Chapter 3

4K 111 6
                                    


Napalingon lingon ako sa paligid dahil ang swerte ko ba naman ang sabi ni Edward wala akong mahahanap na trabaho eh ang yaman yata ng baryo na to, isipin mo yun may mga magarang restaurant pala dito pero ewan mas pinili ko yung restaurant na kapangalan ng anak ko. Zaccheus Dine kaso hindi ko pa alam kung matatanggap ba ako dito bilang chef o kahit ano nalang siguro, tanging Bio-Data lang ang hawak ko dahil na rin sa lahat ng papeles ko na kay mandy kaya parang ang hirap kamitin nung hinanahanp kong trabaho.

"Kayo na po ang sunod" tumango ako sa lalakeng lumapit sa akin. Huminga ako ng malalim at pumasok sa maliit na office saka ko nakita ang may ari yata ng restaurant medyo masungit ang tandang to pero ngumiti ako umupo sa harap niya, alam ko naman napagdaanan ko na yata ang ginawa niya. Talagang kailangan mog magpakita na katatakutan ka ng taohan mo ganun ako eh noong may companya pa ako pero ngayung wala na kaya ayoko nang isipin yun.

"Baris Yavuz?" tanong niya sa akin kaya tumango ako na may ngiti sa labi ko, minsan nagpapasalamat akong bininyagan ako ni daddy sa ibang bansa.

"Your from Istanbul?" tumango ulit ako saka niya ako tinignan ng maayos.

"well that's explain everything kaya pala gwapo ka, pero bakit gusto mong mag apply sa Zaccheus Dine?" i smile at him.

"for living" simpleng sagot ko sa kanya.

"Mr. Baris alam kong nilagay mo dito sa biodata mong kahit anong trabaho tatanggapin mo, can i ask may alam ka ba sa kusina?" napalunok ako sa tanong niya at ng hindi ako sumagot at huminga siya ng malalim.

"Mr. Baris alam mo kasi hindi kami naghahanap ng kasama pa sa kusina dahil completo na sila, saka biodata is not enough for us to accept you medyo mahigpit ang amo namin sa pag tanggap ng mga empleyado" tumango ako sa kanya.

"okay lang po kung taga linis nalang or kahit taga punas ng lamesa or a waiter" sabay ngiti sa kanya.

"alam mo kasi may kamukha ka sa mga anak ni Mr.Fugo" bigla nanaman akong napalunok dahil sa sinabi niya.

"si--sino po yun?" tumawa siya

"pero imposibleng makarating dito si Sir Dhruv ang yaman yaman na nun" napangiti ako ng alanganin sa sinabi niya,

"saka mukhang galing ka sa army? i can see it on your hair" ngumiti lang ulit ako dahil bakit ang daldal niya nandito ako para maghanap ng trabaho hindi para magkipag chikahan.

"well Mr. Baris alam kong mabuti kang tao kaya tatanggapin kita at mukha rin kasing kailangan mo talaga ng trabaho dahil sa tingin bago kang salta sa probinsya na to, pero hindi kita mabibigyan ng mataas na trabaho kaya okay lang ba sayong taga hugas ka lang maging diswasher?" napangiti ako sa sinabi niya at agad napatayo.

"thank you po" napatingin ako sa name plate niya.

"Mr. Hakan" takang basa ko at tinignan siyang naguguluhan.

"Im from Istanbul too at dahil kababayan kita gusto kitang tulungan" napahinga ako ng malalim sa sinabi niya.

"pero makapag hihintay ka ba? tatawagan ko muna si Maam kung papayag siya" tumango ako sa kanya saka siya may tinawagan, lumabas siya ng office niya kaya napahinga ako ng malalim mga ilang minuto lang ay bumalik siyang may ngiti sa labi.

"your hired Baris"dahil sa sinabi niya ay napangiti ako.

"thank you" tumango siya sa akin.

"bukas na bukas pwede ka nang magtrabaho" tumango ako sa kanya

"maraming salamat" tinapik tapik niya lang ang balikat ko.

"let's go ipapakilala kita" tumango lang ako sa kanya at sabay kaming lumabas sa office niya. tanging simpleng damit lang sout ko ngayun, jeans at White V-neck shirt lang pero ewan bakit sila nakatingin sa akin lahat pero binaliwala ko nalang yun.

"May bago kayong kasama si Baris siya ang papalit kay Dylan" napatingin silang lahat sa akin at nagbulong bulongan kaya tinignan ko sila.

"Sir marunong ba yan mag tagalog? mukhang anak mayaman kaya ba niya magtrabaho bilang dishwasher?" ngumiti ako sa kanila.

"kaya ko" bigla silang namangha ng magsalita ako kaya natatawa ako sa expression nila.

"alam mo baris mapagkakamalan kang may ari ng restaurant dito dahil sa gwapo mo at mukhang anak mayaman ka saka sa tindig  mo parang mas mataas ka pa sa amin" sabi nung lalakeng may hawak ng sandok.

"enough of it kababayan ko si Baris kaya talagang magtataka kayo kung bakit kasing gwapo ko siya" natatawang sabi nito kaya lahat sila ay tumalikod at nagtrabaho na, napangiti ako dahil doon saka niya tinapik ang balikat ko.

"bukas ka pa magsisimula pero gusto kong mag observe ka sa restaurant" tumango ako saka na niya ako iniwan kaya pumasok ako sa kusina, alam mo yung instinct na pag chef ka talagang gusto mong magluto, ayokong masamid sa trabaho na to kaya umiiwas akong tumingin sa mga chef dito. Baka bigla ko nalang silang sigawan dahil sa nakikita ko mali ang ginagawa nila na o-over cooked yung steak nila kaya pikit mata ako.

"Baris?" napalingon ako sa lalakeng maraming tanong kanina.

"Johnson pala" sabay ngiti niya kaya tinaggap ko ang kamay niya.

"taga saan ka?" takang tanong niya sa akin kaya ngumiti ako.

"dyan lang" simpleng sagot ko at napatango siyang napakamot ulo.

"may asawa ka na ba?" tumango ako sa kanya

"may anak?" tumango rin ako.

"nasaan sila?" napangiti ako sa kanya at ng hindi ko siya sinagot ay ngumiti siya.

"pasensya ka na dyan madaldal talaga yan parang reporter din" natatawang sabi ng chef.

"Nicholas pala" pakilala niya kaya tumango akong may ngiti sa kanya.

"lima lang kayo?" takang tanong ko at tumango si Nicholas.

"tatlo kaming chef dito at dalawang waiter saka ikaw dishwasher, umalis na kasi si dylan dahil nakapag asawa na" tumango ako sa kanya

"Antonio" pakilala nung isa pang chef

"Cole" sabi rin ng isang chef.

"saka si Nathan waiter kasama ni Johnson" ngumiti ako sa kanila.

"Baris pala" pakilala ko ulit.

"wag kang mag alala hindi naman mahirap trabaho natin" ngumiti ako kay Nicholas saka na sila nag simulang mag trabaho sa nakikita ko si johnson muna ang naging dishwasher pero ayos lang naman ang restaurant medyo may makikita ka lang talagang mali minsan pero alam ko namang normal lang yun pero kung restaurant ko ito paniguradong maghihigpit ako sa bawat niluluto nila pero dahil wala akong karapatan ay mananahimik nalang ako.

To be continued...
TheMirrorPrincess




Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now