Chapter 41 - Misunderstood

35 22 0
                                    

Chapter 41 - Must have been the wind





WARNING!: Some of the scenes contain some mature themes. Please skip it if you feel uncomfortable. Read at your own risk ; )


Kahit mag-lagay pa ako ng warning alam kong babasahin niyo pa din naman eh HAHAHAHAHA sige lang feel free to read mga kababayan ko! Mahal ko kayo!



Solene



Nakakandong si Amaranth sa hita ni Hyde...



Tanging bra lang ang suot na pantaas niya at nakita kong nasa sahig na ang damit niya. Walang suot pang itaas si Hyde at namumula ang mukha niya, hinahalikan ni Amaranth ang leeg niya. Mukhang wala siya sa sarili niya.



Pareho silang natigilan ng makita nila ako. Kumunot pa ang noo ni Hyde na parang inaalala niya pa ba kung kilala nniya ako. 



"Hi, " sambit ni Amaranth. May nakaukit pang kakaibang ngiti sa mga labi niya, nagawa niya pa talagang ngumiti.



Nanlabo ang mata ko ng ng mag-tama ang tingin namin ni Hyde. Mabilis akong tumalikod kahit na narinig ko ang pag-tawag niya sa 'kin. Ang sakit... para akong tinutusok ng libo-libong karayom sa dibdib ko.



Hindi ko akalaing tototohanin talaga ng babaeng 'yon ang mga sinabi niya. Siguro sawa na 'din sa 'kin si Hyde kaya pinatulan na niya si Amaranth. Kaya pala madalang na lang kami mag-kita kasi kasama niya siya. Dinala ako ng mga paa ko sa waiting shed. Patuloy sa pag-agos ng mga luha ko kasabay ng malakas na ulan na mukhang kanina pa bumubuhos. 



Ano bang nagawa ko para gawin niya sa 'kin 'to? Hindi pa ba ako sapat? O baka nga naman niloloko niya lang ako at sadyang tanga lang ako? Hindi ko alam. Wala akong maisagot sa tanong ko.



Walang akong dalang panangga ng ulan kaya umuwi ako sa apartment ko ng basang-basa. Nang makita ko ang nag-aalalang mukha ni Ethienne, napaiyak ulit ako.



"Anong nangyari? bakit ganyan ang itsura mo? Hindi mo man lang ako tinawagan, sinundo sana kita."  Mabilis akong umiling at pinahid ang luha.



"Wala. Sige pahinga na muna ako. " Bago pa man ako makatayo hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Sinalubong ko ang nanlilisik na mga mata niya.



"Hindi mo sasabihin o susugurin ko siya? Pumili ka Solene. " Diniinan niya ang pag-kakabigkas sa bawat salitang iyon.



Wala akong magawa kundi ang ikwento ko ang nakita ako at ga 'nun na lang 'din ang galit niya.

Must have been the windHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin