Chapter 39

3K 86 8
                                    

10 years old Dylan Point of View

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa hawak kong DNA test at napangiti biglang sumiklab nag galit ang puso ko dahil sa nalaman ko, i just can't believe that isa akong Fugo? natawa ako dahil sa naisip ko, tangna boung buhay ko ang pagkakaakala ko wala akong ama, ang pagkakaakala ko wala akong pamilya pero nagkakamali ako, tanda tanda ko pa noon limang taon lang ako noong iniwan ako ni mama sa kalye.

"Dylan anak dito ka lang babalik din agad si mama ha" ngumiti siya sa akin kaya napangiti ako sa kanya at tumango pero nakikita kong tumulo ang luha niya.

"saka pala anak" lumuhod siya sa harap ko at tinitigan ang mukha ko at hinaplos haplos ito kaya nakatingin lang ako sa mukha niya.

"sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko, sana patawarin ako kung nagawa ko ito sayo, hindi ko intensyon na gawin ito sa buhay mo ang gusto ko lang naman ay ang hindi mamuhay nang nag iisa, kaya kita kinuha" napakunot noo ako sa sinabi niya at hindi siya maintindihan.

"patawarin mo sana ako kung kinuha kita sa daddy mo" saka siya umiyak ng umiyak hindi ko alam bakit lagi niya itong sinasabi sa akin, araw araw siyang nanghihingi nang sorry sa akin minsan ng malasing siya sabi niya sa akin.

"alam mo anak nang makita ko kayong dalawa ng kapatid mo naisip ko na siguro tama ang gagawin ko" tinignan ko lang siya habang kumakain ako at nakikinig sa kanyang tumutungga ng alak.

"simula ng mamatay ang kapatid ko sa sakit niya  at nang makita kita ikaw ang naging pag asa ko sa buhay" tumitig nanaman siya sa akin.

"kaya sana pag dumating ang araw na malaman mo ang lahat sana mapatawad mo ako, at sana mapatawad ako ng ama mo" at umiyak nanaman siya kaya naawa na ako kay mama.

"maiintinidihan naman siguro ni papa kung bakit mo ako inilayo sa kanya diba?" umiling iling siya sa akin.

"kahit kailan kasalanan pa rin ang inilayo kita sa kanya, ang sama ko kasi hindi mo man lang nakilala ng mabuti ang ama mo, hindi mo man lang siya mayakap" 

ganun siya lagi sa akin, lagi siyang humihingi ng sorry sa akin dahil daw sa inilayo niya ako kay papa pero ang mas masama pa bakit ganun si mama sa akin? simula nang iwan niya ako sa kalye at dinala ako sa bahay ampunan at kalaunan ay inampon, nag-usisa ako sa ama ko nag aral ako ng mabuti para mabasa ang ibinigay ni mama sa aking sulat noong iniwan niya ako, may litrato siyang iniwan, litarto nila ni papa pero may kasama ding babae katabi ni papa at ito ay ang asawa ni papa ngayun at litrato ng dalawang baby na magkatabi.

habang natutu akong magbasa doon ko nalaman ang lahat may ibang pamliya na pala ang ama ko, kaya namumuo angn galit ko sa ama ko at lalo na sa pamilya niya ngayun at higit sa lahat hindi ko alam kung sino ang dalawang batang nasa picture na iniwan ni mama sa akin, wala siyang sinabi pero tanging naalala ko noon may kapatid daw ako pero hindi na siya nagsalita tungkol sa kapatid ko kundi yun lang.

29 years old Dylan Point of View

Napatitig ako sa lalaking nerd na kumakain saka ako napangiti.

"kanina mo pa siya tinitignan" i look at shasha saka ako may naisip.

"shasha gusto mong magkapera?" bigla siyang napangiti at linapitan ako.

"money? bakit bibigyan mo ako?" tumango ako sa kanya ng tinignan niya ako.

"paano ka naman magkakaper--" agad kong ipinakita sa kanya ang bag ko na laman ay puro pera at nagulat siya.

"saan mo yan kinuha?" napangiti ako sa reaction niya.

"sa daddy mo" napakunot noo siya.

"nagtrabaho ako sa kanya" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now