Chapter 5

3.8K 133 11
                                    

Dhruv POV

2 week, it's been 2 weeks working here with a salary of 500 a day it's enough pero nakakapagod pero ayos lang, a week ang payday nila kaya medyo nakakabili na ako ng mga pagkain ko sa bahay, mas inuna ko yung bigas at bumili nalang ako ng mga cup noodles.

"Baris pwede ka bang makausap?" Nagataka ako sa itsura ni Mr.Hakan at parang tatae siya na ewan.

"Bakit po?" Takang tanong ko ng makarating kami sa office niya.

"May NSO ka?" Napatitig ako sa kanya.

"Alam mo kasi sa sobrang excited ko nakalimutan kong hingin sayo yun" napalunok ako sa sinabi niya.

"Mr. Hakan ano kasi nasa asawa ko lahat ng papeles na kailangan ko" napatango siya.

"Tawagan mo siya ipadala mo" napangiti ako.

"Sana nga po ganun nalang kadali" napakunot noo siya.

"Bakit? Mahirap ba yun?" Marahan akong tumango sa kanya

"Opo, pasensya na po kayo nasa malayo po kasi ang asawa ko" malungkot kong sabi kaya napahinga siya ng malalim.

"Ganun ba pasensya na, ako na ang bahala kay maam, sige na bumalik ka na sa trabaho" tumango ako sa kanya at napangiti, kanina kinakabahan pa ako baka dudahan ako ni Hakan pero naniwala naman siguro siya sa akin.

"Bakit daw pinatawag ka?" Tanong ni Johnson pero ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paghuhugas, masaya naman ako sa trabaho ko, kontento na ako, noon puro papeles ang nasa harap ko walang ibang ginawa kundi ang magbasa ng mga files documents and signing some of it, rejecting some funds.

"Ganda ng singsing ah" pangungulit nanaman ni Johnson sa akin na second demotion ni Edward na sobrang daldal.

"Oi sino daw magaling mag bantay ng bata?" Napatigil ako sa pagpupunas ng plato at tinignan si Nicholas.

"Bakit daw?" Tanong ni Cole sa kanya.

"Darating bukas ang Anak ng may-arii dito" napatango ako sa sinabi niya.

"Teka bakit dito? Eh ang layo natin sa Manila" takang tanong ni Johson.

"Si Mr. Hakan kasi ang Tutor nung batang yun kaso nandito si Mr.Hakan kaya kay Mr.Hakan muna daw yung bata for 3 week tapos kukunin for the day of exam daw" nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Baris diba may anak ka na? Paano ba mag bantay ng bata?" Napatingin ako sa kanilang lima.

"Dalawang beses ko lang nahawakan ang anak ko" napakunot noo sila.

"Huh?" Takang tanong ni Cole.

"Nung nanganak lang ang asawa ko pero the day my wife--" napatigil ako sa sinasabi ko at tinignan sila.

"Basta" sabay talikod ko sa kanila.

"Ano ba yan Baris yun na yun nag English ka na magdudugo na sana ilong namin tumigil ka pa" natawa silang lahat sa sinabi ni Johnson kaya napailing iling nalang ako.

"Wag niyo yang problimahin nandito tayo sa kusina habang ang batang yun mag aaral hindi rin tayo nandito para alagaan siya or bantayan"makahulugang sabi ko sa kanila at sumang ayon naman sila sa akin.

Mahabang oras akong nakatayong nakaharap sa sink na tanging inaatupag ay ang paghuhugas pero minsan napapatigil ako at napapahawak sa wedding ring namin ni Mandy, yung wedding ring niya nandito pa rin sa akin. Nakakapagod mag hanap buhay pero mas nakakapagod din palang mabuhay na nag iisa.

"Tapon ko lang to" paaalam ko sa kanila at tumango lang naman sila lahat sa akin, ng nasa labas na ako ay napahinga ako ng malalim at napangiti habang pinapagpag ang damit ko ng mailagay sa basurahan ang dala kong basura sa black plastic bag.

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now