Chapter 28

3.7K 128 26
                                    


ANTONIO POV

Napakagat labi ako at tinignan si Cole, magkaharap kaming apat dahil Lunch time na pero hindi ako halos makakain dahil sa mga pinag gagawa ko.

"Satingin ko naman maiintindihan ka ni sir Dhruv" biglang sabi ni Nathan.

"Wala naman kasi sa atin ang nakakaalam na siya si Sir Dhruv, ang alam natin mahirap siya" sabi ni Cole.

"Pero ginawa mo lang naman ang trabaho mo Antonio ganun ka rin kaya sa amin nung bagohan kami kaya wag kang mag alala, kita mo naman kanina diba? Wala namang sinabi si Sir na tatanggaling ka sa pagiging sous chef mo" kumain ako Habang Nakikinig sa sinabi ni Johnson.

"Kasalanan kasi to ni Dylan kung anong pinagsasabi sa atin, akalain mo yun sinabi niyang Divorce na sila maam at sir eh siya pala yung mas gustong ma file yung case na yun kahit naman ayaw ni maam, parang feel ko pinipilit ni Dylan si maam eh, nakikita ko nga noon everytime na magkasama sila ni maam sobrang layo ni maam kay Dylan parang hindi sila ganun alam niyo yung, parang naiilang si madam kay Dylan" kwento ni Cole sa amin.

"Narinig ko kay Dylan pinilit lang daw talaga niya si Maam Mandy" sabi ko sa kanila.

"Ang alam ko sabi niya apat na taon na nasa kampo yung husband ni maam for therapy pero hindi ko talaga alam na si Baris at si sir Dhruv ay iisa" may pagsisi kong sabi.

"Hayaan mo na Antonio mabait naman si sir eh" nakangiting sabi ni Nathan kaya pinilit kong kumalma. Tangna habang kumakain ako bumabalik lahat lahat nang pagtrato kay sir, sino ba naman kasi ang mag aakalang iisa lang silang dalawa, sana pala naniwala ako sa instinct ko simula nung laging tinatanong ni Hakan kung nasaan si Baris lagi siyang nakatutuk kay Baris noon at yun ang pinagtataka ko minsan sobrang light nang trabaho ni Baris kaya naiinis ako pero hindi ko naman alam amo namin siya.

"It's okay to joined you guys?" bigla kaming napataas noo kay Sir Dhruv na may ngiti sa labi sa amin, may dala dala siyang coffee kaya agad tumayo si Johnson at pinaghila siya nang upuan.

"dito po" natawa siya kay Johnson at umiling saka siya umupo sa tabi ko kaya lahat sila ay napatingin sa akin, ako parang natulala at hindi alam ang gagawing ngayun naka upo siya sa tabi ko.

"just be normal guys parang gaya noon lang" nakangiti niyang sabi.

"eh noon po sir hindi namin alam na ikaw si sir dhruv" sabat ni cole sa kanya.

"bakit? pangalan lang naman ang naiiba saka ako pa rin naman si Baris kaso pangalan ko lang yun sa Istanbul kaya hindi ko siya talaga ginagamit, ngayun lang simula nang pumasok ako sa kampo saka kung hindi niyo sinabi sa aking pag aari to ng asawa ko hindi ko naman malalaman, alam niyo bang hindi ko naman alam na may zaccheus dine, pumasok ako dito kasi sa parehong pangalan nang anak ko, swerte na nga yun dahil talagang sa anak ko to" natahimik kami at walang nag salita.

"Antonio kumain ka na" napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya.

"hindi po kayo galit sa akin?" marahan siyang umiling kaya mas lalo akong nagalit sa sarili ko.

"Siguro noon Antonio pero gumaling na ako sa sakit ko, siguro alam niyo na kung gaano ka demonyo ang isang Dhruv Fugo dahil sa reaction niyo palang kanina, ganun na talaga ako may high impulsive atittude but i choose to be in a good shape para sa mag ina ko, maybe before kaya kitang patalsikin kahit isang mali lang ganun ako pero don't worry i won't do that, hindi kita tatanggalin so rest assures" tumango ako kay sir at napahinga nang malalim.

"thank you po talaga sir at patawad po sa mga nasabi ko noon sayo" ngumiti siya sa akin.

"basta wag mo nang ulitin Antonio, ikaw ang nakakataas dito sa groupo niyo pero ikaw mismo ang nag do-down sa mga kasama mo, kung may nagawa mang mali pagsabihan mo nang tama like ipaintindi mo lang sa kanila, hindi porket nasa taas ka pwede ka nang mang apak nang pagkatao" napayuko ako doon nang tapikin niya ang balikat ko.

"remember that" tumango ako saka na siya umalis .

"ang bait ni sir pasalamat tayo at bumait eh no? kung hindi pa baka nasesante pa tayo" mahinang bulong ni Nathan.

"so wag kayong kakampi doon sa Dylan na yun baka kayo ang gawing paen, kay sir Dhruv dito tayo sa sigurado" napatango ako sa sinabi ni Cole bialng pag sang ayon.

"simula ngayun maki ride nalang kayo kay dylan pero hindi ibig sabihin nun na talagang kakampi kayo sa kanya, mas mabuti na rin sigurong may maitutulong tayo kay sir dhruv" sabi ko sa kanila at napatingin sa boung lugar nang restaurant, kasi akala ko talaga masesesanti ako.

"sayang antonio nakapag impake ka pa naman ano tutuloy ka sa pag alis" tinignan ko nang masama si johnson at ngumiti siya, yung ngiting nang iinis.

"alam niyo naman siguro na sa ating lahat dito ako lang ang naging mabait kay sir" sabay pacute niya kaya tinulak siya ni cole.

"umalis ka na nga at magbantay ka na baka may pumasok" napailing iling nalang ako sa kanila.

"yan kasi ang susungit niyo kasi buti nalang talaga no? antonio? hahahaha" saka ito umalis kaya kumain nalang ako.

"aalis ka ba talaga?" tinignan ko nang masama si nathan.

"gusto mong ibato ko to sayong plato ko?" natawa si nathan.

"kakasabi pa nga lang ni sir na be good eh" saka siya umalis at tumawa naman silang lahat.

"mag asawa ka na kasi nang lumamig ka naman" napangiti nalang ako at nagpatuloy sa pag kain ko saka napatingin kay sir na ngayung karga karga ang anak niya. Maswerte na yata ako sa employer ko kung ang iba sinisisante ako hindi,he give me second chance at hindi ko sasayangin ang second chance na yun, babawi ako kay sir dhruv, Walangyang dylan yun kung hinid ba naman sa kanya hindi ko magagawa kang sir dhruv yun, ang lagi niya kasing sinasabi sa akin aagawin daw ni sir dhruv ang pwesto ko eh pucha kinagamit lang pala ako para inisin si sir, nandamay pa ang walangya. Ngayung alam ko na hinid na ako magpapadala sa lahat nang kasinumalingan niya.


to be continued...

TheMirrorPrincess

Alam ko lahat sa inyo naghihintay sa update ko, kaso last last week nag ka problima tong account ko buti nalang at super secured tong account ko sa watty at na revive, kaso lahat nang drafts ko nawala nagkalat ang mga unknow words sa drafts ko like pinalitan lahat nang revisions, so ayun 1 week akong nagbabad pilit iniisip yung mga naisulat ko. Wala na akong magawa eh, atleast nabalik si watty or else wala na hehehe, ang daldal ko bye na next update ulit.

Exist for Love (Dhruv Fugo Book 2)Where stories live. Discover now