Chapter 22

3.6K 116 21
                                    

Dhruv POV

Ang aga kong nagising kanina gulat na gulat nalang ako dahil sa hubad na pang itaas ni mandy, kaya binihisan ko siya at hindi man lang nagising.

"Daddy" napalingon ako sa anak ko at ngumiti.

"Malapit na anak wait lang matatapos na si daddy dito" tumango lang siya sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagluluto ng marinig ko ang pag sara ng pintuan, tumingin ako saka ko nakita si mandy na ganung ayos pa rin, lumapit siya kay Zaccheus at hinalikan ito sa noo.

"Good morning baby" nakangiti niyang sabi ay napangiti naman ang anak namin.

"Good morning mommy, did you sleep well?" Tanong ng anak namin sa kanya kaya nagpatuloy ako sa pagluluto, naghintay ako sa kanya like what she always did pero wala kaya sinilip ko siya, she's having her coffee now kaya napaisip tuloy ako sa sinabi ni Edward sa akin kagabi, nagbago kasi si Mandy she's not the mandy i used to know, yung malambing yung laging nakalambitin sa akin, this time parang nahihiya akong hawakan siya, kasi isang pagkakamali ko lang magagalit siya, kagabi kaya lang yata yun pumayag dahil sa lasing ako, naglalambing lang ako kagabi but why i feel like na parang ayaw niya sa akin, she was so gentle before pero nagbago na siya.

"Here, your breakfast enjoy" nakangiti sabi ko sa anak ko at hinaplos ang buhok niya saka ako umupo at tinignan si Mandy.

"Anong gusto mo babe?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin at tinuro ang tinapay at kape niya, tumango nalang ako. Bakit ganun? Hindi pa naman ako kumain kasi gusto kong sabay kami, ngumiti ako ng pilit sakanya.

"I'll take shower" paalam ko at tumango lang siya kaya tumalikod na ako.

"Alam mo dhruv if you feel like nagbago siya isa lang ang ibig sabihin niyan, if yung asawa mo at yung boyfriend niyang si dylan may nangyari mawawala ka sa connection ng asawa mo" napakunot noo ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya dahil naguguluhan ako.

"Ganito yan example ikaw at si Mandy nag love making kayo mapapansin mo sa sarili mo na parang kambal kayong dalawa kasi nagkakaintindihan kayo sa lahat ng bagay at magiging parte ka sa buhay niya at sa katawan niya, kadalasang nangyayari yan sa mga babae, kasi sila yung nalalagyan hindi ikaw, yung lumabas sayo na pinutok mo sa kanya parang pagkatao mo yun" napatitig ako sa kanya.

"Kaya nga pag may nabuo diba sa inyong dalawa yun, ganun yun dhruv" hindi ako sumagot at tinignan lang siya.

"Bakit natahimik ka?" Napalunok ako sa sinabi niya.

"Dhruv?" Napakagat labi ako.

"Eh kasi may nangyari sa kanila ni Dylan" bigla siyang nagulat sa sinabi ko.

"Patay kang bata ka" agad kong tinungga ang wine na yun ng bigla niyang hinila sa akin.

"Totoo?" Tumango ako sa kanya.

"Tell me nag bago ba siya?" Marahan akong tumango.

"Inlove na ba si mandy kay dylan?" Hindi ako makasagot.

"Hindi ko alam pero sabi niya hindi naman daw" tumango siya.

"Parang mahihirapan ka ngayun dhruv, ganito gawin mo kailangan lage kang nakikita ni Mandy and maybe maging extra sweet ka para makuha mo nang tuluyan ang puso niya isipin mo dalawang taon niyang nakasama si dylan at lalo na at may nangyari sa kanila ni dylan baka magbabago talaga yang asawa mo intindihin mo nalang, hindi kasi mapapansin ng babae na nagbabago sila para sa kanila ganun sila at kailan man hindi nagbago, kaya lage mong lambingin kong maaari kung masaktan ka man sa gesture niya hayaan mo na, ang importante maging parte ka na sa kanya"

"Ang hirap yata ng gawin yan kung noon mapapapayag ko yun agad agad pero ngayun parang hindi" ngumiti siya.

"Mag lasing ka para may mangyari palitan mo ang dylan na yun  sa sinapupunan niya ikaw naman talaga ang may ari nun"

Napapikit ako at napatitig sa sarili ko sa salamin.

"I failed yesterday night" napakagat labi ako lalo na ngayung may iniinom siyang pills sobrang hirap na. Huminga ako ng malalim at lumabas ng mapatigil ako ng makita ko mandy na may kausap kaya tinignan ko lang siya, nakatalikod siya sa akin habang may kinakalkal siya sa bag niya.

"Wala dito ang hinahanap mo saan mo ba kasi nilagay wala akong matandaan na nilagay mo sa bag ko yun" lumabas ako ng tuluyan at parang hindi niya ako napansin habang kinukuha ang towel.

"Wala nga sa akin" malumanay niyang sabi.

"Mandy naman please i need it" napakunot noo ako ng marinig ko ang boses na yun.

"I already told you wala dito" linapitan ko siya at agad kinuha ang cellphone niya and i saw that Caller ID

My Baby tinignan ko si Mandy parang bumara sa lalamunan ko ang gusto kong sabihin sa kanya at biglang pinatay ni Dylan yung tawag na yun.

"It's not what you think siya ang nag lagay niyan" parang nagagalit niyang sabi.

"May gusto raw kasi siyang kunin sa akin at hindi na raw niya ako guguluhin so i entertain him" napahinga lang ako ng malalim at ibinalik ang cellphone niya saka ako tumalikod, hindi ko alam anong sasabihin ko.

"Babe" tawag niya sa akin kaya tumigil ako at pumikit ng hinarap niya ako sa kanya kaya napatitig ako sa kanya.

"It's not what you think nakalimutan ko lang palitan ang pangalan niya, i answer his call kasi hindi naman siya tatawag kung hindi kailangan diba? That's why i answer him hinahanap niya sa akin yung usb daw niya may meeting daw kasi siyang pupuntahan and he needs it" tumango ako saka ako lumapit sa table at ipinakita sa kanya.

"Your looking for this i already check this maybe his looking for this" kinuha niya naman ito sa akin kaya ibinigay ko saka na ako tumalikod pag pasok ko sa banyo ay naligo nalang ako. I trust her yun naman ang dapat kong gawin.

"Babe?" Kumatok siya kaya marahan ko itong binuksan.

"Aalis ako sandali ibinigay ko lang to kay Dylan" i look at her minsan nagtatanong ako kung tama ba iniisip niya, makikipagkita siya sa taong bumaril sa akin.

"Hintayin mo ako, sasama ako" hindi naman siya sumagot kaya naligo ako ng mabilisan ay ng makapagbihis ay naghihintay na siya sa akin.

"Kukunin ko lang si Zaccheus" tumango ako sa kanya, kaya lumabas nalang ako para hindi na mainit sa loob ng kotse pag papasok ang mag ina ko.

Naghintay ako sa kanilang dalawa at agad pinag buksan ng pintuan ng lumabas na sila ng bahay, inayos ko nang upoang anak ko saka na pumasok sa loob si mandy. Sumunod na ako sa kanya at nag drive na.

"Babe i think dylan and i need to talk simula kasi nung party proposal niya hindi na kami nag kausap, i just need to talk to him" hindi ako sumagot at nagmaniho nalang.

"Isasama ko si Zaccheus para hindi ka mag selos" marahan nalang akong tumango sa kanya dahil hindi ko rin alam bakit ako natatahimik Everytime she talks. Minsan siyang hindi naging akin sanay akong ako lang, sanay akong ako lang sa buhay niya, ngayun alam ko na kung anong nararamdaman niya noon sa mga panahon na sobrang laking gago ko.

Nakarating kami sa mall kung saan sila magkikita ni Dylan kaya tumingin ako sa kanya.

"Go on" at ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ka ba sasama?" I look at her.

"I think it's the best na hindi nalang so you both could talk" tumango siya sa akin saka na lumabas napahinga nalang ako ng malalim at tinignan ang mag ina ko na papalayo sa akin.

To be continued...
TheMirrorPrincess

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now