Chapter 12

3.6K 121 13
                                    

Dhruv POV

Nakatayo ako sa gilid nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa musica na naririnig ko, pinanghihinaan ako ng loob dahil hindi ko kayang marinig kung ano man ang isasagot ni Mandy.

"I need to go out hindi na ako makahinga" nanghihinang bulong ko kay Johnson ng nagulat siya.

"Oi gago ka ba? Magsisimula na saka bakit hindi ka makahinga tayo lang tatlo nandito sa loob darating na sila" napalunok ako.

"Sandali lang" agad akong tumakbo palabas at ng makalabas ako ay huminga ako ng malalim, sobrang ganda sa loob yung alam mo talagang mapapa wow ang kahit sino man ang makapsok sa loob. Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko talaga alam anong gagawin ko.

"Shit this can't be happening" napatayo ako ng maayos at pumikit.

"KUYA" bigla akong nagulat at napatitig kay Juno at Shon, Phinnaeus at kuya Cohan, napaharap ako sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Ngumiti sila sa akin.

"Well you help me before remember? Now let me help you too" napakunot noo ako sa sinabi ni shon.

"Now let's go we still have 30 minutes pero mas masaya pag nahuli tayo sa event nato" nagtataka ko ng hawakan nila ako sa braso.

"Teka" ngumiti lang sila at hinala ako papasok sa kotse kaya nagtataka ako.

"Now off to go dad" agad akong napatingin sa driver seat and i saw my dad and mom they are smiling.

"Ano to?" My dad just wink at me.

"Don't worry anak para sayo tong gagawin namin" masayang sabi ni mommy saka na umandar ang kotse.

"How about the event? Im the waiter----ARAY" singhal ko kay Phinnaeus ng batohin niya ako ng sapatos niya.

"Masakit ba? Gising ka na ba?Tanga ka ba? Saka wag mo nang alalahanin yun, Edwards there" tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa makarating kami sa bahay ko at hinila nanaman ako ni kuya Cohan at pag pasok sa loob nagulat ako ng present ang mga asawa nila when Alejandria give me a shaver.

"Now Kuya Dhruv shave on ang pangit pangit mo na " natatawang sabi ni Alejandria kaya tinignan ko silang lahat.

"Anong gagawin natin?" Takang tanong ko sa kanila ng ngumiti lang silang lahat sa akin.

"Steal that dylan show" nakangiting sabi ni daddy.

"Dad how?" He just smile at me.

"Shave first maglinis ka ng mukha mo at sasabihin namin" sabay tulak sa akin ni Phinnaeus sa banyo kaya wala akong magawa kundi ang sundin sila. Ng makapasok ako sa banyo ay napatitig ako sa sarili ko humahaba na ang balbas ko kaya napatitig ako sa shaver kaya kinuha ko nalang ang shaver cream and decided to clean my face matagal tagal akong nag shave dahil na rin kailangan kong i trim yun bago tuluyang e shave pero ng matapos ako ay napatitig ako sa sarili ko sa salamin.

"Welcome back Dhruv" natatawang sabi ko saka ako lumabas ng salabungin ako ni Kuya Cohan at binigyan niya ako ng isang white suit kaya nagtataka akong tinanggap ito.

"Dhruv I won't let you let this aside" napatitig ako sa kanya ng sabihin niya yun.

"Kuya alam mo namang hindi na ako mahal ni Mandy hindi naman niya yun sasagutin ang gagong yun kung mahal ako nun eh" tumango siya sa akin.

"So okay lang sayong pakawalan ang babaeng mahal mo? Nagpagaling ka para sa pamilya mo tapos mauuwi sa wala ang pinaghirapan mo? Dhruv kahit ngayun lang gumawa ka ng paraan ng makita naman ni Mandy na talagang seryoso kang mahal mo siya, dhruv isipin mo ang anak mo" napahinga ako ng malalim.

"Pero paano pag papalpak ako?" Ngumiti siya at tinapik tapik ang balikat ko.

"Alam mo dhruv no need rehearsal pagmahal mo ang isang tao all you need to do is to say what's in your heart" turo niya sa puso ko.

"Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin, ito ang gagawin natin i know by now kumakain na sila we have eye there si Edward everything is recorded remember aayain ni Dylan si Mandy para sumaway? And some music will be play doon tayo papasok, and that song is a song for us to sing," mas lalo akong kinabahan.

"Kuya naman" napapikit siya dahil naiinis na siya sa akin.

"Did you forget it? Remember when your at the camp?" Tinitigan ko siya.

"Ano?" Ngumiti siya.

"Yung kantang ginawa mo remember?" Napakagat labi ako.

"It's a proposal song kuya" nagtatakang tanong ko.

"That's it kaya nga aagawin mo ang show diba? Hayaan mong sabay silang kumain atleast hindi pa inaya ni dylan si Mandy you will be the one who will ask her to marry her" napalunok ako.

"Kuya natatakot ako paano pag hindi niya ako sasagutin?" Nagkatitigan kami.

"Dhruv believe in yourself alam mo sa sariling mong mahal na mahal ka ni Mandy First love ka nun, elementary to highschool to college ikaw na ang mahal nun wala ng iba, so believe in" napapikit ako.

"We already practice that song you make at ito ang lines mo" sabay bigay niya sa akin ng lyrics nun and with a mp3 player.

"Listen to it dhruv you have 10 minute to practice" tumango ako sa kanya at tinaggap ito.

"Now magbihis ka na" tumango ulit ako at ng lumabas siya at napatitig ako sa hawak ko.

"Tama si kuya atleast i need to try bahala na si batman"

Ng matapos akong magbihis at agad akong lumabas ng paupuin ako ni Alejandria at napatitig ako sa sarili ko sa salamin.

"Let put some make up" i look at her

"Make up? I don't need it" tumawa siya sa akin ng nagalit ako.

"Ang OA para mas gwapo ka naman alam kong gwapo ka na Dhruv pero mas maganda pag mas perfect ka" napailing iling nalang ako.

"pikit na just listen to your song" pumikit nalang ako at sinalpak ang airpods na bigay ni kuya cohan saka ako nakinig ng maayos sa kantang ginawa ko, ginawa ko ito nung nasa camp ako, i make this song kasi akala ko paglabas ko makakasama ko sila and i will ask her to marry me again kaya ginawa ko ito para sa kanya. But now kahit man walang rehearsal bahala na basta masabi ko lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal bahala na basta maging akin lang siya ulit, I don't want to lose her. Never.

To be continued...
TheMirrorPrincess

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now