Chapter 30 - Ghost?

49 29 5
                                    

Chapter 30 - Must have been the wind





Solene




Binabaybay ko ang daan pauwi at pagod na pagod ako galing trabaho. Malapit nang lumalim ang gabi dahil palamig na ng palamig ang simoy ng hangin. Nilagay ko ang kamay ko sa mag kabilang bulsa ng jacket at napa buntonghininga. Nakasindi na ang mga ilaw sa lansangan na siyang gabay ng mga nag-lalakad sa dilim. Napahinto ako ng makarating ako sa tapat ng pintuan, nag-dadalawang isip kung bubuksan ba ito o hindi.



Sa huli, binuksan ko na lang ito at tuluyan nang pumasok pero natigilan ako ng bumungad sa 'kin ang dalawang lalaki at isang babae na kasama nina Auntie at Uncle. Nag-bibilang sila ng libo-libong pera pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Ang mga maliliit at malalaking pakete na parang mga asin ang laman. Hindi ko alam na humantong na pala sina Auntie dito. Mukhang napansin nila akong nakatitig sa ginagawa nila kaya pinaningkitan ako ng isang lalaki.



"Sino ba iyan?" tanong ng babae.



"Huwag kayong mag-alala, isang peste at katulong lang 'yan dito." Oo nga pala, hindi nila ako kailan man itinuring na kamag-anak nila. Ang sakit pa lang sabihan ka ng ganon ng sarili mong kadugo.



Kahit huwag na nila akong kilalanin bilang pamangkin pero kahit bilang isang tao na lang sapat na.



"Wala akong paki alam kung sino man 'yan. Kailangan n'yang mag-tanda para hindi tayo mapahamak.  Jaired, gawin mo nang singkwenta."  Tumango ang isa pang lalaki at kinaladkad ako na nanlalaki ang mga mata.



"Saan mo 'ko dadalhin? Pakiusap bitawan mo ako. Hindi ako mag-susumbong sa pulis!"



"Auntie tulong po!" Pakiusap ko sa tiyahin ko na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.



Pakiramdam ko para akong basura. Ganoon ba ako kawalang silbi kaya't pati sulyap ay hindi pa maibigay sa 'kin? Sigaw lang ako ng sigaw hanggang makarating kami sa garahe ng bahay. Pinilit kong mag-pumiglas pero walang kwenta iyon dahil ang lakas ng kumakaladkad sa 'kin.



"Pakawalan niyo ako pakiusap! Tatahimik ako pangako. Hindi ako mag-susumbong sa pulis!" Ngunit kahit anong pakiusap ko sa kanya ay wala itong saysay. Gaya na lang ng buhay ko, walang sayasay at hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba.



"Manahimik ka!"  Itinali niya ang kamay ko sa poste at nakaharap ng mukha ko kaya nakayakap ako sa poste. Nakita kong may nilabas siyang kung anong bagay at nanigas ang buong katawan ko.



L-latigo? 


Must have been the windWhere stories live. Discover now