lipstick!" Hinayaan ko siyang halungkatin ang maliit na cabinet ko. Wala naman siyang makukuha diyan.


"Wala na akong pera, binigay ko na sainyo lahat noong nakaraan."  Binalingan niya ako ng tingin. Nanlilisik ang mga mata niya. Buong tapang ko din na sinalubong ang tingin niya, pahiwatig na kaya ko siyang harapin



"Aba't titingin-tingin ka pa d'yan ha? Nasaan ang pera mo? kailangan ko nga sabing bumili ng bagong lipstick!"  Napahiyaw ako sa sakit ng bigla niyang hilahin ang buhok ko.



"Tama na pakiusap, masakit!" Pilit akong nakikiusap na tigilan niya na ang pag-hila sa buhok ko, laking pasalamat ko ng dumating si Auntie dahil kung hindi? baka tuluyan na akong nakalbo.



"Anong nangyayari dito? Astria? Solene?" Nakapamewang na hinarap niya kami. Nag-buga siya ng usok na galing sa sigarilyong nakasuksok sa nangingitim niyang labi.



"Ninakaw niya yung pera ko tapos ayaw pa umamin. Eh kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya pumasok sa kwarto ko."



Nanlaki ang mata ko ng tinuro ni Astria ang wallet niyang nasa higaan ko. Tinapon niya ito doon kanina habang hinihingan niya ako ng pera. Hinding-hindi ko kailan man magagawang mag-nakaw. Hindi ako ganoong klase ng tao!



Hindi na ako nagulat pa ng lumapat ang isang mainit na palad sa pisngi ko. Alam kong kahit mag-paliwanag ako, hindi pa rin nila ako papaniwalaan dahil puro mali lang ang nakikita nila sa 'kin. Na 'di hamak na isa lang akong pag-kakamali.



"Aba't walang hiya ka rin eh 'noh? pinag-nakawan mo pa talaga ang anak ko?" Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Sa tingin ko ay namumula na iyon dahil sa hapdi.



"Hindi ko po iyan magagawa Auntie, hindi ko po kailan man nagawang mag-nakaw," nanginginig ang boses ko habang binabanggit ko ang mga katagang iyon. Nanatiling nakangiti si Astria sa likod ng Nanay niya.


Ito lang ata ang makapag-papasaya sa kanya, ang makita akong nasasaktan at nahihirapan. Tinignan nila ako na tila ako ang pinaka-maduming tao sa mundo. Ayaw nilang maniwala? wala akong paki alam. Kahit kailan, hindi ko hiniling na maniwala sila sa 'kin dahil alam kong totoo ang mga sinasabi ko at walang mali doon.



"Aba't sumasagot ka pa?" Muling dumapo ang mainit na palad sa isang bahagi ng pisngi ko.

Must have been the windजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें