Chapter 08 - Shy

101 53 0
                                    

Chapter 08 - Must have been the wind





Solene



"Solene, anak!" Halos mabitawan ko ang kamay ni Mama nang pilit na inaagaw ako mula sa pag-kakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta dito at hindi ko kilala ang mga taong nasa harap namin.


Anong kailangan nila sa 'min?


"Mama ayaw ko sa kanila!" sigaw ko at naiyak na lang sa takot, hindi alam ang gagawin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng humihila sa 'kin


Nakuha nila ako...


Nilagyan nila ng piring ang mata ko at tinali din ang mga kamay ko mula sa likod. Patuloy ang pag-hikbi ko. Namanhid ang pisngi ko ng sampalin ako ng malakas, parang nabingi na ang kaliwang tenga ko.


"Solene!" mas lalo pa akong naiyak ng marinig ko ang sigaw ng nanay ko.


"Ang ingay mong peste ka! Kapag hindi ka tumigil d'yan tatadyakan na talaga kita," sabi ng lalaki pero hindi ako nag-patinag, pinakita ko sakanilang hindi ako apektado sa mga sinasabi nila.


Kailangan naming makaalis dito! ngunit... paano?


"Sino kayo? anong kailangan niyo sa 'min ni mama? wala kaming kahit na anong pwedeng ibigay sainyo! mahirap lang kami." Inubos ko ang lakas ko mabitawan lang ang mga katagang iyon pero tinawanan lang nila ako na parang may nakakatawa ba sa sinabi ko.


Talaga bang katawa-tawa kami? kaya gan'to ang trato sa 'min ng mga tao sa paligid na'min? tao din kami hindi hayop! karapatan din namin ang irespeto bilang tao! iyon lang ang tanging hiling ko pero bakit hindi nila iyon maibigay? bakit? mahirap ba?


"Anak mo nga talaga ito Serinna. Pareho kayong walang kwenta." Nag-init ang tainga ko sa sinabing iyon. Nakakalungkot isipin na ganoon kawalang kwenta ang tingin sa 'min ng lipunan. Wala silang karapatan na pag-sabihan kami ng ganoon pero wala akong magawa.


Hindi ko alam kung saan ba kami lulugar, kung saan kami tatanggapin at hindi huhusgahan.


"Kayo ang walang kwenta! ang sasama ninyo!" sigaw ko pabalik. Isang mabigat na kamao ang lumapat sa tiyan ko.


Napahiga ako at namilipit sa sakit. Tila niyanig ng sakit ang buong katawan ko. Umikot ang paningin ko at mukhang babaliktad na sikmura ko. Narinig ko ang sigaw ng nanay ko kaya pinilit kong umupo pero hindi talaga kaya. May mainit na likido ang lumabas sa bibig ko, mapakla ang lasa nito kaya sigurado akong dugo ito.


D-dugo...


"T-tama na pakiusap, bigyan niyo pa ako ng panahon para mabayaran ang utang sain'yo," dinig kong pakiusap ni Mama. Tanging tawa lamang ang sinagot nila sa kanya.


Hindi ako naaawa sa sarili ko kundi sa sariling nanay ko. Bakit kailangan niyang maranasan ang lahat ng ito? mabuti siyang tao pero bakit gan'to? ano bang nagawa niyang kasalanan sa nakaraang buhay niya at pinapahirapan siya ng gan'to?


"Aba, ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? binigyan ka na na 'min ng tatlong buwan pero anong ginawa mo? lumandi ka pa at inuna mo pa itong bubwit na ito." Sunod-sunod na hikbi ang narinig ko at sigurado akong galing iyon kay Mama.



"Kailangan kong buhayin ang anak ko at hindi ako ang may utang sainyo kundi si Anidda!" Narinig ko ang pa-lapat ng kamay sa pisngi niya.


Must have been the windWhere stories live. Discover now