Chapter 47 - Astria Leine Privos

39 22 0
                                    

Chapter 47 - Must have been the wind




Solene




Ilang araw na akong nasa kwartong ito at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Hindi ko akalain na makakabalik pa akong muli sa kulungang ito. 



"Tama na," pakiusap ko habang tinatakpan ang sarili gamit ang mga braso. Naiyak na lang ako sa sakit habang paulit-ulit na nag-mamakaawa.



"Tama na? hindi, hindi pa ito sapat sa mga ginawa mo sa 'min! pinalamon ka namin tapos lalayasan mo kami?"  Hinawakan niya ang panga ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga nakakatakot na matang iyon.



"Wala kang utang na loob!"  Isang mainit na palad ang lumapat sa kaliwang pisngi ko dahilan para matumba ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak.



Nang makaalis sila, paika-ika akong nag-lakad papunta sa kama. Pinag-masdan ko ang kabuuan ng paligid, ang dating kwarto ko. Napatingin ako sa salamin na natatakpan ng puting tela, inalis ko iyon. Natulala ako sa sariling repleksyon mula sa basag na salamin.



Mukha na akong basahan... napakadumi kong tignan.



Dumudugo ang pang ibabang labi ko at nahagip 'din ng tingin ko ang namamagang braso ko. Hinampas nila ako ng tubo kanina, Mabuti na nga lang at kinaya ko pa iyon. Binalik ko ang pag-kakatakip ng tela sa salamin at nahiga na, pipilitin kong matulog. Kinaumagahan, nagising ako sa sama ng pakiramdam. Ang sakit ng buong katawan ko lalong-lalo na ang braso ko. Pakiramdam ko masusuka ako kaya tumakbo ako papunta ng banyo. Naupo ako sa harap ng inidoro at doon sumuka.



Nang hihinang napaupo ako sa sahig. Hindi ko man lang napansin ang kumawalang luha sa mga mata ko, umiikot ang paningin ko sa hilong nararamdaman ko. Narinig ko ang pag-bukas ng pinto ng banyo. Si Astria lang pala. 



Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa hilo pero isa lang ang napapansin ko, madaming nag-bago sa kanya, maging sa pananamit, parang mas naging maayos na siya kumpara noon. Napansin ko 'din ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya. Kung dati, pinag-tatawanan niya lang ako kapag nakikita niyang nahihirapan ako, pero ngayon mukhang hindi na.



"Nasa labas ang agahan mo." Tumango na lamang ako.



"Salamat." Tinapunan niya muna ako ng tingin bago umalis.



Paika-ika akong bumalik sa higaan at doon sinimulang kainin ang dala niya. Napatakip ako sa ilong ko ng maamoy ko ang itlog kaya tinabi ko muna ang plato, ni hindi pa nga nangangalahati ang pag-kain. Wala akong ibang magawa sa loob ng lumang kwarto kundi ang tumitig sa kawalan. Kinuha nila ang cellphone ko, ang bag ko at ang pera ko, wala nang natira sa 'kin kundi ang sarili ko na lamang.

Must have been the windWhere stories live. Discover now