Chapter 7

3.8K 129 13
                                    


Nang magsimula na ang tutorial ni Zaccheus ay bumalik ako sa trabaho.

"Saan ka galing dalawang oras kang nawala" singhal sa akin ni Antonio na ngayun lang ata nakipag usap sa akin.

"Alam mong dishwasher ka sa kusina tapos umalis ka wala ka bang utak hindi porket anak mayaman ka pwede mong dalhin yang ugali mong ganyan magtrabaho ka" galit niyang sabi na kulang nalang suntukin ako pero hindi ko siya pinatulan at tumalikod nalang ako at naghugas.

"responsibilidad mo ang pinggan kung maka alis akala mo may ari ng restaurant, dyan ka na mag mayabang kung sobrang yaman mo" napahinga nalang ako ng malalim.

"Antonio tumahimik ka nga" saway ni cole sa kanya.

"Hindi dahil hindi yan pwede dito" sabi nanaman niya.

"Lalaki ang ulo niyan kung pababayaan nating umalis habang on work tayo, akala mo kasi kung sino wala namang maibubuga" napapikit ako.

"Tumahimik ka na hindi naman sumasagot sayo si Baris" saway ni Nicholas ng biglang mag dabog si Antonio at lumabas ng kusina.

"Hayaan mo na yun" biglang sundot sa akin ni Johnson.

"May dalaw kasi" natatawang sabi niya kaya napangiti nalang ako

"Ganun talaga yun" tumango nalang ako at nagpatuloy sa trabaho ko.

"Saan ka ba kasi galing alam mong sobrang daming customer talagang iniwanan mo kami kaya si Antonio ang nanghugas muna" Tanong sa akin ni Nicholas kaya napahinga ako ng malalim.

"Emergency lang" tanging sabi ko ng tapik tapikin niya ang balikat ko.

"Pagpasensyahan mo nalang yun talagang matalas ang dila ni Antonio" tumango lang ako sa kanya at nanghugas nalang ulit. Alam kong may mali naman ako pero sobrang talas naman yata ng bibig ng lalakeng yun, wala ba akong maibubuga? Kung sampal ko kaya sa mukha niya ang mga nagawa ko? Napapikit nalang ako at kumalma ayokong makipag away dahil sa ngayun yun ang hindi ko kailangan, kailangan ko ngayun ay ang kung anong gagawin ko pag dumating si Mandy.

"Hi" napakunot noo ako dahil bakit parang narinig ko ang boses  ng kakambal ko? Pero umiling nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Good Afternoon po Sir Phinnaeus" this time napalingon ako at bumungad sa akin ang ngiti ni Phinnaeus.

"How are you?" Napalingon silang lahat sa akin kaya tinignan ko ng masama si Phinnaeus pero tumawa lang siya.

"Baris ikaw ba ang tinanong ni Sir Phinnaeus?" Tanong ni Johnson pero hindi ko nalang pinansin si Phinnaeus at naghugas nalang ulit.

"Guys hindi niyo kilala si Dhruv?" Tanong niya sa lahat pero hindi ko siya pinansin.

"Kilala po" sagot nilang lahat ng biglang tumawa ng malakas si Phinnaeus paano nakarating ang gagong to dito? Ang layo layo ko na nga sa kanila.

"Siya sino siya?" Tanong na naman niya.

"Si Baris po bagong dishwasher namin" magalang na sabi ni Nicholas and this time tumawa na naman siya kaya sa inis ko binato ko sa kanya ang basahan na hawak ko kaya napatigil siya sa kakatawa.

"HOY BARIS AMO NATIN YAN" sigaw ni Antonio na kakabalik lang kaya napapikit ako.

"HUMINGI KA NG TAWAD WALA KA TALAGANG MODO" sigaw niya na naman sa pagmumukha ko.

"Easy guys" natatawang sabi ni phinnaeus at hinigit niya ako.

"Let me lecture him" natatawang sabi niya at hinigit ako sa office ni Hakan pero dahil wala sila dahil nandun sa bagong bahay na binili ni daddy para sa amin ni Zaccheus. Pero agad kong nasuntok si Phinnaeus.

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now