DATING KEN SUSON 35

1.4K 78 89
                                    

KYOMI'S POV


Mamayang gabi na ang Anniversary Party nang MNZ Group ngunit hindi ko makuhang lubusan na maging masaya!

"Geeze girl! Party ang pupuntahan natin hindi lamay!" Mira rolled her eyes at me. Nakonsensiya ako dahil nadadamay ko pa sila sa mood ko.

"Sorry."

"Have you asked Felip na ba?" Nagpapa-design kami nang nails dito sa favorite Salon niya kasama si Yaz.

"Ang sabi niya sa akin ay busy siya sa mga projects nang SB19 pero nagtanong ako kay Sejun, nasa dorm lang raw sila simula Friday at hindi nila alam kung saan nagpupunta si Ken kapag umaalis ito."

"Well informed naman siya na ngayon ang party diba?"

Tanong sa akin ni Yaz at tumango ako. I tried to shake my negative thoughts at huminga nang malalim.
Pakiramdam ko ay may itinatago sa akin ang boyfriend ko sa loob nang ilang araw kaming hindi nagkikita dahil busy raw siya. Tatawag lang ito pag lunchtime at gabi. Hindi ko maiwasang magduda dahil wala naman silang taping sa movie pati na rin sa kanyang grupo.

"Hayaan na natin siya kung nakalimutan niya." Mapait akong ngumiti at itinuon na lamang ang paningin sa mga nails ko na gumaganda na!

Simula kaninang umaga ay hindi niya pa rin nagagawang tumawag o mag-reply man lang sa mga texts ko.

Pakiramdam ko tuloy ayaw niya na sa akin at nawawalan na siya nang gana sa relasyon namin.

**********

5:30 PM na at naunang ayusan sina Mira at Yasmeen kaya napagpasyahan ko na lumabas muna at bumili nang makakain namin sa malapit na convenience store.

Nang makapamili na ako ay agad akong lumabas at naupo sa bench sa tabi nang kalsada. I checked my phone pero wala talagang texts niya.

Kainis!

Sa lahat nang tao, siya ang nakakaalam kung gaano kahalaga ang gabi na ito para sa akin. How come that he forgot after he received his suit?
Posible ba talagang makalimutan ang ganitong klaseng bagay?!

"Ay anak nang kalabaw!"

Muntik ko nang mabitawan ang pinamiling pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong tiningnan kung sino ang tumatawag...... pero hindi siya.

"Hello..... Josh"

"Nasaan ka na?"

"huh? Inaayusan pa lang kami eh. Bakit?"

"Paalis na kasi kami sa salon."

"6PM na kayo umalis since malapit lang naman yan sa inyo."

"Gusto mo bang sunduin kita?" Tahimik akong napangiti. Maswerte ang babaeng mamahalin ni Josh.

"No need. Kasabay ko naman sina Yasmeen."

"Alright. See you there."

"See you."

Pagkababa ko nang tawag ay tumayo na ako sa gilid nang kalsada waiting for the red light para makatawid nang biglang may sumigaw!

"Sebby!"

I saw a man in a black suit shouting to his child malapit sa kinaroroonan ko na tumakbo sa gitna nang kalsada habang naka-go signal!

I run as fast as I could para masagip ang bata mula sa papalapit na kotse.
Nagpagulong-gulong kami sa gilid nang kalsada! Mabuti na lang at nakahinto ang driver nang kotse!

[SB19 Series I] Dating Ken Suson (COMPLETED)Where stories live. Discover now