Chapter 2

5.2K 152 25
                                    

Gusto ko sana talaga mag 1k read muna bago nag Update hahaha pero baka maraming nanghihintay kaya update nalang 😅😂

********

Dhruv POV

Halos hindi mawala ang ngiti ko dahil sa sobrang saya, napapikit ako and finally, finally magaling na ako.

"YES NAKALABAS DIN" napadilat ako at tinignan si Edward.

"Bobo ka talaga bakit nag quit ka?" Takang tanong ko kung hindi ba naman tanga mas pinili niyang mag quit sa army.

"Dhruv gusto ko pang mabuhay apat na taon akong nag isip kung ipagpapatuloy ko ba pero naisip ko gusto kong tumanda kasama ang future ko" sabay tawa niya kaya napailing iling nalang ako.

"Saan tayo ngayun? Sayang yung offer ng kuya mong companya" sabay tapik niya sa balikat ko pero ngumiti lang ako.

"I know kailangan natin ng pera para mabuhay" napabuntong hininga ako.

"Pero alam mo habang nasa loob ako ng kampo naisip ko talaga hindi eh, hindi pera ang purpose natin para mabuhay ng masaya alam mo yung pinopoint ko?" Umiling siya sa akin.

"Hindi! Hindi ko alam kasi kung hindi ka ba naman tangang ibigay lahat ng yaman mo edi sana makakain tayo ngayun, alam mo dhruv pag wala kang pera wala kang kakainin" napailing iling nalang ako sa sinabi niya.

"Food we can grow them" may ngiting sabi ko sa kanya.

"Sige sabihin nating magtatanim tayo para may makain tayo pero saan tayo kukuha ng buto?" Napangiti ako sa kanya.

"Alam mo pag gusto mo may magagawa ka, for now let's find a home to stay saka tayo mag apply ng trabaho" nakangiti kong sabi, satingin ko sa apat na taon kong pagkawala sa industriya sa tingin ko wala nang nakakakilala sa akin, at yun ang gusto ko ang maging normal na tao na lamang ang wala ng makakakilala sa akin kaya nag simula na kaming mag lakad ni Edward.

"Dhruv wala tayong pera pang upa ng malaking bahay alam ko namang sanay ka sa condo pero ako sanay ako sa barong barong alam mo naman siguro hindi ako kasing yaman mo" pinitik ko ang noo niya kaya napaaray siya at tinignan ako ng masama.

"Hindi condo ang hahanapin natin kwarto na may double-deck ng makatulog tayo ng maayos hindi ko kailangan ng mga mamahaling kwarto at gamit, tubig at sahig lang ayos na ako" napahinga siya ng malalim na parang naiinis.

"Dhruv ang yaman ng pamilya mo punta nalang tayo sa inyo" umiling ako sa kanya.

"Hindi dahil sinabi ko sa mga magulang ko na pabayaan nila ako sa desisyon ko at alam din nilang hindi ko pababayaan ang sarili ko kaya maghanap buhay tayo dahil ayokong magpakarga pa sa mga magulang ko." At ngumiti ako sa kanya at naglakad na kaya wala siyang magawa kundi ng sumunod.

"Teka nga" napatigil ako at tinignan siya.

"Doon nalang tayo sa apartment kong inuupahan noon maliit lang yun pero may double-deck pero problima lang doon ay mag iigib tayo ng tubig sa balon ano okay lang sayo? Saka wala ring ilaw kaya save tayo doon" natawa ako sa kanya.

"Okay let's go" napatulala siya sa sinabi ko.

"Woah talaga? Titira ka sa ganung ka simpleng bahay? Walang aircon doon, walang tubig, walang kuryente at walang magandang kusin---"

"Ang daming dada Edward sabi ko nga diba tara" napatulala siya kaya napangiti nalang ako.

Sumakay kami ng jeepney at first time kong sumakay kung hindi ko pa kasama si Edward baka mag mukha akong ewan pero ang saya dahil siksikan at halos nalang kumandong ang isang paa ni Edward sa akin kaya napapangiti ako, mga isang oras yata kaming bumiyahe ng bumababa siya syempre sumunod ako. Pagbaba ng pagbaba ko ay ang simoy ng hangin agad ang bumungad sa akin at ang mga dahong sumasayaw.

"Tara" tumango ako sa kanya at sumunod lang hanggang sa makarating kami sa maliit na kubo.

"Apartment huh?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Mas sosyal kung apartment kaysa sa kubo ano ka ba" napailing iling nalang ako.

"Atleast may bahay ako ikaw wala" mas lalo lang akong natawa sa kanya.

"Akala ko ba inuupahan mo to?" Inilapag ko ang gamit ko sa kawayan niyang upuan at tumingin sa bahay niyang sobrang cute.

"Oo pero namatay yung may ari kaya wala ng naniningil" napailing iling nalang ako dahil mas masaya pa yata siya doon sa namatay ang may ari nang inuupahan niya.

"Infairness ang ganda ng bahay mo" napangiti ako dahil totoo, yung lapag niya kawayan na pinagtagpi tagpi, upuan at lamesa niya kawayan din pati pintuan niya kawayan rin, kaya pumasok ako sa kwarto niya at ganun rin may kawayan siyang double deck.

"Ayos naman pala dito" masayang sabi ko ng humarap ako sa kanya na kanina pa nakatitig sa aking tinitigan ang bahay niya.

"Pero Dhruv uuwi muna ako sa amin alam ko kasing namimiss na ako ng lolo ko kaya okay lang ba sayo yun? Wag kang mag alala wala ka namang kapitbahay dahil namatay na yung kapitbahay na isa na may ari nito pero may balon sa likod doon ka maligo, kung sa inumin naman talagang bibilhin yun" tinuro niya ang isang gallon ng lalagyan ng tubig.

"Bente cinco ang isang gallon bili ka nalang, saka may maliit na palengke dito bili ka lang ng kailangan mo, at kung trabaho naman ang hahanapin mo medyo mahirap kang makakuha nun, pero may skwelahan dito try mong mag apply baka pwede ka mag apply doon" tumango ako sa kanya.

"Salamat Edward" tumango naman siya.

"Ayos ka lang ba talaga dito?" Tumango ako sa kanya.

"Ayos lang ako wag kang mag alala" napabuntong hininga siya.

"Pero kung hindi mo kaya umuwi ka nalang sa inyo" ngumiti lang ako sa kanya.

"Sige na umalis ka na" tumango lang siya sa akin

"Nasa mesa ang susi" tumango ako sa kanya ng magpaalam na siya kaya tinignan siyang papaalis ng mawala na siya sa paningin ko ay pumasok ulit ako sa loob at umupo.

"Dhruv kaya mo to" ngumiti ako at napangiti ng marinig ko ang huni ng mga ibon sa labas, alam mo yung ibang iba talaga dito dahil ang tahimik at sobrang presko ng hangjn.

Apat na taon na simula ng umalis si mandy kumusta na kaya si Mandy at Zaccheus? Ngayung walang wala na ako may kakayahan pa kaya akong ligawan ang isang tulad niya? Matatanggap pa kaya ako ni Mandy? Sa lahat ng kasalanan ko may pag asa pa kaya ako? Maraming tanong akong gusto sabihin pero lahat ng iyon ay nag mistulang pepe, napasandal nalang ako.

Sana bago man sila makauwi sana may maibili man lang akong bulaklak para sa pag dating niya, may maibili man lang ako para sa anak ko. Pumikit ako saka ako napagdesisyunan na maghanap ng trabaho dahil kailangan kong simulan baka mapapahiya ako kay Mandy.

To be continued...
TheMirrorPrincess

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now