Chapter 21

3.7K 141 26
                                    


Mandy POV

Napatingin ako sa wrist watch ko ng marinig ko ang ugong ng sasakyan ni mang filo it's already 11 pm, kaya agad akong tumakbo at lumabas para tignan sila ng mapataas kilay ako sa nakikita ko, walang sawang tumatawa si Dhruv at ang isang lalake, lumapit ako sa kanila pero parang hindi ako napansin kasi may sarili silang mundo halos hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nilang dalawa.

"Kuya anong nangyari?" Tanong ko kay kuya filo at napakamot ulo naman siya at tinignan ang dalawang walang sawang kakatawa.

"Maam nag inuman po sila" napakunot noo ako at tinignan si Dhruv kasi bawal siyang uminom tapos uminom siya.

"Sige maam ihahatid ko lang po tong si Edward" tumango ako sa kanya at linapitan ang dalawa.

"Edward alis na tayo" lumapit ako kay dhruv.

"Hey Edward ito pala asawa ko maganda diba?" Napa roll eye ako ng akbayan niya ako.

"Naks naman hahaha ano naka score ka na? Apat na taon kang tigang eh" sabay tawa nitong malakas ni edward ng binato siya ni Dhruv ng sapatos nito kaya napahawak ako sa noo ko.

"Gago ka talaga umuwi ka na" sabay akbay ulit sa akin ni Dhruv kaya inalalayan ko siya.

"Maam alis na po ako" nakangiting sabi ni Edward sa akin at kumindat pa saka siya tumingin kay Dhruv.

"Lalake gusto ko ha tapos bigay mo sa akin gwapo lahi mo eh" at humalakhak ito.

"Tadyakan kita dyan" ngumiti nalang ako sa kaibigan niya saka na ito sapilitang sinakay ni kuya filo.

"Maam alis na po kami" tumango ako at ngumiti.

"Ingat po kayo" sabi ko.

"Salamat po" nakangiting sabi ni kuya filo at hinintay lang namin silang makaalis at ng wala na sila ay marahan kong itinulak si Dhruv kaya napatingin siya sa akin. Pero galit ako sa kanya ilang oras nag hintay yung anak niya sa kanya hindi man lang ako tinawagan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Napayuko naman siya.

"Bawal kang uminom dhruv naman" hindi siya sumagot.

"Pumasok ka na nga" inis na sabi ko at hinila siya sa loob.

"Babe im sorry, si edward kasi sabi niya okay lang" explain niya sa akin pero hindi ko siya pinansin ng makapasok sa kwarto namin.

"Just take a bath please" pinabayaan ko siya kasi naiinis talaga ako, parang tanga ako kanina pa halos hindi nga ako makatulog kakaisip kong nasaan siya tapos ito lang pala siya nag iinom eh alam niyang bawal siya nun, kinalma ko ang sarili ko ng marinig ko ang pag agos ng tubig, tumayo ako para ipaghanda siya ng damit niya when i saw his army bag, i look at the bathroom saka ako umupo sa sahig at binuksan yun, army uniform ang laman nun but i saw a picture of us naka laminate pa kaya napangiti ako.

"Babe" agad akong napatayo pero napalunok ako ng makita ko siyang hubot hubad na naka sandal sa pintuan hawak hawak ang noo niya,

"Ano masakit ulo mo?" Kahit pa nakahilera ang maganda niyang katawan pero galit pa rin ako sa kanya.

"Can you help me brush my teeth" napahinga nalang ako ng malalim at linapitan siya.

"Come here" lumapit naman siya sa akin kaya nasa tabi ko na siya ngayun nasa harap na kami ng wash basin as i prepare his brush ay yumakap siya sa bewang ko.

"Are you mad?" Bulong niya but I didn't answer him.

"Yumuko ka" sumunod naman siya sa akin kaya hinawakan ko ang leeg niya as i brush his teeth at nakapikit lang siya the whole time while im doing it, napapalunok pa ako dahil sobrang gwapo niya talaga, lalo na ngayung medyo malaki ang katawan niya parang anytime soon mawawasak ako nun.

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now