Chapter 51

2.7K 99 9
                                    

Edward Yue POV

Napatingin ako kay dhruv na hawak hawak niya ngayun ang dalawang damit ng pang baby pero wala namang pinagkaiba ang pinapakita niya dahil lahat yun puro puti ang kaibahan lang long sleeve yun at isa ay polo shirt kaya napakamot ulo ako.

"dhruv bakit ka pa bibili kong may baby dress naman si zacchues noon yun nalang gamitin niyo save pa yun wag nang gumastos" napangiti siya sa akin at inilagay yun sa cart ng biglang may humarang sa cart niya at lahat ng pinili niya at ibinalik kaya natatawa ako sa itsura ni dhruv dahil totally his mouth open and eyes are widen dahil kanina pa yata siya namimili mga isang oras na tapos ibabalik lang sa lalagyan nito.

"mom why you put it back?" galit niyang tanong sa mommy ng piningot ang tenga niya kaya napayuko siyang napaaray at napahawak sa tenga niya.

"mom please" pag mamakaawa niya para tanggalin ang kamay nito at nang tumigil naman si tita ay napahaplos haplos siya sa tenga niya na ngayung namumula.

"mommy naman" natawa nalang ako at lumapit kay tita.

"hello po" ngumiti si tita sa akin at agad tinignan si dhruv nang masama.

"sabi ni mandy nag propose ka na daw?" nagulat ako at tinignan siya.

"totoo tita?" tanong ko pero hindi sumagot si tita kaya tinignan namin siya.

"excited lang ako saka successful naman" sabay ngiti niya sa amin kaya napabuntong hininga kami.

"so yung inayos natin ano yun? goodbye nalang?" tanong ko sa kanya at talagang nadidismaya ako.

"yeah right sinabihan pa niya akong magluto sa araw na mag pro-propopse siya at alam mong namili na ako ng mga ingredients anak ano ba yan ang kulit mo bakit hindi ka nag hintay" ngumiti lang siya sa amin ni tita.

"don't worry matutuloy pa rin naman yung date namin so mommy" humarap siya kay tita at niyakap ito kaya napangiti ako ang sweet kasi nilang tignan mag ina minsan na iinggit ako.

"hoy" napalingon ako at napangiti kay drixity.

"bakit nandito ka?" she roll her eyes at tinuro si tita.

"kasama ko si mommy kaya pwede bang samahan mo ako" napatango ako sa kanya at sumunod nalang sa kanya saka ako nagulat ng makababa kami ay sa jollibee siya pumasok at umakyat sa taas kaya nagtataka ako, sinundan ko siya pero napatigil kaya napatigil na rin ako nang tinignan niya ako ng masama kaya napangiti ako ang maldita talaga ng batang to.

"bakit ka sumunod? paano ako kakain kung hindi mo ako bibilhan ng pagkain sa counter? gusto mo bang mesa ang kainin ko?" maldita niyang sabi kaya napangiti ako lalo at napatango nalang.

"ano ba gusto mo?" tanong ko nalang sa kanya.

"kahit ano basta makakain ang dami mong tanong nakakainis" sabay akyat niya kaya napailing iling nalang ako at bumababa ulit at dahil ang haba ng pila wala akong magawa kundi ang maghintay, mga ilang minuto akong nakatayo ng may babaenng lumapit sa akin staff ng jollibee na may dalang small scratchbook at ballpen.

"ano po order niyo?" nakangiti niyang tanong kaya napatingin ako sa menu nila sa taas pero wala akong alam kung anong gusto ni drixity.

"ahh miss tinupak kasi yung kasama ko kaya ano ba ang masarap gamot sa mga tupaking kagaya niya?" sabay ngiti ko at naguguluhan naman siya sa tanong ko kaya ngumiti ako ng alanganin.

"ano bang kadalasang order ng mga babae dito?" mas lalo siyang napakamot ulo.

"sir masarap naman po lahat" napahinga ako ng malalim.

"ano ba ang hilig ng girlfriend niyo?" napakamot ulo ako sa tanong niya, paano ko naman naging girlfriend ang batang yun? eh dakilang alalay lang ako nun.

"mahilig sa matamis" sagot ko at tumango siya.

"pero gutom kasi siya" tumango ulit siya.

"recommend ko sir yung C2 sir chicken and rice na po yan at sundae halo halo po?" napangiti ako

"sige yan nalang" ngumiti naman siya saka ibinigay sa akin yung nilista niya.

"pag nakarating na kayo sacounter bigay niyo lang yan saka kayo mag bayad" tumango ako sa kanya at napahinga ng malalim.

"Oy Edward" napalingon ako sa lalakeng tumawag sa akin kaso nawala ang ngiti ko ng makita ko siya, may kasama siyang anim na bodyguard at parang nang iinis na nakatingin sa akin.

"kumusta buhay mo?" pang iinis niya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

"ang cheap ng kakainin mo ha" napapikit nalang ako ng bigla may nagsigawan kaya nagulat ako ng makita ko si dhruv na ngayun hinahaplos ang kamao niya.

"dhruv" pigil ko sa kanya at ngayun nasa sahig na ang kapatid ko.

"kung hindi mo kayang galangin ang kapatid mo dahil sa yaman mong gago ka wag na wag kang magpapakita pa" nagkatinginan sila ni dhruv ng masama at tinulungan naman siya ng mga bodyguard niyang tumayo at umalis na sila, saka humarap sa akin si dhruv.

"ikaw naman wag na wag kang papayag na aapakan ka nalang ng kapatid mong yun" napangiti naman ako sa kanya.

"salamat" sabi ko nalang at napailing iling naman siya at nang kami na ang sunod mag order na dagdagan ito kaya napangiti nalang ako saka kami umakyat at nakita namin si drixity na nag dra-drawing nanaman at nang makita niya kami ay agad niya itong inilagay sa bag niya.

"kuya dhruv bakit nandito ka?" takang tanong niya pero ngumiti lang si dhruv at umupo sa harap niya kaya wala akong choice kundi ang umupo sa tabi ni drixity.

"let's eat gutom na ako" sabi niya lang kaya napangiti ako at kumain lang kaming tahimik, ng mapansin kong hindi alam anong gagawin ni drixity kaya natawa ako sa kanya si dhruv hindi man lang tinulungan tong kapatid niya at talagang kumain lang kumain.

"gravy to drixity, you can dip your chicken here" turo ko sa kanya at tumango naman siya at nagsimula ng kumain ng bigla akong magulat ng may pumitik ng daliri ko at tinignan ko ng masama ni dhruv.

"ano? " napailing iling nalang siya kaya tinignan ko ulit si drixity and she really struggle how to eat her chicken kaya tinignan ko si dhruv.

"hindi mo tutulungan ako gagawa" hindi niya ako pinansin kaya napailing iling ako kaya tinanggal ko ang lahat ng buto sa chicken ko and cut it into pieces saka ko pinagpalit ang plato namin kaya napatigil siya kaya ngumiti nalang ako.

"eat" nakangiti kong sabi at hindi naman siya nag reklamo pa kaya napangiti akong kumakain ng sinipa ni dhruv ang paa ko kaya sinipa ko rin siya kanina pa siya eh ano ba akala niya sa ginagawa ko? na gusto ko ang kapatid niya? eh bawal bang magpakakuya sa kapatid niya? napailing iling siya sa akin at tinignan niya ang kapatid niyang nakangiting kumakain kaya hindi ko nalang siya pinansin.


to be continued...

TheMirrorPrincess

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon