Chapter 44

3.5K 137 31
                                    

Dylan POV 

Disidido na ako kahit labag sa akin na patayin siya pero dahil sa poot at sakit at lahat lahat ng pagkukulang ng ama ko sa akin ipapadama ko sa kanila kung anong sakit ang naramdaman ko ng walang magulang nagtataguyod sa akin ang bata ko pa noon pero kinaya ko lahat dahil sa sakit naibinigay nila sa akin dahil sa lahat ng securities ko sa kanila lahat lahat ay parang nawalan ako ng kaluluwa, boung buhay ko naging tao-taohan ako pinilit kong magpakatatag kung hindi ako kakapit sa patalin kung hindi ako kakapit sa kasamaan wala akong mararating kaya ginawa ko ang lahat, naghiganti ako sa lahat lahat ng ginawa nila sa akin, tinutukan ko si dhruv sa noo niya at nanginginig ang kamay ko at ito na ito na magagawa ko na makapaghihiganti na ako.

"anak wag" bigla akong nagulat at napatingin sa boses na yun kaya siya ang tinutukan ko ng baril.

"sino ka?" napatingin ako sa likuran niya at ang ama ko ito at si Cohan at Phinnaues.

"anak tama na" biglang sani ni papa kaya nanginginig akong tinutok ang baril sa kanila.

"wag kayong lalapit" agad kong inilapit ang baril sa ulo ni dhruv.

"anong ginagawa niyo dito" tanong ko sa kanila pero tanging iyak lang ng babaeng to ang naririnig ko.

"Dylan tama na" sabi ni Cohan kaya tinignan ko sila.

"anak please mag usap tayo wag mong saktan ang kapatid mo" napakunot noo ako kasi bakit niya ako tinatawag na anak kanina pa.

"anak patawarin mo ako" lumapit ang babae sa akin at lumuhod siya sa harap ko at nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.

"patawarin mo ako kung hindi kita na protektahan noon, ako nalang kung gusto mong maghiganti sa akin ka maghiganti wag sa kapatid mo, ako nalang anak, ako ang may kasalanan hindi ko inalaman na kambal kayo, wala akong kwentang nanay" iyak siya ng iyak at ano ba ang pinagsasabi niya.

"ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong ko ng lumapit si papa sa akin.

"kinuha ka sa amin nung baby ka palang at si Cohan siya ang kakambal mo" napatingin ako kay cohan na kanina pa nakatingin sa akin.

"hindi ko kayo maintindihan" naguguluhan ako paanong naging kakambal ko si Cohan?

"you need to see this kung hindi ka maniniwala, ito ang araw na kinuha ka ni lehandra sa nursery" ibinigay sa akin ni cohan ang cellphone niya tinanggap ko habang pinapanuod ko ito biglang tumulo ang luha ko ng makita ko ang kinikilala kong ina na may batang isinilid sa basurahan.

"yan ang araw na ipinangak tayo ni mommy, kinuha ka niya at alam mo ba sa araw din na yan naging malubha ako dahil sabi nga nila it's just like a warning na kinuha ka sa tabi ko" napatingin ako kay cohan.

"walang kasalanan si mommy at daddy dylan, wala kaming alam, kahit ako wala akong alam na may kakambal ako, kaya tama na" napatingin ako sa babaeng kanina pa umiiyak na inaalo ni papa.

Napahalakhak ako at napasabunot sa buhok ko

"PUTANGINA GINAGAGO NIYO BA AKO HA!" sigaw ko sa kanila at tinutukan ng baril ang ama ko.

"TAMA NA! TAMA NA! WAG NIYO AKONG PAGLARUAN" galit kong sabi sa kanila pero iyak ng ina ni cohan ang naririnig ko.

"Dylan please ano ba pa ang gusto mong paniwalaan? ang ina mo si lehandra? gago ka ba? siya ang sumira sa buhay mo sa buhay natin, please think dylan" tinignan ko si cohan ng sinabi niya yun may ipinakita siya sa akin,

"tignan mo, tignan mo kung sino ang nakikita mo?" napatitig ako sa litrato ng batang nas aedad 5 years old, i look at him dahil hindi ako makapaniwala parang nanalamin ako sa litratong pinakita niya noong 5 years old ako.

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now